Chapter💋32

1.9K 51 25
                                    

Everything happens for a reason. Gaano na nga ba ako katagal ma nawala? Days? Months? Or years? Pero kahit ganon paman, meron paring nakakapagpasaya sa'kin.

After I left, for me, everything is miserable. Gusto ko nalang n'on pumikit at wag nang gumising. I was so tired of everything that I would rather choose to die.

After 6 months, nagparamdam ako. I called Siri. Siya lang ang nakakaalam kung nasaan ako. Siya lang din ang nakakaalam sa lahat. Pagkatapos ko kasing malaman na si kuya Marvin ang nagsabi kila mommy na umuwi, hindi ko na naituloy na pagkatiwalaan siya sa plano ko.

"Oh my gosh!" Tinawagan ko siya through skype. Gulat ma gulat siya at alam kong nasa school parin siya. Tumingin siya sa paligid bago umalis.

"Oh my God, Sissy! Mas maganda atang bumalik ka nalang!" Sabi niya saka naupo sa isang bench.

Umupo ako sa kama ko.

"I can't." Naiiyak kong sabi. "Kamusta na diyan? Kamusta siya?" Agaran kong tanong.

"Kung alam mo lang! Ibang iba na siya. Wah, I don't know where to start. Pero ganito nalang, simulan ko." Tumawa siya.

Nag-iba siya? Paanong nag-iba?

"Noong nawala ka, grabe halos makapatay siya! Halos mapatay niya ang daddy niya. Sinugod niya ang daddy niya sa kompanya nila at doon sinuntok. Can you imagine it, Sissy? Daddy niya 'yon at sa harap pa ng mga board members!"

Baby, naman. Bakit ba kasi gano'n mo ako kamahal? Na iimagine ko tuloy kung paano siya naghirap. I can clearly imagine how he suffered so hard without me. Paulit ulit ko nalang siyang pinahihirapan.

"At pumunta siya sa bahay niyo. He was pleading, asking your whearabouts. Nakakaawa ang itsura niya, sissy. He looks insane! Pinasara niya pa ang airline ng lolo niya. Pinahanap ka niya kung saan saan at halos mabaliw siya!"

Hindi ko alam kung nasaan si Siri pero napansin ko na may CCTV sa sulok sa taas kung saan siya nakaupo. Hindi ko nalang pinansin 'yon at nagpatuloy sa pakikinig.

Hindi ko alam na lumuluha na pala ako. Sa tagal ko nang nawala, puro iyak lang ang ginagawa ko. Although, minsan ay dinadalaw ako ni Siri pero hanggang doon lang naman siya sa boundary. Hindi kami makapag-usap ng maayos dahil sa masyado kaming paranoid.

"Pero kasi ngayon, parang nag-iba na siya eh." Natahimik ako doon.

"Nag take over na siya sa kompanya ng daddy niya. Hindi na siya yung dating Clint na palaging naglalasing at nakikipag bugbugan. Parang wala... Parang walang nangyari."

Nakita ko ang pagkataranta ni Siri. Hindi ko nakayanan ang narinig kaya mabilis kong pinatay ang laptop ko. Ang sakit, sobra! I didn't expect it would hurt me this much. Yung gusto kong mangyari ay unti unti nang nangyayari! Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Kung pwede ko lang itama ang lahat matagal ko nang ginawa!

Everyday I  am crying. Samantalang siya, parang naka move on. Ang tanga ko para maginarte samantalang ako ang nag push sa sitwasyon na 'to! Puro gan'on lang ang updates saakin ni Siri. Na wala nang pakielam si Clint. Hindi niya na nga din alam kung pinapahanap niya pa ba ako o sumuko na siya. Sino ba naman kasi ang taong ipaglalaban ang taong palaging nangiiwan?

Owned By An AlvarezМесто, где живут истории. Откройте их для себя