SK 4:

7.7K 259 9
                                    


SK 4:

Yuri woke up with a slight headache. Its morning and she's in her room. The last thing that she remembered was the hugged that Derron gave her last night. He even told her that she knew the secret behind her tattoo.

Her two stars. It is located at the right side of her lower back, hindi naman ganoon kalakihan. The idea came from a freshmen competition in college.

Hindi niya maalala kung paano siya nakapanhik sa kanyang sariling kwarto. Baka si Derron, wala naman silang ibang kasama sa bahay. Maybe it was one of his I am nice kind of guy husband, pero bihira lamang naman iyon. They don't usually argue or fight, madalang lamang naman kasi talaga din sila mag-usap. They can survive a day without talking, madalas talo si Derron sa aspeto na iyon kaya naman pinipili nitong umalis ng kanilang bahay, babalik na lamang kung kalian nito gusto.

Kailangan niya palang bumaba para maghanda ng breaskfast, bago iyon ay nag-ayos muna siya ng kanyang sarili. Natulog siya gamit ang damit kahapon, it was better that Derron changed her clothes. Kinilabutan siya sa kanyang naisip.

Medyo maingay sa kusina ang bumungad sa kanya, medyo nagulat pa siya ng makita si Derron na naka-suot ng apron, habang may hawak ng dalawang plato. Sa kanan ay may nakalagay na bacons and hotdog, sa kabila naman ay fried rice. Nagulat pa ito ng makita siya.

"Upo ka na, breakfast is almost done." Simpleng tango ang sinagot niya dito. Humila siya ng upuan para umupo na kagaya ng sabi nito. Ilang sandali pa ay lumabas na ito dala ang fresh juice and a plate . Hinubad na rin nito ang suot na apron.

"Nasaan si manang?" tukoy niya sa kasambahay na siya dapat na nag-aayos ng kanilang almusal sa halip na si Derron.

"Nag-paalam, may sakit daw ang anak." Naramdaman yata nito na nakatingin siya, lumingon kasi ito sa kanya.

"Ayaw mo bang kumain? Hindi naman kita lalasunin." Sabi na nito sa kanya. She just ignored his words. Kaya din hindi sila nagtatalo dahil hindi siya pumapatol sa mga sinasabi nito. Kinuha niya ang fried rice, para magsalin sa kanyang sariling plato. Kumuha rin siya ng bacon at tumusok ng hotdog.

"When was the last time you use your mouth in full?"

"Anong ibig mong sabihin?" hindi niya tuloy naituloy ang pagsubo ng hotdog sa kanyang bibig dahil sa tanong nito.

"Kung may gustong kang sabihin sa akin, o isagot sa bawat tanong ko, bakit hindi mo sabihin. Sayang ang laway mo kung hindi ka nagsasalita." Reklamo nito sa kanya, katulad niya ay sumasandok na rin ito ng pagkain. Hindi nga ba't mas maganda na hindi siya pumapatol sa mga sinasabi nito? Sa ganoong paraan hindi nagiging komplikado ang mga bagay bagay sa kanila. Tama na na parehas silang napilitan sa arrangement na ito, parehas nilang hindi nagagawa ang mga bagay na sana'y ginagawa nila ngayon. Parehas silang na trapped sa kasunduan ng mga matatanda sa ngalan ng negosyo.

"Don't you want an understanding wife?" nakataas ang kanyang kilay na tanong dito." Hindi ba't iyan naman ang sinabi mo noong gabi ng engagement natin?" paalala niya dito.

"Mas maganda pala na hindi ka nagsasalita minsan, you have a very sharp memory. Siya nga pala sa bahay nina mama tayo mag-lulunch, gusto ni yeye na makita tayo." Ang yeye o ang lolo nito sa paternal side. Magiliw naman ang matandang Wu, kaya lamang hindi pa rin maiaalis ang kanyang kaba kapag kaharap ito.

Gusto niya sanang tumanggi, magdahilan na marami siyang gagawin kaya lamang ay alam niyang magiging imposible iyon, baka kapag hindi siya pumunta ay hindi na rin tumuloy si Derron. Malaking problema kapag ang mga elders at magulang nila ay bumisita sa kanilang bahay. Malalaman pa ng mga ito ang set-up nilang mag-asawa. Siya na ang naghugas ng kanilang kinainan, matapos noon ay naghanda na silang dalawa ni Derron , pagbaba niya sa kanyang kwarto ay nakaabang na ito sa hagdanan. Napatingala ito sa kanya habang humahakbang siya palapit dito. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa kanyang ayos, para namang may bago doon, slacks at blouse pa rin naman ang suot niya.

Satellite Kiss : EscapeWhere stories live. Discover now