CHAPTER 43: Black and white

302 5 0
                                    

Tristan

Mali ba na ipinilit ko? Tama ba ang sinabi niya na hindi ko siya maintindihan? Eh, ako kaya, naiitindihan niya? Gulong-gulo ako. Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko. Isang linggo ko ng tinititigan ang cellphone ko, nagbabaka-sakaling magre-reply siya sa texts ko. Isang linggo niya na akong hindi pinapansin. She's ignoring me to death! And it's already one week! Parang bumalik kami sa dati. Hinawi ko pataas ang buhok ko gamit ang isang kamay at sumandal sa sofa sa sobrang frustration. Napapikit ako habang nakayakap sa gitara ko. Sandali kong naalala ang mukha ni Jillian the last time we talked. 'Yung pagtalikod niya. 'Yung pagtulo ng luha galing sa mata niya. 'Yung sakit naramdaman ko rin, lalo na 'yung guilt. Ano nga bang ipinaglalaban ko?

Napamulat ako nang tumunog ang main door sa sala. Tumingin ako ro'n at nakita ko si Mama na isasarado na sana ang pinto pero hindi natuloy kasi nakita niya ako. Nasa terrace kasi ako ng bahay at nagmumuni-muni. Nag-iisip ng mga bagay. Lumapit siya sa akin at tumabi sa pagkakaupo kaya ngumiti ako.

"Oh, Tristan, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Mama.

"Hindi ako makatulog, Ma," malungkot na sagot ko.

"Si Jillian ba 'yan?" Napatingin ako sa kanya. Mas pinili kong hindi sumagot kasi sabi nila silence means yes. Siguradong talak ang aabutin ko kay Mama kapag nalaman niyang hindi kami okay ni Jillian. The last time na nalaman niyang nag-away kami at umiyak 'yun dahil sa‟kin (kasi sinumbong ako ng magaling kong ate), nahampas ako ni Mama ng sandok! Bakit ko raw pinaiyak si Jillian?

Hinawakan ni Mama ang ulo ko at kinabig papunta sa balikat niya. She patted my head like what she always did no'ng high school ako at problemado. Nakaka-miss 'yung ganito.

"Binata na nga talaga ang nag-iisang prinsipe ng reyna. Nalulungkot at nasasaktan na dahil sa babae, eh. Akala ko talaga noon, anak, habang buhay ka ng torpe," biro niya kaya napangiti ako.

"Ma, ang hirap pala ng ganito, ano po? 'Yung hindi ka maintindihan ng taong mahal mo. Masakit pala kapag siya na talaga ang lumalayo at umiiwas. Hindi niya maintindihan 'yung gusto mong iparating. Kung maintindihan man niya, taliwas pa sa gusto mo."

"Ano ba talaga ang nangyari, anak?"

I started telling the story from the very start. Every single detail was present. From the day that the dean talked to me up to the very end where Jill chose to avoid me. Nakikinig lang si Mama. Minsan kasi, maganda 'yung may nakikinig sa'yo. 'Yung kahit nakikinig lang siya, magaan at masarap sa pakiramdam. Nababawasan ang lungkot at bigat na nararamdaman mo.

"Mabuti na rin 'yung binigyan ka niya ng oras. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. Kaparehas ng kung ano ang gusto mo. Anak, its not bad naman to dream big for her. Kasi ang pangarap niya ay parang pangarap mo na rin na gusto mo ring matupad. Kaso lang, hindi kaya sumobra ka sa point na 'yun?" comment ni Mama as soon as I finished the story.

"Hindi ko rin alam, Ma. Siguro nga po, oo. At 'yun ang pinagsisisihan ko ngayon."

"Tatanungin kita kung halimbawang ituloy ni Jillian ang internship, would you be happy na maiwan? Would you feel the contentment? Ang dalawang taon ay hindi lang kasing bilis ng kisapmata, anak. May pamilya at kaibigan siyang iiwanan. May Tristan Jenry din. Maraming mangyayari. Handa ka ba ro‟n?" sunod-sunod na tanong ni Mama kaya natigilan ako.

Handa nga ba ako? Jillian said that change is one of the things she‟s afraid of.

"Hindi ko po talaga alam, Ma."

"Ganito, whatever decisions Jillian might end up, accept it, take the risks and the consequences. Ginusto mo rin namang mangyari 'yun kaya panindigan mo. You‟re a man, Tristan. And a man should be brave enough in any circumstance just for the sake of his love ones. Kung tatanggapin ni Jillian ang internship, then be ready for the goodbye and the changes. Kaya mo bang pakawalan siya? Kung hindi naman, then good. Stay at her side."

Ano nga ba ang gusto kong mangyari? Paano kung magbago ang isip niya? Aalis siya at iiwan kami. Dalawang taon. Pagbabago, internship program, Singapore, Dean, family, friends, lover, dreams, risks, and consequences. Lalong hindi magkamayaw ang mga iniisip ko. Babawiin ko ba dahil hindi ko kayang pakawalan siya? O paninidigan pa rin dahil alam kong pangarap niya?

Tumayo na si Mama, "Papasok na ako sa loob, anak. Ikaw, pag-isipan mong mabuti 'yan. Nandito lang naman kami para makinig lagi sa'yo. Hindi ka nag-iisa." Ngumiti siya at niyakap ako.

"Thanks, Ma. You're the best mom in the whole universe!!"

"I know," she kidded and laughs. "Sige na, mauuna na ako sa loob pero pumasok ka na rin mayamaya, its getting late. Don't forget to lock the door." Then she left.

Naiwan akong nakatulala sa langit. Sobrang dilim ng kalangitan at ang ganda ng buwan. Bilang lang ang stars pero it added the beauty of the night.

Pumikit ako saka bumulong, "Sana kung ano man ang maging desisyon nating pareho, makaya natin at mapanindigan. Walang iwanan, pangako 'yan. I love you, Jillian."

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon