chapter 19

1.2K 24 0
                                    

Chapter 19

 =Ella’s POV=

“guys.. ready na ba kayo?”

“saan naman?”

“ano ba naman kayo? Hindi active ha! Christmas party lang naman po”

“ah.. slam-an ulet? *u*”

“nope.. formal na daw, I mean.. yung mga naka cocktail dress yung mga girls, then semi-formal sa mga boys..”

Oo nga pala.. December na.. ang bilis ng panahon. Dati high school lang ako, ngayon college na ko..at parang kelan lang din ay katatapos lang ng christmas party namin.. party party talaga un..

Hindi ako makasali sa usapan nila, kasi I’m not feeling well.. nilalagnat kasi ako kagabi eh.. dapat nga hindi ako papasok ngayon, kaso lang, ayoko naman maburo sa bahay.. kaya kinaya ko na lang.. medyo ok na naman ako..

 “how bout you, ella? Sama ka samin? Bibili kami dress sa mall..”

“hmm.. sige.. kalian?”

“great! bukas.. ha, after lunch!”

“kkeeyyy”

Kailangan kong magtipid ngayon.. dami ko ng inaanak na reregaluhan sa pasko.. pati yung mga friends ko.. ayoko naman manghingi kay mommy ng pambili, kasi kapag nanghingi ako sa kanya.. parang si mommy na din yung nagbigay nun, at hndi ako.. in short, kailangan na ako ang gumastos sa pasko..

naalala ko nga pala na may sinabi ang mom ko sa akin.. humarap ako sa kanila at sinabi, “nga pala mga tol.. nakarating na si mommy kagabi.. iniinvite nya tayong lahat mag-dinner sa amin.. bukas din yun.. advance x-mas party nya daw..”

“HALA!! Baka engrande naman yan, ella ha.. naku, di ako pupunta..”

inirapan ko lang nun si maine at tsaka nagpatuloy, “hindi nuh.. kakain lang tayo dun.. ayaw din ni mommy yun.. stressful daw..”

“ah.. buti naman.. eh si, kiel? Invited?”

napatigil ako, pero agad din naman akong naka-recover.. ngumiti ako sa kanila at saka tumango.. 

“oo.. invited yun.. paki sabi sa kanya kapag nakita nyo ha..”

tinignan nila ko nang may halong pagtataka.. alam ko kung bakit sila ganun kung makatingin, dahil first time kong ibinilin si Kiel sa kanila.. at alam kong alam nila na hindi kami ayos ngayon ni Kiel.. si sharmaine lang ang nakakaintindi sa akin, kaya alam kong nasa side ko siya..

Kumirot na naman yung ulo ko.. hinilot ko ung sentido ko at saka pumikit.. hindi ko na yata kayang pumunta sa next class namin.. sinabi ko sa kanila na pupunta muna ko sa clinic para humingi ng gamot, para maibsan ung sakit ng ulo ko..

patungo na ko sa clinic ng may umakbay naman sa akin nun, kaya nabigla ako..

 “hoy!”

“ay! Ken.. ikaw pala yan..”

“hindi..si Kiel to.. =_= ”

“haha.. di bagay..”

Inalis ko naman yung braso nyang nakaakbay pa din sa akin.. ambigat kasi eh..lalong sumasakit ang ulo ko.. 

 “may klase kayo, diba.. ba’t andito ka?”

“punta lang akong clinic.. may sinat lang”

“ganun ba.. tsk! Hatid kit—AY! hindi pala kita mahahatid.. may inutos lang pala sa akin si ma’am.. tsk, gusto mo, wag ka na lang pumunta sa clinic.. nuod ka na lang sa amin sa gym.. andun si kiel..”

She Just Cant Say I Love You - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon