CHAPTER 17: Boom panes!

357 2 0
                                    

Jillian

It's been a week since nag-confess si Tristan. Hindi naman sa I have doubts on what he feels, hindi lang talaga mag-sink in sa kokote ko „yung mga sinabi niya. Hay! The week went smoothly, nakapagpasa kami ni Tristan ng supporting details para sa research proposal. Syempre, hindi nakaligtas ang issue sa amin ni Tristan, sa barkada ko pa lang, gisang-gisa ako sa mga tanong at reaksyon nila.

"OH MY GOD! Seryoso?" excited na tanong ni Tania nang pumasok ako no'ng Lunes.

"Tinext ako ni Kevin. Tristan confessed in front of your family? Nakaka-touch! ;)" text ni Aira the day when Tristan did his harana.

"Waaah!! Sabi ko na nga ba, girl, may lihim na pagtingin „yang si Tristan sa'yo. OMG!!! Kinikilig ako!" salubong naman sa akin ni Ynna, no'ng Monday rin. Kinalog-kalog niya pa ako sa balikat habang sinasabi „yan.

See? Mga baliw ang barkada ko. The fact that they're over reacting most of the time when it comes to Tristan and me. Pati sa mga prof. ay hindi rin kami nakaligtas. Si Tristan, proud na proud palagi tuwing tinatanong. Todo kaway pa sa hallway na parang newly-elected congressman kapag inaasar ng iba naming schoolmates. Samantalang ako, halos lumubog na sa ilalim ng lupa sa sobrang hiya kapag inaasar ako.

"Hi, Miss! Kandila ka ba?" halos mapatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita. Boses pa lang, alam na alam ko na kung sino. Agad na nagsunod-sunod ang pintig ng puso ko na sa sobrang lakas ay halos dinig ko na. Sinarado ko ang locker ko at bumaling sa nagsalita habang nakataas ang isang kilay.

"Bakit?"

"Pakisindihan naman „yung puso kong patay na patay sa‟yo. Boom panes!" sabi niya na sobrang proud pa. Sabi ko na nga ba, bukod sa waley na, lumang-luma pa.

"At talagang proud na proud ka pa sa banat mong 'yan, Tristan Jenry Loyzaga? Grabe, sobrang kilig na kilig ako. Push mo, ha?"

"'To naman, „di marunong maka-appreciate. Isang linggo na kitang binabanatan, hindi ka man lang kinilig."

"Eh, kung ikaw kaya ang banatan ko, baka sakaling kiligin ka?"

"Tsk, 'wag na. Sadista ka, alam ko ibang banat „yang tinutukoy mo. Tara na nga," sabi niya at naglakad na, sumunod naman ako. Kita mo 'yun, siya na nang-asar, siya pa pikon. Kaya ang sarap asarin ni Tristan, eh, ang cute magalit.

Dismissed na kami ngayon. At ang daily routine namin ni Tristan ay sabay kaming uuwi tapos ihahatid niya ako. One week na rin niya akong kinukulit sa mga banat niya na sobrang luma at waley. I wonder kung nangaasar lang ba siya o ano. So far, okay naman na kami. Unti-unting bumabalik ang closeness naming dalawa. Oo, no‟ng una, awkward pero as days passed, pareho na kaming hindi nagpapatalo sa asaran.

"Mabagal ka lang ba talagang maglakad o ayaw mo lang akong sabayan?" tanong niya na hindi ko namalayan ay nasa harap ko na. Nakatingin siya sa akin nang seryoso habang ako naman ay tumungo nang kaunti. Hindi ko talaga siya matitigan nang matagalan. Para akong natutunaw na yelo kapag tumitingin sa mata niya.

Bago pa ako makasagot ay hinawakan niya na ang kanang kamay ko na siyang ikinagulat ko. Ito ang unang beses na hinawakan niya ang kamay ko. Medyo nanginginig pa ako at nanlalamig. Ramdam ko ang mainit niyang palad na hawak ang palad ko. Gusto kong bumitiw dahil nahihiya ako, pero wala akong lakas ng loob na gawin 'yun dahil bukod sa gusto ng puso ko, ay hindi rin magawang tumutol ng utak ko.

Nakalabas na kami ng university nang magkahawak kamay pa rin. Walang ibang laman ang isip ko kun‟di ang kamay ko na hawak niya. Siya kaya, ano'ng iniisip niya?

Tumingin ako sa kanya at nakita kong namumula ang pisngi niya, pinagpapawisan din ang noo niya. Dahil siguro 'yun sa init ng panahon at sobrang tirik ng araw. Diretso lang siyang nakatingin sa daan habang ang kanang kamay ay nasa bulsa. Sobrang gwapo talaga ng lalaking 'to lalo na sa malapitan, idagdag mo pa na naka-school uniform siya kaya mas lalong good looking ang itsura niya.

"Jillian, you know that staring is rude, right?" sita niya sa akin habang nakatayo kami at siya ay pumapara ng jeep. 'Yan na naman siya sa pagsusungit niya. Nakakairita minsan. Kanina, sweet na korni, ngayon naman masungit na kill joy. Masama bang titigan siya?

"Bakit? Kasi nakamamatay?" sagot ko nang makasakay na kami ng jeep. Medyo kokonti ang sakay, pero hindi naman sobrang unti, mga siyam siguro ang sakay nito.

Tumingin lang siya sa akin. Ako naman ang babanat ngayon. 'Kala mo, Loyzaga, ah?

"Tristan, alam kong staring is rude. Pero..." Medyo nilakasan ko ang boses ko kaya napalingon 'yung ibang sakay, karamihan naman ay estudyante. Nginitian ko sila pagkatapos ay bumaling ang tingin ko kay Tristan na naghihintay ng kasunod. "Pero, handa akong mamatay sa katititig kung ikaw naman ang tititigan." Ngumiti ako sa kanya, 'yung ngiting-ngiti, sabay tingin sa labas ng bintana ng jeep.

Akala ng Tristan na 'yun. Hahahaha! Priceless ang mukha ni Tristan no'ng sabihin ko 'yun! Nagulat siya saglit tapos namula ulit 'yung pisngi niya. He's blushing and I find it cute. Hindi niya siguro akalaing magagawa ko 'yun. 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Where stories live. Discover now