SK 17:

5.9K 195 5
                                    

4/01/2018

...


SK 17:

She was speechless for a moment, until she felt Derron's arms around her waist.

"You knew each other?" tanong na direkta sa kanya, binalingan niya naman si Derron, napakapit pa siya sa braso nito. Nikky's giving her husband a lustful and challenging look. The former version of Derron will easily fall for it, but not anymore. Hindi niya makita na magpakita ng interes ang kanyang asawa sa mapang-akit na tingin na binibigay nito.

"A classmate from high school." Nilapit niya ang bibig sa tainga nito ." Can we go home now? I suddenly feel dizzy."

"Okay let's go." His curious stare was immediately replaced by concern. Ito na ang nagpaalam sa mga kaibigan, nanghihinayang man sa pag-alis nila agad pero naiintindihan naman ng mga ito ang mabilis nilang pag-alis. Habang nasa sasakyan pauwi ay nakukunsensya siya, wish they could have stay longer, wish that she never met Nikky and found the news about Ceres. She can't deny the fact that she's restless hearing Ceres whereabouts. The truth that she's back. Their goodbye was so dramatic; Ceres hated her when she left. Hindi niya alam kung paano niya ito pakikiharapan kapag nagkita sila. She's so scared to face her, Ceres suffered from all kind of pain even before and after meeting her.

"You sure, you're okay? You make me so worried." Tapos na siyang maghanda para sa pagtulog. Akala niya tulog na si Derron dahil sa sobrang tagal niya sa bathroom, patay na kasi ang television paglabas niya, iyon pala ay hinihintay lamang siya nito, nakasandal ito sa headboard habang matiyagang naghihintay sa kanya.

"Come here." Kinuha niya ang kamay na inaabot nito. Naupo siya sa tabi ni Derron, sinandal niya ang kanyang ulo sa dibdib ni Derron. She loves sniffing his scent, narerelax siya kapag inaamoy ito. Tama nga ang mommy niya, naglilihi siya sa amoy nito.

"Is your head okay?"

"Yeah, siguro sa ingay lang." dahilan niya.

"Sorry, mali talaga na pumunta pa tayo. That would be the last for this pregnancy period." Tatawa –tawang sabi nito." After you gave birth na lang ang susunod, hindi naman ako pupunta doon kung hindi ka kasama." Paliwanag nito, however she agreed. Okay lang naman na lumabas ito, basta kasama ang mga kaibigan at walang monkey business. Paano niya ba pagbabawalan ito? Hindi nga ba't may karapatan naman talaga siya, nahihiya lamang talaga siyang gamitin ang karapatan na iyon.

"So we're not doing extra things tonight?" mapanudyo ang boses nito , nang-aakit.

"No I'm tired, gusto ko yakap lang." sagot niya, she closed her eyes. She will let all her worries behind. Derron's what she needs and of course their baby. Nothing else.

No one else.

....

"I love you." She said. Sa wakas nailabas niya iyon sa kanyang isipan, she hates it every time Ceres pay attention to others, lalong lalo na sa mga lalake na nagpapapansin lamang dito. Ayaw niya na kapag lumalabas sila, may sumasalo sa kanilang mga lalake. She just want her all by herself, pero pinagtatawanan lamang siya ni Ceres. Sabi nito, huwag daw siyang maging possessive na kaibigan, dahil baka makasanayan daw nito, kawawa naman daw ito kapag nasanay ito na possessive siya tapos magbago na siya. Even though she assured her that it won't happen, hindi pa rin naniniwala si Ceres.

"I know, of course you know I love you too." Ceres answered back playfully. They were in her room, abala si Ceres sa pag aayos sa harap ng salamin. Mayroong date ito ngayong gabi sa kabila ng may major exam sila bukas. Ceres tend to take things lightly, unlike her, she needs to strive hard and do her best. May kailangan siyang patunayan sa kanyang pamilya. Hindi katulad nito. Ceres can do all the things that she wants. Siya naman sa kabilang banda ay kailangang laging mauna, she will take over their company. Ang tungkulin na dapat nasa balikat ng kuya niya, pero dahil wala na ito, walang choice ang kanilang angkan kung hindi sa kanya ipasa.

She set aside the other choice. Iyon ang bagay na hinding-hindi niya matatanggap, kaya naman nagsusumikap siya at ginagawa niya ang lahat para hindi magsisi ang kaniyang pamilya.

"Paano , I gotta go, kwentuhan na lang kita kung ano ang mangyayari sa date namin." masayang paalam nito. Kahit gusto niyang pigilan ito ay hindi niya magawa, to her she was just a friend. Hindi higit doon. She was so dumb to think that they can be more than that. Umaasa siyang hindi mandidiri si Ceres kapag nagsabi siya ng kanyang naramdaman, pero ang kanyang pagtatapat ay isa lamang biro para dito. She was left alone, waiting in vain, waiting until she's tired from her new fling. Hinhintay niya kung tatawag ba ito para manghingi ng tulong, she needs to be there for her. Kahit sa ganoon lamang ay maramdaman nito na espesyal ito sa kanya.

Four more hours had passed. Mabilis niyang sinara ang binabasang libro ng marinig ang doorbell. Nakakunot noo dahil may sarili namang keycard si Ceres, hindi na nito kailangang pang magdoorbell. Sumilip siya sa peephole, nakita niya ang lasing na lasing na si Ceres, mabilis niyang binuksan ang pinto.

"What happened to her?" puno ng pag-aalala na kinuha niya si Ceres sa kamay ng estranghero.

"Hello Yuri, long time no see." Kung hindi lamang siya nakasandal sa pinto ay baka parehas na silang bumagsak ni Ceres. He was the last person that she wanted to see. Para itong multo na biglang lumitaw sa kanyang harapan.

"Anong ginawa mo sa kanya?" she hugged Ceres tightly, examining her body for some bruises or more.

"Wait, hindi ko naman magagawa iyon. Yoou should thank me for saving your friend." Nakakalokong sabi nito sa kanya.

"Makakaalis ka na." she dismissed him. Bago pa man niya masara ang pinto ay hinarang nito ang kamay, dahil hawak niya si Ceres sa kanyang bisig ay hindi niya kinaya ang lakas nito, mayabang itong pumasok sa loob, ang kamay ay nakapasok sa magkabilang bulsa.

"Nice place. Kayong dalawa lang?" may iba sa boses nito, bagay na nagpapakilabot sa kanya.

"Leave before I call the security." Banta niya rito.

"Wait baby, masama bang tignan ko kung saan ka nakatira. I miss you so much, hindi mo ba ako na-miss kahit kaunti?" nandoon ang lungkot sa boses nito, pero kahit na, nasusuka pa rin siyang makita ito.

"Because of her? Nasa kanya na ang atensyon mo na dapat sa akin lang?" masama ang tingin na pinukol nito kay Ceres. "Shall I get rid of her too?" banta nito.

Kinabahan siya ng sobra sa sinabi nito, pero hindi naging sapat ang kanyang ginawang pag-iingat. Nakalimutan niyang tuso ito.

+Z!

Satellite Kiss : EscapeWhere stories live. Discover now