CHAPTER 45: Broken

246 5 0
                                    

Jillian

Noon may nabasa akong quotation saying, Gaano ba kalayo ang pagitan ng dalawang tao na magkatalikuran? Ganito, kailangan mo munang libutin ang buong mundo para lang makaharap muli ang taong tinalikuran mo.

September 24 was really the day na alam kong pagsisisihan ko. Na balang araw, babalikan ko at sasabihin ko sa sarili ko na sana hindi ko na lang ginawa. Sana hindi ko na lang siya iniwan. Na sana hindi ko na lang siya sinaktan. Pero ngayon, kailangan kong tanggapin ang desisyong ginawa ko. For two years, I should be independent. I need to be independent.

Malungkot kong pinagmamasdan ang buong kwarto ko. Mami-miss ko ang kama, kumot, at unan na lagi kong kasangga sa tuwing inaantok ako. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at nahagip ng mata ko ang asul na teddy bear na kasing laki ko. Ito 'yung bigay sa'kin ni Tristan no'ng Valentine's Day, si Jen-Jen. I named her, "Jen" dahil sa second name ni Tristan na Jenry. Cute na cute kasi ako sa pangalan niyang 'yun. Hindi naman siya umangal. Nilapitan ko si Jen-Jen at niyakap ko. Muli na namang nagbabadya ang luha sa mata ko, at unti-unti ring nag-flashback lahat ng alaala namin ni Tristan. Masakit isipin na wala na akong magagawa kung hindi balikan ang mga alaalang balak pa sana naming dagdagan na magkasama. Sana balang araw, mabigyan ulit ako ng chance. Sana mabigyan ulit kaming dalawa ng chance.



"Sure ka na ba rito, anak?" tanong ni Papa pagkalabas namin ng sasakyan.

I gently nodded and smiled, "Yes, Pa." He patted my shoulder.

"Mag-iingat ka ro'n. Tumawag ka nang madalas," he added. I looked at where mama is. Nasa likod siya ni Papa habang umiiyak. Like mother, like daughter ika nga. Sa kanya ako nagmana ng pagiging iyakin. Lumapit ako sa kanya and pulled her for a hug. "Ma, tahan na. Akala ko ba walang iyakan?"

"Sorry, anak. Hindi mapigilan ni Mama, eh. Mami-miss ka namin. Ingat ka ro'n, ha?"

"Ma, naman. Of course, I will. Kayo rin dito. Keep safe."

Bumaling ang tingin ko kay Glenn Arkin, ang kapatid ko na nakatingin lang sa'kin habang nakasandal sa may pinto ng kotse. Kahit aso't pusa kami ng kapatid kong 'yan, sobrang mami-miss ko siya. He's the only guy aside from Papa na kaya akong intindihin at sabayan lahat ng kagagahan at kalokohan ko sa buhay.

"Oh ano, Glenn Arkin, care to hug?" sabi ko sa kanya. Kunwari nagtataray ako pero deep inside I'll surely miss this hard-headed brat.

"Tsk." Iyon lang ang narinig ko sa kanya saka siya lumapit sa'kin at yumakap. I hugged him back. "Huwag pasaway, Glenn Arkin, ah? Lagot ka sa'kin „pag binigyan mo sina Mama at Papa ng sakit sa ulo! Naku, talagang sasakalin kita!" Natawa kaming pareho sa sinabi ko. Himala nga dahil hindi siya umangal.

"Ikaw ang mag-ingat do'n, Ate. Sobrang clumsy mo at engot minsan kaya alagaan mo ang sarili mo."

"Makasalita ka parang 'di mo 'ko ate, ah?! Grabe ka!"

"Hahaha! Joke lang, Ate! Oh ano, iiwan mo na ba talaga siya?" tanong ni Arkin kaya napatigil ako sa pagtawa. Siya lang kasi ang nasasabihan ko ng tungkol sa amin ni Tristan. Alam na ng barkada, even JB. Pero no one dared to ask the reason why. Alam nilang ayaw ko at mas lalong ayaw ni Tristan ang nangyari.

"Kailangan, eh," malungkot na sagot ko.

Nagbuntong-hininga si Arkin bago siya nagsalita. "Hayaan mo. Sabi nga sa kanta, palayain ang isa't isa. Kasi kung kayo, kayo talaga."

Ngumiti ako sa kanya. "Sira ka talaga! Naniniwala naman ako sa kanta na 'yan, Arkin. Pero hindi natin alam kung ano'ng pwedeng mangyari after two years. Kung kami pa rin pagkatapos ng dalawang taon, e di maganda. Mas masaya. Kung hindi, God has better plans for us."

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon