Chapter 1 - Meeting you was fate or hell?

27.8K 455 25
                                    

(Max's POV)

Haaaaaaaaaaaay! Ang ganda naman ng gising ko! Bumangon ako sa kama at tumayo para buksan ang kurtina. "Hello Philippines!" matching smirk sa mukha ko. Ay nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Maximillian Raineer R. Mikael, Half-Filipino at Half-Austrailian. Not to be conceited, gwapo, macho, matangkad, maputi, matalino, at mayaman. 18 years old na ako. 

~

I've been in Austrailia for 6 years dun kasi ako nag highschool kasi yung yung request ni Mama at heto na nga masayang masaya na ako at nakabalik na ako sa Pilipinas for a very long time. Magkasama kami ni Mama sa flight kasi may project kasi siya dito sa Pilipinas, gusto niyang magpapatayo nang isang branch dito sa Philippines para sa negosyo niya. Yung negosyo ni Mama is all about Fashion like clothes, jewelries, cosmetics at iba pa. Well, so much for that ang saya saya ko ngayon kasi malapit na ang pasukan 1 month nalang, kaya dali dali akong bumangon at pumasok sa banyo at nag shower, pagkatapos nag toothbrush at nagbihis.

~

Magpapa-enroll na kasi ako sa unibersidad na gusto kong pasukan. Hindi din naman ako katulad sa iba jan na ayaw pumasok sa eskwelahan. Dali dali akong bumba para mag agahan, nakita ko si Nanay Cita yung maid namin nagluluto nang paborito kong ulam, matagal na siya dito simula pa nung bata ako.

Nakita ko si Mama sa mesa, may tintrabaho sa kanyang laptop at nakahawak sa kanyang cellphone. "Good Morning Ma!" sabay halik sa kanyang pisngi at noo,"Good Morning my Handsome son!" he pats my head then kisses my cheeks and forhead. "Ma stop speaking English. Wala na tayo sa Austrailia." sinabi ko sa kanya. Umupo na ako at naghanda para kumain, "Son, you really know that I'm not good with tagalog." sabi ni Mom.

Austrailian kasi si Mom, medyo slang ang kanyang linguahe, hindi siya sanay mag tagalog pero marunong siya mag tagalog kasi tinuruan namin ni Daddy paano mag tagalog. Naka-flush pa yung mukha ni Mommy kasi slang siyang magtagalog kaya natawa ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata baka ma offend yun. "But I'll try. . ." dumating si Nanay Cita at hawak hawak niya yung paborito kong pagkain. "Good Morning Sir Max ito na po yung paborito niyo, Fried Rice with Egg and 3 Sausages." tuwang tuwa kong sinagot si manang, "Good Morning Manang! Salamat rin nito!" yuuum, napapa-aaahh ako sa luto ni manang.

Habang ngumunguya ako sa aking pagkain, biglang napatanong si Mama. "Ngayon ka ba magpapa-enroll sa University na gusto mong pasukin?" wow! Himala! Nagtagalog nga si mama. "Yes Mom, magpapa-enroll ako sa Delton  Academy." sinabi ko to habang ngumnguya sa pagkain. "I know you can do it Son! Good Luck!" sabi ni Mama. Agad agad kong tinapos ang aking pagkain at tumayo na sa aking upuan. "Tapos na po akong kumain. Salamat Ma, sige aalis na ako." Habang palabas tinawag ko si Manong Tom para kunin yung Gold Lambhorgini ko. After 5 mins, dumating siya at ayun sumakay ako sa drivers seat at pinatakbo ko na ang sasakyan ko papunta sa Delton Academy.

~

20 minutes lang naman ang kalayuan ng Delton Academy sa amin kaya madali lang ako nakarating. Pinasok ko na ang sasakyan ko sa school at naghanap ng lugar kung saan ko ipaparking ang sasakyan ko.

~

After 1 Hour and 30 minutes . . . .

~

Pagkatapos kong mag take ng Entrance Exam ay exicted akong lumabas sa building, tumakbo ako walang preno (de jk), walang pakialam kung sino ang mabungguan, kasi nagcecelebrat ako sa loob ng utak ko kasi tapos na ang Entrance Exam and I'm sure na makakapasa ako. Binilisan ko ang takbo ko, at ayuuuuuuuuun *Beng boogsh splat splat eeeeeeeeenggg eeeeeeeeng Beng booogsh booosh weeeeeeeeieeeeeeeewoooo.* (over naman maka react si Author!) Malakas yung pagkabungguan namin kaya kaming dalawa ay natapon.

Ilang segundo napansin ko, medyo sticky at basa yung shirt ko yun pala natapunan ako ng slurpee. Oo slurpee, yung malaki! Nalaman ko na slurpee kasi nakita ko yung plastic cup ng 7-Eleven na nandun sa sahig. Tumayo ako , at nag a-assuming nag pagpag, Umaapaw ang galit ko kasira niya kagwapuhan ko! Nakoooo! Paano na to? Agad agad ko siyang hinwakan sa collar at pinatayo, matching death glares sa aking mata. "G*GO! Hindi ka ba tumtingin sa daanan mo?! Paano na to! Wala akong extra T-Shirt!!" galit kong sinabi, syempre kasalanan ko din naman kasi ako ang nagdulot nang impact. "Eh?! I-Ikaw la-lang naman yung tu-tu-tumatakbo diyan!" nauutal niyang sinabi. "So ako pa sinisisi mo? Bugbugin kaya kita?!" banta ko dito sa binata. "Oo na! Sige na! Sorry po?!" Aba nag-ala Chichay pa boses nito. "Bayaran mo to!" sigaw ko sa kanya, tumingin tingin muna ako sa paligid baka may nakarinig, mabuti nalang konti alng yung mga nakakarinig, hindi lang naman nila kami pinakialaman.

"Hoy Lalake! Kapal din ng mukha mo ha?! Nag so-sorry na nga ako, papabayarin mo pa ako? Aba sumosobra ka na ha? Kahit kidnapin mo ako! Wala kang makukuhang pera sa akin! Wala akong pambayad sa shirt mo!" namumula na siya at parang may usok na lumalabas sa tenga niya. "Pwes sumama ka sakin!" with my evil signature smirk, hinila ko siya sa parking lot at binuksan ko yung kotse ko. Tahimik rin siyang sumond sakin, pagkastart ko sa sasakyan pinatakbo ko na ito.


Vote? Comment? :D

Share din po sa mga friends niyo! :D

-ReyD

Totally Captivated (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon