CHAPTER 55: Ilang beses pa?

210 3 4
                                    

Tristan

Tahimik lang akong nakaupo sa swivel chair ng opisina ko habang si JB naman ay seryosong nakaupo sa sofa sa may gilid ng working table ko. Katulad ko, tahimik din siyang nakaupo ro'n. Nagulat pa ako nang hindi niya ako sinugod ng suntok the moment I stepped inside. Handa na ako sa mura at suntok niya pero kalmado lang siya which I thought ay okay na rin kaysa dito kami magbalian ng buto sa opisina. Tahimik siya, at katulad ng sabi ng ibang tao, mas nakakatakot ang isang tao kapag tahimik siya dahil hindi mo mabasa kung ano ang iniisip at tumatakbo a isip niya. Pero isa lang ang sigurado ako, galit siya sa akin. Galit na galit.

"What do you need?" asking him na kunwari hindi ko alam ang pakay niya. Seryosong mukha ang ipinakita ko sa kanya. Kailangan kong ipakita na hindi ako apektado at wala pa rin akong pakialam kay Jillian. This is not the right time na malaman ng lahat ang totoo. Tama na munang ang barkada lang ang nakakaalam at si Cath. Not even him.

He glared at me. Tumayo siya sa pgkakaupo sa sofa at nilapitan ako. Still the same Benedict, calm and serious. "Ano ang ibinilin ko sa'yo the night before I flew to Australia, ha, Loyzaga?"

Of course, me being a jerk, pilosopong sagot ang ibibigay ko. Tingnan natin kung sino ang unang maaasar. "As far as I know, hindi ko forte ang history at hindi ko ugaling alalahanin ang nakaraan, Bautista. Mali yata ang taong napuntahan mo."

"Is Jillian included in that damn past that you were saying?" iritadong tanong niya na ikinagulat ko at hindi ko agad mahanap ang sagot. I just shrugged.

"Sige, kung hindi mo matandaan ako ang magpapaalala sa‟yo," he started. Tahimik lang akong nakatingin sa desktop at hinihintay ang sasabihin niya. "You fell in love with her charm no'ng freshman tayo. You know na may possibility kang ma-fall sa kanya that‟s why you ignored her for almost three years. No'ng nalaman mong gusto ko rin siya, umepal ka at nakipagkompetensya. I triggered you kahit na alam kong simula pa lang wala na akong pag-asa. At the end, you won. Iniwan ko siya sa'yo because you promised me na hinding-hindi mo siya sasaktan, paiiyakin, at iiwan. Sinabi mong ang paiyakin at saktan siya ang pinakahuling bagay na gagawin mo kaya ipinaubaya ko siya sa'yo. Pero mali ako. Maling-mali." Lahat ng sinabi niya ay eksaktong-eksakto at tagos hanggang buto.

"People change, Benedict. And that's a fact," I stated while avoiding his gaze. Shit, baka mapaamin ako ng wala sa oras.

"Then tha'ts change is a bullshit especially if includes the feelings you have and still have for her," sabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya.

"What?"

"Don't what me, Tristan. You know what I mean." Binalot ako ng kaba. Alam niya?

"What do you mean, Benedict?" I asked him but he just smirked. Ang sarap batukan ng gagong 'to. "Answer me, Benedict! What do you mean?!"

"Pati ba naman 'yan nakalimutan mo na, eh, kaaamin mo lang last week?" he said while smirking. Pakiramdam ko namutla ako.

"State the damn point, Benedict! Because you're getting into my nerves!" I shouted.

"Chill, dude," he said seriously saka umupo sa upuan na katapat ko. "Honestly, I can't understand your logic! Pagpanggapin na fiancée mo ang best friend mo just to hurt Jillian and play for her feelings? Seriously? Para malaman na mahal ka pa rin niya? Para gumanti? Now what?! Are you happy and satisfied na umiiyak siya palagi because of you? Letse, Tristan, pero simula no'ng bumalik siya rito, ni hindi raw siya nakitang masaya ng barkada! Oo, ngumingiti siya pero hindi umaabot sa mata 'yung ngiti niya! Alam mo bang „pag tinatawagan ko 'yan sa phone, laging umiiyak 'yan? Potek ka, pero hindi na mabilang ng daliri ko sa kamay at paa kung ilang beses 'yung umiyak dahil sa'yo!" galit na sabi niya na talaga namang tinamaan ako.

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Where stories live. Discover now