SK 16:

6.1K 238 12
                                    

3/18/2018

...

SK 16:

"Wifey, wake up, ayaw mo bang pumasok?" pinapaulanan siya ng mga halik ni Derron sa kanyang mukha, she covered her face with their blanket, tinatamad talaga siya. She never felt so lazy like this before. She just want to sleep, ayaw niyang makipag break sa higaan. Natapos niya naman lahat ng trabaho niya, she can ask her secretary to bring important documents in their house. Great. That's a good idea.

"Wifey? Babangon na iyan," lambing ni Derron, pumasok din ito sa loob ng kumot, hinahalik nito ang ibabaw ng kanyang dibdib.

"Ano ba, tinatamad ako." She complain, tinutulak ang mukha nito palayo, tumagilid siya para makaiwas dito. Tumawa ito, hindi na niya tinanong kung bakit natatawa, kusa na itong nagpaliwanag.

"Siguro buntis ka na, iba na mood mo e." muli itong sumiksik sa kanyang likod, ang kamay nito ay hinihimas ang kanyang tiyan. "Tell me, may baby na ba tayo?" Inalis niya ang kamay nito, naiihi siya kasi.

"Where are you going?" nagtatakang tanong nito." I thought you're lazy?" Derron asked amuse.

"Iihi, bakit sasama ka?" masungit na tanong niya dito balik. He's back from being annoying again, nakakainis, pero yung dati na iwasan na away nila. Ngayon batuhan na ng mga salita. They both become talkative.

"Wait huwag ka munang umihi, sandali lang!" pigil nito sa kanya, pero sasabog na ang kanyang pantog kaya naman binalewala niya ang pagtawag nito. Humahangos naman itong dumating sa banyo mayroong hawak sa kamay na box. "Saglit lang wifey ang impatient nito." sisi pa nito sa kanya.

Para wala na lamang away ay sinunod niya ito, nakapuo siya sa bowl at tinapat nito ang kinuha sa box sa kanyang pag-ihi , that's when she realized what was it. Ni hindi man lamang ito nahiya sa pwesto nila, sa bagay they did more than this. Pilit niya iyong kinukuha sa kamay nito, kaya lamang ay sobrang kulit nito. Talo na siya.

"Maghugas ka ng kamay, kadiri ka, pwede naman na ako ang gumawa niyan." Saway niya dito, pilit niyang pinagtatakpan ang kanyang pagkakapahiya. Derron look like an excited kid, nilapag nito sa lababo ang kita saka naghugas, siya naman ay bumalik na sa higaan , she cover herself with their blanket. Derron had no idea that she's as nervous as him. Moments later, Derron's scream echoes in their room, tuwang tuwa ang loko habang sumisigaw ng Yes, daddy na ako!

Pumasok ito sa loob ng kanyang blanket at hinalikan ang kanyang impis na tiyan. Hindi maipagkakailan na masaya rin talaga sya katulad nito. Derron prepared her breakfast, basta kung ano daw ang kanyang hilingin kahit nasaan pang sulok ng mundo ay kukunin nito. she thought that was too absurd, maglilihi lamang siya, wala syang balak magpahirap ng buhay ng asawa.

"Wala naman akong gusto in particular." He said to calm him down. Pinagbihis siya nito para makapag appointment sa doctor, imbes tuloy na siya lamang ang walang balak pumasok, maging ito ay hindi na rin papasok.

"Congtraulations Mrs., you're on your seven weeks." Masayang bati ng kanilang OB. It was Derron who listened carefully to the Doctors advices, siya naman ay natutuwang pagmasdan ang pagiging aligaga ng kanyang asawa. After confirming the news from their doctor, they share it with their families. Masayang masaya naman ang bawat panig dahil ito na lamang daw ang kulang sa kanilang relasyon.

Now, she really can feel pure happiness. She never thought that she will be this happy. Matapos ang mga pagsubok na naranasan niya, heto na iyon. Ito na ang kaligayan na para sa kanya.

"No alcohol for you." Bilin sa kanya ni Derron.

"Opo."

"Good." Sabi nito saka siya hinalikan sa sentido, hawak siya nito sa beywang papasok sa bar, birthday ng kaibigan ni Derron. Ayaw nitong pumunta dahil ayaw siyang iwan nito mag-isa sa bahay, kaya naman para mapapunta ito ay naisipan niya na lamang sumama. Mula kasi ng maging okay sila ni Derron ay hindi na ito halos lumalabas, kung pwede nga lamang hindi ito humiwalay sa kaniya. Niloloko na nga sila ng kanilang pamilya dahil baka daw magkapalit na sila ng mukha.

They just laughed. They love being with each other, as if nandoon pa lamang sila sa ligawan stage, kung sa bagay hindi naman sila dumaan talaga doon dahil kasal agad.

"So nandito na sa wakas ang soon to be parents, congrats couple!" bati ng birthday boy sa kanila. Sumagot sila sa bawat pagbati, feeling tuloy nila inagawa nila ang moment ng may birthday.

"Sandali lang kami, bawal mapuyat si Mrs." Sabi ni Derron na inulan ng tukso, hindi pa man kasi sila nauupo ito na agad ang naging bungad nito.

"Can't get your hands off your wife e?" tukso pa. tawa lamang ang sinagot ni Derron. They talked about random stuffs, hindi naman siya hinahayaan na ma-out of place ni Derron. Ilang beses din itong nagtanong kung okay lang ba siya o gusto niya ng umuwi.

"Derron , thirty minutes pa lamang tayo relax. Pwede kang uminom, I will drive us home." Sabi niya pa, ayaw niya din kasing malimitahan ang page enjoy nito. She doesn't want to be that kind of wife.

"Nah, konti lang."sabi nito, siya naman ay kontento sa pag-sipsip sa kanyang juice, just like Derron said no alcohol for her. Syempre she love her baby.

"Hi?" napabaling siya sa kanyang kanan. May babaeng umupo doon, hindi niya ito napansin kanina. She smile awakwardly at that woman. Isa ba ito sa mga babae ni Derron, hindi niya kailangang magselos. That was his past, nagbago na ito.

"Hello."

"I guess you don't remember me." Turo nito sa sarili, pilit niyang hinuhukay sa kanyang ala-ala kung sino ito. She can't point it out, or the dim lights aren't helping?

"Nikky from highschool, do you remember now?" She starts to feel uneasy around her, ito naman ay taliwas sa kanyang pakiramdam.

"Oh, hi." Pilit niyang bati pabalik, the girl who bullied her before.

"Such a shame, nakalimutan mo ako... but guess what, nakakatuwa na nakakasalubong ko yung mga classmates ko from high school, guess who I saw in the airplane yesterday?" makahulugang sabi nito.

Ayaw niyang manghula. She's nervous. Pero hindi niya mapigilan na ipaalam nito sa kanya ang balita.

"Nakasabay ko si Ceres, she's back too. Diba bes tfriend mo iyon? Rumors said that you we're indeed close as in very very close." Sabi nito na para may laman.

 Na parang may alam.

Satellite Kiss : EscapeWhere stories live. Discover now