Chapter 27 - Sleep Well.

3.9K 87 7
                                    

(A/N: So this chapter is dedicated to all my readers and voters and commenters. Salamat sa walang sawang pagsusuporta :D :* So here you go. Onti onti na akong babawi sa inyo.)

(Rayne's POV)

~

Dumating na ako sa lugar kung saan naroroon si Rayver. Lumabas na ako sa sasakyan at nag park sa pinakamalapit na convenience store. Nandito ako sa madilim na alleyway. May naririnig akong 3 o apat na lalaki na nag-uusap. Kaya nagtago ako sa likod ng mga kahon ng mga mansanas.

"Nakita niyo ba ang bading na iyon?" sabi ni Boy 1

"Hindi boss eh." sabay sina Boy 2 and 3

"MGA GUNGGONG!" ayun at binatukan ni Boy 1 sina Boy 3 at 2.

"Wag nalang tayo mag-away! Hanapin nalang natin! Gigil na gigil na akong matikman siya!" sabi ni Boy 4. Medyo nagsitaasan ang mga balahibo ko sa narinig.

"TARA!" sigaw ni Boy 1.

Kaya tumakbo sila doon sa isang alleyway. Lumabasa na ako para hanapin si Rayver. Saan kaya yun pumunta? May narinig akong hikbi sa bandang likuran ko. Dalawang malalaking basurahan. Out of curiousity binuksan ko yung Biodegradable pero wala. Next is binuksan ko yung Non-Biodegradable at nakita ko ang bestfriend ko na nakayuko with his head under his knees. Umangat yung ulo niya at parang nabigla ito pero agad namang nawala at napalitan ng saya at tako sa kanyang mga mata.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Nanginginig parin ito sa takot. Kaya pinatahan ko siya. "Ssshh . . Shin. It's okay now. Wala na sila. Tahan na." paghimas ko sa kanyang likuran at pinahiran ko yung mga luha niya.

"T-Th-Thank Go-God *hik* Rayne. A-Akala k-ko *hik* kasi na baka *hik matu-matuluyan *hik na akong ma-rape. *hik*" nauutal niyang sabi.

Naawa naman ako sa bestfriend ko kaya pinatayo ko na ito at naglakad na kami. May narinig kong mga ingay sa mismong alleyway kaya napamura ako. "SH*T! Andyan na sila!" hinila ko yung kamy ni Rayver para makatakbo na kami. "Ayun siya oh! May kasama siya!" sigaw ni Boy 4. "Ano pang hinihintay niyo? Habulin na natin!" sigaw ni Boy 1. Ayun naglaro na kami sila yung taya. Kami yung hinahabol. HAHAHAHA de joke lang.

" Wag mong bitawan ang kamay ko. Pupunta tayo sa convenience store! Andun naka parada yung kotse ko." sabi ko sa kanya. Tumatakbo parin kami. Tumango nalang ito kaya binilisan namin ang aming pagtakbo. Naka-abot kami sa 7-Eleven kaya dali dali kaming pumasok dito. 

Hingal na hingal kaming napaupo sa sahig sa 7-Eleven at lahat ng mga tao nakatingin sa amin. Maya maya naman ay ibinaling na nila ang kanilang pagtingin sa iba't iba nilang ginagawa. Kaya nandun nagpapahinga kami sa pinakasulok na mesa sa 7-Eleven at umupo.

"Gusto mo bang kumain?" tanong ko sa kanya. Tango lang naman ang tanging sagot niya sa akin kaya bumili na ako ng Instant Cup Noodles at dalawang tubig at isang beer. Pinanood ko lang siyang kumain. 

Kwinento niya sa akin yung mga pangyayari kaya ayun nakakinig lang naman ako. Siya patuloy parin siya sa pagkwento nung naramdaman kong maihi. "Sandali lang Rayver, C.R lang ako. Baka sasabog na yung pantog ko.

Pagbalik ko nakita kong parang hindi mapakali si Rayver sa kanyang upuan kaya tinapik ko ang balikat nito.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang gulat at takot. (S: Siyempre sino ba yung hindi ma-tra-trauma sa pangyayaring iyon?) Biglang lumungkot yung pakiramdam ko at yinakap ko siya ng mahigpit. Yung yakap na tipo nandiyan lang ako palagi sa tabi mo. 

Pagkatapos yung yakap session namin pumunta na kami sa sasakyan ko para maihatid ko siya sa kanyang bahay. Nandito kami sa loob ng sasakyan ko at inistart ko na yung engine ko. Pinatakbo ko na ito papunta sa bahay nila Rayver.

Dumating na kami dito sa kalsada nila Rayver. Pero bigla bigla akong nauuhaw. "Rayver pwede bang maki-inom muna ako ng tubig sa inyo?" tanong ko dito sa kanya. "Ah-eh . . , S-Sige." medyo nauutal parin siya. :( HAAAAAAAAAAAAYS kawawa naman nung kaibigan ko.

Kaya pinapasok niya ako sa suite niya. Nandito ako ngayon sa kwarto habang nandun naman siya sa kusina para kukuha ng tubig. Nandito ako naka-upo sa bed niya at naghihintay na dadating si Rayver. Maya maya ay bumukas yung pintuan at nakatayo doon si Rayver na may dalang baso.

Unti unti siyang lumapitsa akin at ibinigay niya yung tubig. "Salamat sa tubig Rayver ah? Di na rin ako magtatagal dito kasi nandun sa bahay si Jessie bak- . . " nakaramdam ako ng paghilo kaya nabagsak ko yung baso at napatingin ako kay Rayver. Nakatayo parin ito with matching poker face. Di ko na natuloy ang sinabi ko kasi nandilim na yung mga paningin ko.

~

Author's Note: Supposedly ang chapter na ito ay connected o dugtong sa previous chapter. Kaya naisipan kong i-cut iyon. Kasi wala lang. Yun yung unang pumasok sa isip ko so I cut the previous chapter. :3 Para mabitin din kayong lahat. So unti unti na akong bumbawi sa inyo. Kaso nga lang eh ang onti ng mga chapters. Sadnu? :'( HUHUHU\

So that was a shocking move by Rayver :O ano kaya ang mangyayari sa next chapter?

By the Way, SALAMAT SA LAHAT NG BUMASA SA STORY NA ITO. I know beginner pa ako na author at marami rami pa akong mga kailangang i edit. Yung plot ko. Ewan ko ba kung may plot ang storyang ito kasi nga napanaginipan ko lang na magsulat ng isang story na planado na yung ending HAHAHAHAHAHA. Kaya ayon *poof* this story pops in my head like a flash at nasipagan din akong magsulat kasi na-inspired ako. 

Salamat sa UNENDING SUPPORT na binibigay niyo lalo na kay @emielyn @geeyoTM at @IamHungrySoFeedMe @http_coolked Arigato talaga sa inyo.

THANK YOU SILENT READERS, VOTERS, COMMENTERS AT SA MGA TAONG NAGLAGAY SA STORY KO SA KANI-KANILANG RL (Reading List) Thanks you very much! :'D

Love Lots, XoXo

-ReyD

Totally Captivated (BoyxBoy)Where stories live. Discover now