SK 20: last chapter

7.6K 227 8
                                    



5/27/2018



...

SK 20:

...

"Hold on, makaalis din tayo dito." she carried Ceres, hinang-hina na ang katawan nito dahil sa lapastangan ng kasamahan ni Elton. She did her best to control him once more, she bargains herself in exchange for Ceres freedom.

"Just promise me this will be the last time that I will see you with her, you can't call the police. You know what I can do." Banta pa nito.

"Sa hospital muna tayo pumunta, saka tayo dumiretso sa pulis." Nagulog pa ang susi ng sasakyan bago nya iyon maipasok. Ceres touch her hand.

"Huwag na, he might kill us both, sa bahay na lamang tayo dumiretso and then we will plan our escape." Suhestyon nito.

"Pero Ceres, we need to report it!" giit niya , kaya lamang ay mabilis itong umiling.

"Ayaw ko na ng gulo, ayoko ng may masabi pa lalo si mommy sa akin na nagkamali siya na buhayin ako. My goal is to prove her that I can make it without her help. Paano pa ako haharap sa kanya kapag nalaman niya ito? Please let's just keep it a secret?" she cried endlessly as she hold her tight. Kasalanan niya, kung noon pa sana ginawan niya ng paraan ang problema niya kay Elton hindi na sana aabot sa ganito. Hindi na sana madadamay pa ang taong mahal niya.

But she can't escape like Ceres wanted, may tungkulin siya sa kanyang pamilya. Iyon ang naging dahilan para hindi siya makasama sa pag-alis nito. But she promise that she will follow after, kahit pa nakilala niya ang kanyang mapapangasawa noon, desido siya sa kanyang plano...not until she fell for her husband.

...

"You're awake." Nagising si Yuri sa muntik haplos sa kanyang mukha, pagbaling niya ay ang nakangiting mukha ni Derron ang siyang sumalubong sa kanya. She looked around to realized that she was rushed in the hospital. Hindi na niya makaya ang pagsakit ng kanyang tiyan.

"Si Baby?" she asked immediately.

"He's safe, he's a fighter pero nasa NICU pa siya. "

"Are you sure he's safe?" tumango muli si Derron, she uttered a prayer. Mabuti na lamang at safe ang kanilang anak. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may masamang nangyari rito. Wala siyang sisisihin kung kung hindi ang kanyang kapabayaan. "I wanna see him." She begged.

"You will, but not now." sagot naman nito, he was uneasy kaya hindi pa rin niya magawang mapalagay. She can't do that unless she sees their angel.

Dumating ang kanilang mga relatives para batiin sila, nakita na nito ang kanilang anak at puro papuri na ang gwapo-gwapo raw. Naiinggit tuloy siya sa mga ito na nasilayan na ang kanyang anak. Nakatanggap siya ng mga advises mula sa mga ito sa pag-aalaga sa baby, hindi rin mapigilan na i-compare silang dalawa ni Derron noong mga baby pa sila. Derron's parents insisted that their baby looks just like him when he was a little. Hindi na nakipag talo doon ang magulang niya, ang mahalaga lamang sa mga ito ay natupad na ang kahilingan na magka-apo sa kanilang dalawa.

"So what's the name of the baby? May naisip na ba kayo?" tanong ng kanyang mommy. Bumaling siya kay Derron.

"Derron will name the baby." She gave the privilege to her husband na tuwang -tuwa naman, nakita niya kasi kung paanong aligaga ito sa pag-iisip ng pangalan. Natawa ang lahat ng may ilabas itong papel sa bulsa.

"Ready talaga?" she teases.

"Of course, I've waited for so long." Sabi nito habang proud na nakatingin sa kanya. "Dylan Yuriel." Hindi niya mapigil ang kanyang ngiti sa napakagandang pangalan na ginawa ni Derron, he included her name.

Satellite Kiss : EscapeWhere stories live. Discover now