Chapter💋4

7.9K 182 125
                                    

Azalea


"Ibaba mo na kasi ako!" Sigaw ko kahit ba nasa loob na kami ng cafeteria. Bwisit. Nakakahiya na talaga. Everyone's attention is on us.  Hindi ba siya aware?


"Pwede ba? Pumirmi ka nalang diyan para mas madali. Akala mo naman ang gaan gaan mo" Sabi niya.


Natahimik tuloy ako. Na conscious ako sa weight ko. Hindi naman kasi ako mabigat eh. Ang slim slim ko kaya tapos sasabihin niya na mabigat ako? Ano, ginto ang buto ko?


"Pwede bang ibaba mo na ako, Clint? Kasi hindi naman ikaw yung napapahiya eh. Tignan mo sila" Sabay turo ko sa mga babaeng nakatingin saakin. Mamaya kung anong isipin nila. Mamaya sabihin nila na gustong gusto ko kahit sa totoo lang, gusto ko naman talaga. No way!


Naglakad na siya sa pinakadulong table. Dahan dahan niya akong binaba at tinitigan. Bigla akong nanghina. Sobrang lapit niya saakin and I can't help but stare at his previous eyes. Itong mga mata na 'to na matagal kong hinintay na matitigan.


"Ignore them. Saka sa tingin mo papatakasin pa kita't ngayong nasa akin ka na ulit?" Tinaasan niya ako ng kilay. Nanghina na talaga ako. Bakit kailangan niyang sabihin ang mga gan'ong klaseng linya? Akala niya naman mapapahulog niya ako kaagad sa patibong niya? Well, matalino na ako ngayon!


Umalis na siya para kunin ang order namin. Ti itignan ko lang siyang naglalakad papuntang counter. Nakakainlove talaga siya kahit nakatalikod, Ay tae! Malala na ako. Bwisit na lalake 'yan.


Shit! Nakakainis, bakit kailangang kiligin ako?


Ilang minutes lang ay nakabalik na siya kaagad. Hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha niya. Na miss ko talaga siya ng sobra. Gustuhin ko mang hawakan y'on at haplusin, pero natatakot ako. Na baka kapag masanay nanaman ako, saka ako masasaktan.


Sawa na ako.


"Kain ka nga, mamaya mo na ako titigan at kinikilig nanaman ako sa'yo. Pero bayaan mo, bigyan kita ng picture ko with frame para naman maiuwi mo" sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang naman siya. Tsk. Napakayabang niya talaga. Kala mo naman kung sinong VIP!



Nainis ako nang makita ko kung ano ang binigay niya saakin. Magkaiba kasi kami ng pagkain at grabe. Unfair talaga!


"Bakit puro mabibigat sa tiyan ang binili mo? Balak mo ba akong patabain? Ha?" I blurted out. He's really pissing me off! Kanina lang sabi niya, mabigat ako. Ngayon naman papakain niya ako ng isang tray ng lasagna at carbonara? At wow! May palabok pa ah.


"Tsk. Ang payat payat mo. Hindi ka ba pinapakain sa'nyo? Akala mo pinagkaitan ka ng pagkain. Mas masahol ka pa sa mga pulubing nakikita ko ah" seryosong sabi niya habang nakatingin saakin. Naiinis na talaga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa lalaking 'to!


Kakain na sana ako pero may humarap na kutsara sa bibig ko.


Owned By An AlvarezNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ