Chapter💋15

3.4K 77 36
                                    


Tss, kung puro lambing lang ang gagawin niya, hindi kami magbabati. Nakakainis kasi, siya na nga ang iniisip ko siya pa 'tong nagmamatigas.


"Hindi mo ba talaga siya papansinin, sissy?" Tanong ni Siri saakin. Wala daw siyang klase kaya andito siya sa cafeteria kasama namin ni Suzy.


"Mag sorry muna kasi siya" Sabi ko saka humigop ng choco shake ko.


"Alam mo ikaw? Ang negi mo! Mag sorry? Kay Louise?!" Biglaang sabi ni Suzy. "Siya nga 'tong nanira ng party at nanggulo! She doesn't deserves someone's sympathy! Lalo na kay Clint! My gosh!"


Hindi ko siya masisisi dahil nakaaway niya si Louise. Kahit ako naman ayaw ko si Louise. I don't even like her as a human. Kung sana lang hindi nalang siya naipanganak eh.


Nanahimik nalang ako. They won't get me, anyway. Sayang saliva.


"Hindi talaga kita maintindihan, Aza! Siya ang sumira sainyo noon! Huwag kang nagpapaka santo diyan dahil hindi mo bagay!" Dagdag niya pa.


Hindi naman ako nagpapakasanto ah!


"It's not like that! My point is, babae parin siya! Natulak siya ng isang lalake. Napahiya siya at dahil d'on nagkaroon ng issue, right? Si Clint lang din naman ang iniisip ko dito." Medyo mahinahong sabi ko.


Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Napahiya siya! Well, dahil din naman iyon sakaniya! At issue? Bahala na kami d'on. Huwag mo ng idamay ang relasyon niyo ni kuya. Believe me, baka masira lang iyan!"


"Huy, huwag nga kayong nagbabangayan dito." Awat ni Siri saamin. Huminga nalang ako ng malalim.


Hindi na ako umimik. We have our own perception. Hindi ito matitigil dahil magkaiba kami ng pananaw.


Pagkatapos ng vacant namin ay naglakad lakad muna ako sa likod, sa may garden. Maganda ang ambiance dito at refreshing ang sight.


Humming birds, swaying trees, falling leaves, dancing winds na mararamdaman mo dahil sa paghampas nito. Napakarelaxing talaga! Naantok tuloy ako.


Biglang may tumikhim kaya lumingon ako sa likod. It was Mr. Sungit. Iyong hiniraman ko ng camera.


"Bakit ka andito?" Tanong niya habang nakapamulsa.


Umiling ako. "Trip ko lang, bakit sa'yo?" Pagtataray ko.


Masungit siya edi masungit din ako. At saka naalala ko nanaman yung ginawa niya kay Clint. Ginalit niya kaya ang Kitten ko!


"I'm Dustine" Sabi niya pa saka umupo sa tabi ko, sa isang bench. "Azalea Mariel, right? One of the famous Sandoval" Dagdag niya pa na talaga namang nakakuha ng atensyon ko.

Owned By An AlvarezOnde histórias criam vida. Descubra agora