CHAPTER 40: Mahalaga ba talaga?

252 5 0
                                    

Tristan

"Ano'ng gusto mong kainin, Jill?" tanong ko sa kanya, but it seems like ang layo ng nililipad ng isip niya. Kanina pa siya nakatingin sa labas ng window glass. Nasa Mcdo kasi kami at katatapos lang ng mga klase namin. Mabuti na lang naabutan ko siya kanina kasi maghapon akong nasa practice ng banda. Nakasalubong ko siya galing sa Dean‟s office.

"Jillian?" I called her and snapped a finger for her to notice me.

"T-Tristan, uhh, sorry. Anong sabi mo?" 

"Kanina ka pa tulala. Okay ka lang ba?"

Bigla namang nagbago ang expression ng mukha niya. Galing sa malalim na pag-iisip, biglang ngumiti at nagpaka-energetic. Ang weird kasi pilit 'yung ngiti niya.

"Ano ka ba, Tristan? Okay lang naman ako. Tulala ako kasi iniisip kita."

If she's acting normal matutuwa pa sana ako, baka nga kiligin pa. Pero hindi ko rin alam kung bakit hindi ko 'yun maramdaman ngayon. Maybe I know, something‟s really going on. I know Jillian too much that her ability of lying was poor. Yes, she could lie to anyone, but not to me.

Ngumiti na lang ako para hindi niya mahalatang nagdududa ako.

"Ano'ng gusto mong kainin?" tanong ko ulit.

"Kahit ano."

"Jillian, walang kahit ano rito," I said kasi medyo nakakainis na.

Madalas kasi kapag nasa Mcdo kami o-order siya ng BFF fries, Mcfloat, McSpaghetti, at burger. Dadagdan niya pa 'yun ng ice cream. Nakakapanibago na hindi siya nag-request. I sighed. And for the second time, I smiled to hide that I am worried and frustrated.

I walked towards the cashier para kumuha ng order. Habang nakapila ako, I glanced at her. Huminga siya nang malalim at saka malungkot na tumingin sa labas ng Mcdo. Dati, kapag naiiwan siya sa table, hinahalungkat niya na ang phone ko para mag-selfie at picture-an ang kung ano-anong weird na bagay na makikita niya. But now's really different. Ano bang problema niya?

Bumalik ako sa table namin dala ang order na pagkain. Ngumiti siya sa akin. Again, ibang ngiti pa rin 'yung nakikita ko sa kanya. She's not Jillian when she's quiet, and this is not the Jillian I love.

"Jill," I called her. I took a deep sigh bago nagsalita ulit, "Ano bang problema mo?" Nagulat siya sa tanong ko. Maybe because she didn‟t expect that I will point out her mistakes.

"W-Wala, Tristan. Okay lang ako."

"Kanina ka pa tahimik. Is there something bothering you? Come on, I'll listen." Pero ngumiti lang siya.

"Masama kasi ang pakiramdam ko, Dota boy. Masakit ang puson ko."

"Sure ka?"

"Oo."

"Sorry. Bakit hindi mo agad sinabi? Gusto mo bang umuwi na tayo?"

"No!" Kasabay ng pagsabi niya no'n ay ang paghawak niya sa kamay ko nang mahigpit. Suddenly, I feel a little bit of nervous. Why the hell I am feeling this way? Bakit ako kinabahan?

"Okay lang ako, Tristan. Kain na tayo?"

"Okay ka lang talaga?"

"Oo nga! Isa pang tanong at iiwan kita rito!"

Back to sungit-mode na ulit siya. Siguro nga, may PMs lang siya kaya ganito siya mag-react kanina. Pero syempre hindi pa rin ako tumigil.

"Sigurado ka talagang okay ka lang?"

Imbes na sagutin, sinamaan niya ulit ako ng tingin at kumain. Pero sa kalagitnaan ng pagkain namin ay may naalala ako bigla.

"Jill, about our internship. Sa Manila nga pala ako. Remember, the last time we talked about this?" sabi ko sabay kain ng fries.

"Oo naman. Bakit ka ba nagpapaalam sa‟kin?"

"Syempre! Mahalaga kaya ang opinyon mo. Ano, payag ka ba?"

"H-Ha? O-Oo naman. Bakit naman hindi?"

"Tsk, adik ka talaga. Syempre ikaw ang girlfriend ko at may karapatan kang malaman kung ano ang gusto ko at saan ang mga dapat puntahan ko." Saglit siyang natahimik. Nakakainis na talaga.

"Ano bang problema, Jill? Ang weird mo ngayon. Kanina, ang tahimik mo. Ngayon naman, nabubulol ka pa," sabi ko sabay hawak sa noo niya. "Wala ka namang lagnat."

Tumingin siya ng diretso sa mata ko saka nagtanong, "Mahalaga ba talaga ang opinyon ng bawat isa sa bawat desisyon na gagawin nating dalawa?" Hindi ko alam pero may nakita akong lungkot sa mata niya habang sinasabi niya 'yun.

"Para sa akin, oo. Kasi girlfriend kita. At gusto ko bawat galaw ko alam mo. Importante sa akin ang opinyon mo bago ako magdesiyon sa isang bagay."

Natahimik siya.

"Oh, bakit tumahimik ka? Para s'‟yo ba, ano sa tingin mo?"

"Kasi, paano pala kung 'yung desisyon na gusto mo para sa akin ay hindi ako pabor?" Bakit pakiramdam ko, may malalim na pinaghuhugutan ang usapan naming 'to?

"Alam mo, Jill..." hinawakan ko ang kamay niya. "...importante pa rin „yun, para atleast alam ng is'‟t isa. Sign of respect 'yun sa tao lalo na kung pinapahalagahan mo siya nang sobra."

"Oo nga naman."

"Smile ka na po." Ngumiti naman siya.

"Sorry."

Nagtaka naman ako. "Para saan?"

"Basta."

"Pwede ba 'yun? Sorry para sa basta?"

"Sa nakaraan, sa ngayon, o pwede ring sa hinaharap."

"Tsk, gutom lang 'yan, Jillian. Kumain ka na at nang makauwi na tayo. Masakit pa ba puson mo?"

"Hindi na."

Pagkatapos naming kumain, namasyal pa kami saglit sa community park na malapit lang sa Mcdo. Si Jillian kasi, ayaw pang umuwi. Gusto niya raw kasi na maging memorable ang araw na 'to. Pero dahil nga mahal ko, pinagbigyan ko. Ginabi na kami ng uwi. Hinatid ko siya sa bahay nila.

"Pasok ka muna, Dota boy."

"Hindi na, uuwi na rin ako. Walang kasama sina Ate Sha at Cheska sa bahay. Pagod ka na rin. Matulog ka na, ha?" I said as I kissed her forehead. "Ingat ka sa pag-uwi. At salamat sa araw na 'to. Good night!" 

"Salamat din."

I waved my goodbye at nagsimula ng maglakad. Three steps pa lang ang nailalayo ko sa kanya nang may biglang yumakap sa akin. Nagulat ako at nang lingunin ko kung sino 'yun, si Jillian pala. She hugged me tightly from behind like there is no tomorrow.

"Jillian, kalma ka lang. Baka hindi na ako makahinga niyan, sige ka." Pero hindi niya ako pinakawalan. Instead, she hugged me tighter.

"Jill..."

"Sssh. Five minutes more."

"Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot kaya hinayaan ko na lang.

Mayamaya bumulong siya, "I love you, Dota boy." Sabay kalas ng yakap sa akin. Nag-I love you too pa ako pero mukhang hindi niya na narnig kasi dire-diretso na siyang pumasok sa gate at sa bahay nila.

Ako lang ba o sadyang nakita ko ang mabilis na pagtulo ng mga luha niya? 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon