SK 19:

6K 189 2
                                    


5/13/2018

SK 19:

Hindi niya na inalok umupo si Ceres, ito na mismo ang umupo sa kanyang harapan. Nilapag ng kanilang kasambahay ang dalawang juice sa mesa, hinintay na umalis ni Ceres iyon saka nagsalita.

"Come with me, we can raise your baby together."

Napadiin ang kanyang hawak sa kanyang tiyan, sa tagal niyang kilala ito, alam niya kung kailan ito seryoso o hindi, at ngayong may proposisyon ito sa kanya, alam niyang hindi ito nagbibiro.

Pero, hindi niya kayang iwan si Derron dala ang kanilang anak.

"I'm sorry I can't do that." bigong sagot niya dito. Doon nagbago ang ekspresyon nito sa mukha.

"Nasaan na ang pangako mo sa akin noon? You told me that it will be us in the end? I trusted you. I believe in you. I was raped for you!" parang punyal ang bawat salita nito sa kanya.

"Ceres, I'm sorry." Umiiyak niya ng pahayag dito. Paano niya ba iyo malilimutan? Hindi mawawaglit sa kanyang isip ang madilim na parte nang nakaraan na iyon.

"Do you think your sorry will heal all my wounds? I was waiting for you, you told me to wait for three years, pinagbigyan kita, but look what you have done? " Turo nito sa kanyang tiyan." Nagpabuntis ka talaga sa kanya?" She said those words like a venom. Lumingon siya sa kusina, sana ay nasa malayo ang kanilang kasambahay, nag-aalala siyang marinig nito at makarating kay Derron.

"Please Ceres , not here." She begged.

"You told me ako lang. Kaya naman nagtiwala ako sa'yo pero katulad ka rin pala nila. Matapos niyo akong gamitin ay iiwan nyo ako na parang basura!" tumayo ito at nag-martsa palabas. Mabilis siyang tumayo at hinawakan ito sa kamay. Tumigil naman ito.

"Please Ceres, I can't leave Derron, mahal na mahal niya ang anak namin."

"Then iwan mo ang bata sa kanya, leave with me. " Hamon nito sa kanya. "I will wait for your answer." May binigay itong calling card sa kanyang kamay saka ito umalis. Naiwan siyang balisa, isabay pa ang kirot na nararamdaman ng kanyang tiyan, mali na kumilos siya ng mabilis kanina. Nagsisi siya kaaagad ng sumdihi ang kirot.

"Manang!" she called her helper, lumapit naman ito sa kanya habang nagpupunas ng kamay.

"Diyos ko po, nabasag na!" sigaw nito, she looked down and saw what the helper meant. Basa na ang kanyang pang-ibaba, pinaghalong tubig at dugo. It's not yet due, napaiyak siya sa pag-aalala. She can't lose her baby.

"Manang, tawagan mo yung driver please, dalhin nyo na ako sa hospital?" utos niya, agad naman sumigaw ang katulong, humahangos ang driver nila galing sa likod. Mabuti na lamang at naisip ni Derron na kuhanin muna ang driver sa bahay ng mga Wu.

"Ma'am, tara na po." Inakay siya ng dalawa sa sasakyan, pinakuha niya ang phone para ma-dial ang phone ni Derron. Binigay niya na iyon sa kasambahay dahil hindi na niya makaya ang sakit.

"Sir, si ma'am po dadalhin na namin sa hospital, manganganak na po siya." Binigay ng kasambahay ang phone sa driver para magbigay ng instruction si Derron kung saan malapit na hospital, saka naman binigay sa kanya para kausapin nito.

"I'm coming wifey, hold on, kaya n'yo yan ni baby. I love you." Buong pag-aalala nitong wika sa kabilang linya, she can't help but to feel guilty despite her pain. Kung mas nag-ingat lamang siya kanina, hindi sana manganganib ang buhay ng kanyang baby. He's just eight months, she can't help but to think of worst outcome sa mga eight months old. Ayaw niyang maging ganoon ang kanilang baby. Hindi nya mapapatawad ang kanyang sarili.

Satellite Kiss : EscapeOnde histórias criam vida. Descubra agora