chapter 14

1.1K 23 0
                                    

=Ella' POV=

"ok class, dismiss!" nagulat na lang ako dun sa sigaw ng prof namin na dismissal na.. uwian na pala namin, ni hindi ko man lang namalayan yung nilecture nya kanina.. ang dami ko kasing iniisip eh.. at isa na siya dun

naisipan ko namang ayain yung buong barkada pumunta sa mall, para naman makapag libang libang ako.. ayoko muna kasing umuwi ngayon sa amin eh, dahil ngayon araw na to palaging pumupunta sa amin si kiel.. halos parehas kasi kami ng sched nya, kaya minsan kasabay ko siya pauwi.. pero ngayon? parang ayoko muna..

"ahmm.. guys! samahan nyo naman ako sa mall.. hmmm.. gala lang?"

"ayy! hindi kami pwede tol.. *pertaining dun sa apat* ..punta kasi kami sa bahay nila judith, gagawin na namin yung report namin para bukas.."

"ah, ganun ba? eh, kayo jean?" 

"hindi pwede sis eh.. pagod na yung beauty namin kapabalik balik kanina sa faculty.."

haayy.. masisipag naman kasi silang lahat.. ako din naman ah.. balik balik nga din ako sa faculty eh.. dami din pinapagawa sa akin.. pero, ewan ko ba kung bakit wala akong kapaguran.. hayaan ko na nga tong mga to.. naiintindihan ko naman kung bakit sila ganyan.. mga pagod tlga.. halata sa mukha nila.. 

gusto ko na din kasing umuwi.. dahil pagod na din ang beauty ko.. kaso nga lang.. pasaway kasi yung dumadalaw sa amin eh.. baka magkwento na naman ng tungkol sa kanila ni diane.. masyado ng torture yun sa puso ko..

"ah.. ganun ba, sige.. gora na lang ako mag-isa.."

"ok lang ba? sensya na sis ha"

"oo naman.. kailangan ko din magsanay na wala kayo sa tabi ko.. lapit na tayo gmraduate oh.."

oo nga pala.. malapit na kami gmraduate.. isang taon na lang.. 3rd year college na kami and were in 2nd sem na.. ang bilis lang ng panahon.. hindi ko man lang na-enjoy yung sem break namin..

"aww.. wag ka naman ganyan ella, naiisip ko pa lang.. naiiyak na ko.." sabi naman ni amelyn..

"ano ka ba?! kasama talaga yan sa buhay.. pero kahit ako, naiiyak na din.. haha.."

"haha.. tsaka magkikita naman tayo kahit graduate na nuh.. ang aarte naman"

"sige na suzanne.. ikaw na panira ng moment.."

hindi namin namalayan na nasa gate na pala kami ng school.. naghiwahiwalay na kami ng landas, then kanya kanya nang alis.. ako, pumunta na ko ng mall.. 

nung nakarating na ko sa mall.. naisip ko na, mas ok pala kapag may kasama ka talaga nuh.. para akong baliw dito kakaikot ikot kung saan.. window shopping, nakiki-nuod sa mga naglalaro sa amusement center, and such.. gusto ko kasi maubos yung oras ko para wala na kong madatnan na bisita.. medyo konting shopping lang naman ako, pero mas nauubos ko ung oras ko sa kaiikot ikot lang dito..

pasok sa isang botique, sukat dito sukat doon.. lahat na ata ng botique dito, napuntahan ko na.. except na lang sa blue magic.. well.. syempre, nangati na naman ang paa ko, kaya gumora ako doon.. pagkapasok ko doon....

nakita ko siya....

"k-kiel..??"

naoatingin naman siya sa akin nun and he smiled..

"oh! ella? andito ka din pala.."

 "hindi nuh.. drawing lang ako.. sketch ba.." (-_-)

 "nyeks! nagsungit siya..haha, teka.. ano ginagawa mo dito?"

"titingin sana ako ng ano.. yung.. ano.." nilibot ko yung tingin ko para makaisip ng idadahilan..wala akong maisagot dahil wala naman akong dahilan kung bakit ako nagtungo dito.."...ng ano.. ayun! yung unan.. yung magic pillow.. hehe"

She Just Cant Say I Love You - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon