CHAPTER 33: To let you go is a damn

270 3 0
                                    

Tristan

Martes na at hanggang ngayon, Jillian's ignoring me as if I do not exist. Si Kevin, nakausap ko na kahapon. Good thing, naayos naman na. I explained to him everything. Starting from what I did to Laureen and now, to Jillian. Kahit naman utak kalapati 'yung si Kevin, I know may katiting pa rin sa utak no‟n ang naiintindihan ako. Lalaki rin siya, at alam kong alam niya kung gaano kahirap ang nararamdaman ko.

Tinatamad akong um-attend ng klase kaya tumambay na lang ako sa music room. Dito, makakapag-isip ako, walang istorbo. The situation really sucks! Kinuha ko ang gitara ko at nagsimulang tumugtog.

Inaayos ko ang iyong isipan

Ngunit hindi ka nakikinig

Lahat na ng bagay ay aking ginawa

Ngunit wala pa rin

Blag!

Napatigil ako sa pagtugtog at napatingin sa likod ng pinto. Si Jillian. Bakit siya nandito? Hindi rin siya um-attend ng klase?

"Jillian, bakit ka nandito?" tanong ko. God knows how much I missed her. Halatang stressed siya at namumugto ang mga mata.

"May kinuha lang. Sige, aalis na ako." But before she could leave, I stopped her at iniharap siya sa akin.

"Jillian, are you still mad at me?" seryosong tanong ko. Pabulong lang pero sapat na para marinig niya. Honestly, naiinis na rin ako sa inaasal niya.

Bakit ba ayaw niya akong pakinggan?

"Hindi," simpleng sagot niya, walang karea-reaksyon.

"Then why the hell are you avoiding me?!" I shouted, pero hindi gano‟n kalakas. She stiffined on what I did and faced me.

"Ano?! What do you want to hear, Tristan? Na masaya ako kasi pinagmukha mo 'kong tanga? Na tuwang-tuwa ako dahil imbes na magsabi ka ng totoo, you chose to lie? 'Yun ba ang gusto mong marinig, ha?! Well, kung 'yun, then, ayan, nasabi ko na. Happy and satisfied?" she said and then tears started to fall down to her cheeks.

For the nth time, lagi na lang siyang umiiyak sa harap ko and it kills me. Her tears are my weakness that I can‟t afford to see her cry.

"No, Jillian. Sssh, stop crying. Nasasaktan ako," I said as I hugged her. "Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan? Jill, hirap na hirap na ako sa sitwasyon natin. Nando‟n ako sa debut niya, pumayag akong maging escort niya in return sa pag-iwan ko sa kanya noon. Alam mo ba „yung bumabawi? Kahit 'yun man lang, magawa ko. Kapalit ng sakit na ginawa ko sa kanya noon. Ano ba ang hindi mo maintindihan sa ayaw lang kitang masaktan kaya ko 'yun ginawa?" Umiiyak pa rin siya at ang paghinga ko unti-unti ng bumibigat dahil na rin sa nararamdaman kong emosyon.

"Tristan, remember no'ng tinanong kita noon kung ano ang gagawin mo 'pag bumalik siya? You said, that apologizing is the only thing you'll do. Now, I'm giving you all the time in the world to say sorry to her. Na pakiramdaman ang sarili mo. Then after doing that, kung ako pa rin ang mahal mo at ako pa rin ang gusto mong balikan, nandito lang naman ako," sabi niya ng pabulong na halos hindi ko rin marinig dahil umiiyak siya.

"Balikan? J-Jillian, are you breaking up with me?" paos na tanong ko.

Umiiling siya.

"Kung break up ang meaning sa'yo ng sinabi ko, then, its a yes."

Napahiwalay ako sa kanya at parang nag-init ang ulo ko, kasabay ng pangingilid ng mga luha ko. "Damn it! Kung hindi, ano'ng ibig mong sabihin na balikan kita „pag na-realize kong ikaw pa rin? Tell me! Dahil ako, hindi ko maintindihan!"

She stayed silent while her eyes were puffy because of crying.

"Jillian, are you still doubting how much I love you? Bakit ganyan ka?

Hindi pa ba sapat lahat ng nagawa ko para patunayan 'yun?"

"Kasi bumalik si Laureen, „yung una mong minahal. 'Yung first lo-"

"Letseng nakaraan 'yan! Tanginang first love 'yan! Lagi na lang ba nating pag-aawayan 'yan? Lagi na lang bang issue?! Sinabi ko na ngang ikaw ang mahal ko! Ikaw at hindi siya! Ano pa bang gusto mong patunayan ko?" I shouted. Naiinis na ako kay Jillian, lalo na sa sarili ko. Kulang pa ba?

"Dahil first love mo siya, Tristan! Unang minahal! Kaya nga hindi mo agad ako niligawan noon kasi you're thinking kung wala ka na ba talagang nararamdaman para sa kanya bago ka magmahal ng iba!" Potek naman! All I want is to fix the things I‟ve messed up, pero lumala lalo. "Tristan, it took you years bago mo muling buksan 'yang puso mo for another girl. Sa tingin mo ba, magiging gano'n katagal 'yun kung hindi mo siya minahal nang sobra?"

"Jillian, bakit napunta na agad do'n ang usapan? Gaano ka ka-sure na mas matimbang siya kaysa sa'yo? Dahil ba mas pinili ko siyang samahan no‟ng debut niya kaysa ikaw ang kasama ko? Dahil ba nagsinungaling ako na hindi si Mama ang kasama ko, kun'di siya? Sa tingin mo ba, Jillian, bakit ko 'yun ginawa? Dahil mahal ko pa rin siya?" I paused at tumawa nang mapait. "Sige, Jillian, kung siya pa rin ang mahal ko, bakit ako nandito sa harapan mo, crying and begging for your forgiveness?! Na kaya ko 'yun nagawa kasi mas iniisip ko ang pwede mong maramdaman the moment you'll see me with her. Bakit sa‟yo ko sinasabing mahal na mahal kita? Kasi ba si Laureen ang mahal ko? Ha, Jillian?"

Hindi siya sumagot, patuloy lang siya sa pag-iyak. Umiiyak na rin ako. Damn!

"Ano, Jillian? Sumagot ka! Ni hindi mo ba naisip na kaya ko „yun ginawa kasi sobrang mahal lang naman kita? Na mas pinili kong magsinungaling para lang hindi ka masaktan. Oo! Alam kong mali ako sa puntong 'yun. Oo, nandoon na ako sa puntong nasaktan kita pero hindi mo ba naisip na ang puno‟t dulo ng lahat ng „to ay ang pagmamahal ko sa'yo?"

Umiyak pa siya lalo. Gusto ko sana siyang yakapin at patahanin pero masyado ng pagod ang pag-iisip ko. At nasasaktan din ako dahil pinagtatabuyan niya ako sa taong ayaw ko ng makasama.

Hanggang sa natahimik kaming dalawa. Wala ni isang nagsalita. Siguro nga... siguro nga time heal all wounds. Space, para pareho kaming makahinga kasi nakakasakal na. Push and pull relationship is hard and hurtful.

"You want a break, right? Sige, dahil sobrang mahal kita, pagbibigyan kita." Tragis, hindi ko yata kaya.

"T-Tris-"

Nagsimula akong maglakad papunta sa may pinto palabas ng music room.

"No, Jillian. Don‟t think na kaya ko „to gagawin ay dahil hindi kita mahal. Ginagawa ko 'to para sa atin. For us to fix things we screwed up. Nakakapagod din kasi na lagi mo na lang akong ipinagtutulukan sa nakaraan. Nakaraan na kahit ako mismo, ayaw ko ng balikan. Mahirap? Oo. Pero babalik ako kapag ramdam kong naniniwala ka ng ikaw at hindi na siya. Babalik ako, Jillian. But for now, to let you go is a damn pero mukhang pareho nating kailangan. Babalik naman ako, hindi ako aalis.

Sabihin mo lang kung kailan." 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن