SK 3:

7.4K 297 49
                                    

ano bang nangyari at nabaon ito sa gilid ng utak ko?

salamat sa 2 moons bumalik ang feels ko.. ending na ng 2 moons tonight, medyo sad..(almost  1 year na paghihintay before season 2)

kapag na-gets nyo ang 2 moons ma-gegets nyo ang nasa last part...

...

SK 3:

"What are you doing here?" Where did that came from?

"Kapatid ng kaibigan ko ang future bride. Is that even matter? Hindi mo ba ako na miss? Kasi ako oo." Nakangiti ito sa kanya, humakbang ito palapit. She stepped back.

"Kuya Elton." She called, napawi ang ngiti nito at huminto din sa paglakad, ilang hakbang na lamang ang layo nito sa kanya.

"It still irked me when you call me kuya." Halata ang pagkadisgusto sa boses nito. " Isa lamang ang kuya mo diba? He died several years ago, because of you diba?" tinaas nito ang kamay. Hinawakan nito ang laylayan ng kanyang buhok. She hates herself right now, always, kung paano siya natatameme sa bawat sinasabi nito, paanong inaanod palayo ang bawat tapang at inipon niyang lakas ng loob. Kapag ito talaga ang kaharap niya, bumabalik siya sa isang dalagitang naghihintay ng saklolo.

"Tama na." God knows how much she wanted to shout out loud pero sa tuwing kaharap niya nga ito ay nauupos siya na parang kandila.

"You want me to stop, but I want us to be alone in one room like we always do." Nasa harapan niya na naman ang nakakalokong ngisi nito. As if she heard the sound of a locking door.

"I think you should start looking for your own wife para hindi ka nang-haharass ng asawa ng may asawa. " Yuri hates Derron's presence pero ngayon , para sa kanya isa itong anghel na biglang lumitaw. Hinawakan nito sa balikat si Elton at tinulak palayo sa kanila. He even position himself in front of him.

Nagulat man sa paglitaw ng kanyang asawa ay muling nakabawi si Elton.

"You have an overprotective husband Yuri, nagkakamustahan lang namna kami Derron. I missed her so much."

"But it's illegal to missed your cousin so much... you miss my wife like how you miss your lover." Patuloy ni Derron, she remembered his words earlier. He knew so much about her...pero paano nangyari iyon?

"Yeah, we almost happened, but sadly you came. " Buti na lamang talaga at malayo ang comfort room, sila lamang tatlo ang nandoon. Hindi niya alam kung paano nasasabi ni Elton ang mga iyon sa harap mismo ni Derron, hindi talaga ito marunong mahiya. "I mean possible naman talaga kaming maikasal , until your damn family and fucking family enter the situation."

"Huwag mong murahin ang pmailya ko." Derron step forward ready to throw punches, pero pinigilan niya ito. Yuri hugs her waist... iniisip niya ang gulo na madadala nito sa lahat. Sa party na nagaganap, sa kanilang pamilya, noon nga ay hindi siya pinaniwalaan ng kanyang ina, ano pa ang maihuhusga nila sa kanyang ngayon.

"Tama na Derron, please umuwi na lamang tayo." She pleaded. Tiim ang bagang ni Derron, hinila siya nito palayo... she didn't looked back kahit pa naririnig niya ang sigaw ni Elton...

"Yuri is mine!"

Hindi na sila nag-paalam sa mga kaibigan nito, dumiretso sila sa labas... they went to his car. Mabilis iyong binuksan ni Derron saka siya tinulak papasok sa loob, mabilis din ang pagmamaneho na ginawa nito. Kung may music kanina ngayon ang naririnig niya ang mabilis na paghinga nito , kasabay ng matinding kabog ng kanyang dibdib. Puno pa rin iyon ng takot sa kaganapan kanina.

Bumalik na si Elton. She thought that he will stay in China for good. They are third degree cousin, ka-edad ito ng kaniyang kuya Yohan. Kapag may family gatherings ay nakikita niya ito, hanggang sa naging malapit ito sa kanyang kuya. She admired him before, but everything change when her brother died. Nagbago ito, nagbago rin ang pakikitungo nito kapag sila lamang dalawa ang magkasama. And that made her scared her the most, kapag sila lamang dalawa ang magkasama.

"Yuri, do you wanna learn how to ride a bike?" abala siya noon sa paglalaro ng kanyang mga manika, kapag kasi pupunta sa ibang bansa ang kanyang mga magulang ay palagi siyang may pasalubong. This simple things made her happy, she understand that her parents need to work for them. May kuya Yohan naman siya na laging kasama. Sabi rin ng kuya Yohan niya ito naman ang magiging busy kapag lumaki sila, kaya dapat hangga't bata sila, mag enjoy na sa paglalaro.

"Ayokong matumba kuya." Reklamo niya. Ayaw niya kasing magasgasan.

"Silly it's part of it. Diba Elton?" kasama nito ang kanilang pinsan din na si Elton, kaedad ng kanyang kuya, parehas nasa grade 8 na ang dalawa, siya naman ay grade 4 pa lamang. Sabi ng parents niya third degree cousins daw sila, pero still para sa kanya cousin pa rin iyon, minus the word degree.

"We won't let you fall Yuri, paano pa at nandito kami ng kuya mo?"

"Sige na nga." Binitawan niya ang kanyang manika... sumampa pa siya sa likod ng kanyang kuya, malambing talaga siya dito... hindi sila halos mapaghiwalay.

"Kuya, kapag lumaki na ako, papasanin mo pa rin ako ha?" sabi niya dito.

"Oo naman, kahit may boyfriend ka na, dapat makilala naming yan ni Elton, parehas naming iyong bubugbugin ni Elton, diba?"

"Oo naman." Ngumiti siya kay Elton... naisip niya noon , kawawa naman ang boyfriend niya pala...pero napakabata niya pa para doon...

"Nandito na tayo, wala ka pang balak bumaba?" nagising siya sa sigaw ni Derron, sumunod naman siya dito. Mabilis ang hakbang nito patungo sa loob ng kanilang bahay. Madilim dahil nakauwi na ang kanilang kasambahay, wala silang stay-in na katulong , parehas nilang gusto. Isa lang ang napagkakatiwalaan nila tungkol sa sitwasyon talaga nilang mag-asawa.

Nakatalikod ang kanyang asawa , ang mga kamay nito ay nasa beywang, nang bigla itong humarap ay nawala siya sa kanyang dapat sasabihin.

"Why you didn't fight back? Nasaan ang tapang mo?" akusa nito sa kanya.

If she can answer that question, maging siya man ay hindi alam kung saan iyon napupunta sa tuwing kaharap niya si Elton.

"Matalino ka naman, pero bakit ang tanga tanga mo!" nakalapit na ito at dinuro siya, para bang nag-aapoy ito sag alit. Hindi niya alam kung bakit, dahil ba sa sobrang inis sa kanya?

"Bakit, siguro gusto mo rin ano? Siguro na-miss mo rin ang gago na iyon na nam-!" naputol sa ere ang sasabihin nito, naramdaman niya na rin ang kanyang sariling luha. Damn it! Kanina pa pala siya nagpipigil sa pag-iyak.

"Bakit hindi mo ituloy, ituloy mo kung ano ang ginawa niya sa akin...isigaw mo pa. " hamon niya dito. "Ano, gusto ko rin? Ganyan pa ang tingin mo sa akin? Hindi ikaw ang nakakaramdam ng takot dito... hindi ikaw ang may madilim na ala-ala kaya huwag mong sasabihin na ginusto ko ang nangyari sa akin noon..."

"Siguro tama ka nga, tanga ako, pero Derron hindi ko iyon gusto." Naramdaman niya na lamang na kinulong na siya ni Derron sa bisig nito. Pinapatahan siya. Inaalo.

"I'll kill him if he comes near you again." She never likes violence. She feared death....pero kung may gusto siyang patayin ni Derron , iyon ay ang kanyang mga masasamang ala-ala.

"Tell me Derron, ano pang sikreto ko ang alam mo?"

"Your two stars Yuri... I know the secret behind your tattoo."

Satellite Kiss : EscapeWhere stories live. Discover now