CHAPTER 5: Tristan Jenry Loyzaga

545 9 6
                                    

Tristan

Alas-syete na ng gabi nang makauwi ako sa bahay. Napatambay pa kasi ako sa computer shop kasama si Karl at ang barkada. Biyernes na ngayon at kanina natapos „yung last day ng midterms kaya nagkayayaan ang barkada na dumayo ng dota. 'Di naman ako lumaro. Wala ako sa mood kaya nakinood na lang ako at nakikantsaw. Si Kevin kasi, ang yabang. Weakling pa rin naman sa dayo hanggang ngayon.

"Nandito na po ang gwapo!" sigaw ko as soon as I stepped my feet inside our house para malaman ng mga tao sa bahay na nakauwi na ako. Umupo ako sa sofa, ngayon lang ako nakaramdam ng gutom.

"Kuyaaaaa!" salubong sa‟kin ni Cheska, youngest sister ko na 2 years old pa lang.

"Hello, baby girl! How was your day?" I asked her sabay kurot sa pisngi niya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako kaya naman binuhat ko siya.

"Cheska, intay kuya. Tagal mo uwi," utal na sabi niya. Cute!

I really love this girl. Tatlo kaming magkakapatid at ako lang ang lalaki. „Yung eldest sa'min, si Ate Sharlene, is on her 5th year taking BS in Accountancy. Kung ide-describe kaming dalawa, para kaming aso‟t pusa kaya lagi pa rin kaming napapagalitan ni Mama.

"Ma, nandito na ang mahal niyong anak na feeling gwapo!" sigaw ni Ate Sharlene. Kalalabas niya lang sa kwarto niya. Natulog na naman „to.

"Sleepy head," asar ko sa kanya. She rolled her eyes heavenward.

"Mabuti naman at dumating na „yan. Sandali lang at nagbabad ako ng mga damit. Tristan, magbihis ka na at nang maisama ko na rito 'yang uniform mo," sigaw ni Mama galing sa kusina.

"Wait lang po, Ma."

Umakyat ako papunta sa kwarto habang inaasar si Ate Sharlene at asar na asar naman siya habang pinagtatawanan lang kami ni Cheska. Nanalo na naman ang kagwapuhan ko. 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz