SK 2:

7.8K 265 9
                                    

for i envy those who can defeat their ghost (c)

.....

SK 2:

When she got herself back, she went straight to the bathroom, naghilamos at nagmumog. She almost forgot how her asshole husband kissed her in front of their investor. Napahawak siya sa kanyang dibdib, napakalakas ng kaba nito. Parang nararamdaman niya pa rin ang kamay ni Derron sa ibabaw ng kanyang dibdib. If she can just take away those thoughts, kung sana'y kayang kayang lunurin ng kanyang trabaho ang bawat ala-ala, matagal nang nawala.

Pero hindi.

"Ma'am Yuri, okay lang po ba kayo?" kinatok na siya ni Lucky.

"Yes, I'll come out in a bit." Sagot niya pabalik. Kita niya ang pag-aalala sa mata nito, she went straight to her table. She asked her about her schedule for a week. Akala niya tapos na ito pero hindi pa rin umaalis si Lucky sa kanyang gilid.

"And lastly Ma'am Yuri, Sir Derron called again, reminding you about the engagement party tonight. He said he will pick you up at seven. Dinala niya rin ang damit na isusuot mo para mamaya" tinuro nito ang paper bag na nasa couch sa kanyang office. Mula sa isang branded na boutique galing, wala siyang interes.

"Hindi ako pupunta. Tell that to him." Utos niya dito. Ayaw niyang maka-usap ang siraulo.

"I'm afraid that's not a good option. You know, I'm on your side Ma'am but your husband told me that he will drag you out from this office if you disobeyed him, and we both know how desperate and stubborn he can be." Tama nga naman , may punto ito, dahil kung hindi baka gumawa na naman ng eksena si Derron. Unwillingly she nodded at Lucky, umalis na ito para tumungo sa sariling table. Siya nama'y pilit inaabala ang isip sa trabaho na nakapila sa kaniyang mesa.

Kailangan pang ipa-alala sa kanya ni Lucky ang oras, she stopped her work at six in the evening, binitawan niya na ang binabasang proposal para sa panibagong adevertisement ng kanilang produkto. She didn't bother checking the dress that Derron bought for her. She was sure that it's a sexy and provocative dress just like how he wanted her bed partners to wear. She will go to that party with her usual attire. Slack and blouse. Niladlad niya lamang ang kanyang buhok and applied an ample amount of make-up. She went down when she was informed that her husband's already waiting in front of their building.

Panandaliang nagulat ang kanyang asawa ng makita siya, pero nakabawi rin. Pinagbuksan siya nito ng pinto, at least he knows how to be gentleman sometimes.

"Hindi mo sinuot ang binili ko sa'yo," napapailing ito habang ini-start ang sasakyan. Hindi siya sumagot, she just gave him a cold shoulder. Hindi niya malilimutan ang ginawa nito sa kanya kanina sa opisina. Kung walang musika sa loob ng sasakyan ay malulunod sila sa katahimikan. Ilang sandali pa ay narrating na nila ang venue, malapit lamang ang hotel na pagdadausan ng ng engagement.

She saw the numbers of reporters outside, camera's flashing and number of fans. Napalunok siya dahil sa biglaang kaba.

"I told you, maraming reporters, you could have at least tried wearing the dress that I bought you." Paninisi nito sa kanya.

"Must I remind you again na hindi ko naman gusto na pumunta dito, you force me!" she hissed at him.

"Trust me, it will be for the both of us." Umalis ito at lumabas, binalibag nito ang pinto, she flinched at that, bubuksan niya na sana ang sa kanyang gilid kaya lamang ay naunahan siya nito. Derron's wearing his fake wide smile again, as if he wasn't pissed seconds ago.

"Smile at least, kahit diring diri ka sa akin." He whispers those to her ear saka siya hinapit palapit, nakakapit ito sa kanyang beywang habang ginigiya siya papasok sa hotel. She tried to smile at the every flashes of camera. They were ask to stand for a while for a perfect picture, sandali lamang iyon dahil hinila na siya ni Derron papasok sa loob. Pagkapasok sa function hall saka niya naramdaman ang pagsisisi sa katigasan ng kanyang ulo. Derron's right, siya lamang yata ang babae na nakasuot ng slacks sa engagement na iyon. Nakakita siya ng pamilya na mga mukha, hinila siya ni Derron palapit kay Thor at sa fiancé nitong artista. Nakapaligid din ang mga kaibigan ng dalawa doon. A pack of fvckboys just like Derron of course. Mukhang nagulat pa ang mga ito na nakasama siya... tinignan pa siya mula ulo hanggang paa.

"So , nadala mo talaga ang wife mo dito. That's good, it's this a sign that we can see the both of you often." Si Thor, matapos siya ipakilala ni Derron sa mga kaibigan nito, maging sa mga babae na nasa grupo na iyon. Hindi nakatakas sa kanya ang pag-ismid ng mga mga kababaihan, she bet that they are flaunting the dresses that they are wearing. They mocked her while looking at her outfit, hindi niya na lamang pinansin.

She congratulated the couple, sabi niya na susunod na lamang ang kanyang regalo dahil kanina niya lamang nalaman ang tungkol sa engagement. She reminds herself to ask Lucky to buy a gift for the two. Kinuha niya ang wine na inabot sa kanya ni Derron, matapos mag-paalam ang couple para mag entertain ng mga bisita ay hinila na siya ni Devon sa kanilang table. Kasama doon ang mga kaibigan nito with their partners.

She looks around, marami ngang kilalang tao sa party. Hindi lamang mga showbiz personality, mayroon ding mga pulitiko at mga businessmen. Nakipagtanguan siya sa mga kakilala. She wanted to chat with them kaya lamang ay ayaw siyang paalisin ni Derron.

"Stay where your husband is." Malaharing utos nito. She did not attempt to disobey him, nagsalita na rin naman kasi ang emcee para sa pag-uumpisa ng ceremony. Habang nanonood hindi niya mapigilan na magbalik sa kanilang engagement ni Derron noon. She was devastated when her parents broke the news to her. She was doing her best to prove her skills and yet they chose to arrange her marriage to the Wu's delinquent son. She knew, noong college pa man ay maingay na ang pangalan nito. Bakit naman hindi, he's been flirting with the half of the girl population in their campus. It was a blow on her part; she never wanted to meet her pero mas higit pa pala doon ang ibabato sa kanya ng kapalaran. And from then on, she's living a miserable life.

"Reminiscing something?" Tukso sa kanya ni Derron, nakaharap ito sa kanya. Kanina pa ba ito nakatingin? Hindi niya alam.

Kinuha niya ang kanyang wine na nasa mesa. It's one of their products. "I just thought what if I run away that night? Ano kaya ang ginagawa mo ngayon?" it was a question that always runs in her head, what if she had the guts to escape, kahit na mag-isa na lamang siya? Ganito rin kaya kalungkot ang buhay niya?"

Kinuha rin ni Derron ang wine nito na nasa table, "Maybe, I run away to and chase the woman I like." She scoffed at that. Nakakapanibago, Derrons talking about a woman that he like, hindi naman kapani-paniwala. Wala siyang narinig na sineryoso dito. Women are just like clothes to wear for him, for it was something he needs to change everytime.

"Tell it to the marines."

"Why? You don't know anything from me, while I know too much information about you, especially that secret." She felt his thumb tracing circles at the back of her palm. She pulls her hand away from him, nakangisi naman ito sa kanya.

"Oy, Derron, can you get your hands off from your wife?" tinutukso sila ng mga kaibigan nito.

"You can't blame me. Even though her outfit is way different from the rest of the women here, no doubt that she's the most beautiful here." Pamumuri pa nito sa kanya. She just smiles at him to prevent herself from cursing out loud.

"Excuse me, washroom lamang ako." Paalam niya kay Derron, pumayag naman ito. She did her thing, yun nga lamang sobrang gulat niya paglabas, nakaramdam siya ng panlalamig at matinding takot.

"Hi Yuri, my favorite cousin."

She thought she will never see him again....

Guess, some nightmares comes back.

Satellite Kiss : EscapeWhere stories live. Discover now