SK 8:

6.6K 201 4
                                    



SK 8:

"Have some fruits." Tumusok siya sa tinidor saka binigay kay Derron, dalawang araw na simula ng makauwi ito sa bahay, hindi pa rin siya bumabaliks opisina mula ng ma –hospital ito. She promise that she will take care of him, ayaw man kunwari nito pero mula kahapon nahuhuli niya itong nakangiti habang nakatingin sa kanya.

Katulad ngayon.

"Baka masanay na ako nito." komento nito matapos maubos ang melon na nasa bibig nito. Hindi niya tuloy ito matignan sa mata dahil sa sinabi, nakakaramdam siya ng hiya. " Sa bagay, ano naman kung masanay ako, it's just normal that you're taking care of me, we're husband and wife, kaysa naman sa iba ako maghanap ng pag-aalaga."

"Saan sa mga babae mo? You want me to call one of them?" kinuha niya ang kanyang cellphone na nasa bedside table. She felt irritated, akala pa niya naman medyo matitigil ito sa mga kalokokhan, pero baka kapag naka-recover na ito ulit ay babalik na sa dating gawi. Poor Derron, mukhang wala ng pag-asa.

"Yuri, stop teasing me, mula ngayon hindi na ako maghahanap ng iba." Kinuha nito nag cellphone sa kanyang kamay, nilapag iyon sa gilid, ang mga kamay naman niya ay kinuha nito. Hinahatak niya ang kanyang mga kamay pero mahigpit ang hawak nito habang nakatingin sa kanyng mukha. She can't tell what he is thinking, mukhang napasukan na talaga ng masamang hangin ang ulo nito.

"Don't be afraid of me." Narinig niyang sabi nito, maybe because he can feel that she is fidgeting. She really can't stand this close distance.

"What are you up to Derron?"

"Uunti-untiin natin Yuri. I'll make you forget what you had in the past. "And then he smile, malayo sa ngisi ng mapanlokong Derron, walang bakas ng kasutilan. Hindi niya magawang ngumiti pero hindi niya mapigilan ang sarili na mapaisip.

Kaya ba nito? kaya ba nitong gamutin ang kanyang sugat?

...

20**

"You have very outstanding grades. I'm so happy to welcome you in this school." Her homeroom teacher commented. Her parents decided to transfer her in an all girl's school. She wants it too. "Come let's go to our classroom." Sumunod siya kanyang teacher. Panibagong umpisa but it's better this way. She was told to remain standing in front katabi ang kanyang guro, kinuha nito ang atensyon ng mga estudyante na abala sa kung ano-ano, unlike on her old school, walang maiingay na lalake.

"Girls, you have a new classmate. " binalingan siya ng kanyang teacher, that was her cue to introduce herself.

"I'm Yuri Yang. Nice meeting you all." She made her introduction simple. All she received was their serious reactions, may nakangiti man sa kanya pero mabibilang lamang sa kamay. Maybe it's not that simple as it seems, but she needs to get along kahit paano, makakasama niya rin kasi sa school dormitory ang mga ito.

"Okay that's must be it. You can know each other better along the way." Sabi ng kanyang guro, tinuro nito ang bakanteng upuan sa may likod. Dahil sa matangkad naman siya ay ayos na rin na malagay sa likod. Her first day went well, matapos ang araw ay hila nya ang kanyang trolley papunta sa school dorm, hindi naman ito nalalayo sa kanilang school building. Nasasakop pa rin ito ng malaking bakuran. Palinga linga siya, tinitignan niya at kinakabisa na rin ang bawat paligid. Her mother graduated from this school, Elena's Girl School, it's in the middle of a province near the Metro, payapa, tahimik, away from the dark. Iyon siguro ang dahilan ng mga magulang ng mga babaeng nasa school na ito.

"Bago ka?" isang babae na may yakap na mga chips ang nasa kanyang harapan.

"Yes." She thought that if she can ask for her help pero inagaw na ng babae ang papel na kanyang hawak, nakalagay doon ang kanyang room number and some information.

Satellite Kiss : EscapeWhere stories live. Discover now