Chapter 31 - Love or Hatred? Forgiveness or Pride?

4.3K 103 13
                                    

[ This chapter is dedicated to my editor HAHAHA sa nag edit ng banner na ito na si @geeyoTM. GIO! I really like the banner HAHAHA thank you very much. :* ] So here yaa goooo! Chapter 31 ;)

(Jessie's POV)

fast forward *

~

 

It's been 3 days na hindi na ako pumasok sa skwelahan. Bakit? Kasi naduduwag ako. Hindi ko kayang maging matatag. Sinusubukan ko ito pero hindi eh. Babalik at babalik lang yung ala-ala sa akin at muli nanamang babagsak ang mga namumuong luha sa aking mga mata.

Biyernes na ngayon so kailangan ko ng pumasok.Oo, kailangan ko ng magiging matatag at kailangan namin mag-usap ni Rayne. Gusto kong ipaliwanag niya yung mga nangyari sa akin. Word by word.

Nakapasok na ako sa building at naglalakad papuntang hallway. I know. Pinagtitinginan parin ako ng mga studyanteng sumasalubong sa akin pero binaliwala ko lang sila. Ayoko talaga yung kinakaawaan ako kasi parang ang feeling ko ang hina-hina ko parang hindi ko kaya yung sarili ko.

Nakarating ako sa classroom at bumungad sa akin ang malaking bunganga ni Leanne. "HAHAHAHAHA kawawa ka talagang bakla ka. Maswerte ka! Nakaabot pa kayo ng isang buwan." tumawa naman yung dalawang alipores ni Leanne. "Oh tapos ka na ba Leanne?" pambabara ko sa kanya at sa kanyang mga alipores. Tumigil sa kakatawa yung dalawang alipores ni Leanne at nakita ko ang mga mata nito nakapako ang paningin sa akin panay pinapatay nila ako sa tingin pa lang.

"Wag kanang magpakasaya ngayon kasi I can steal your boyfriend anytime I want." with matching victory smirk. "Okaaaaay. Aantayin ko yan" bored kong sagot with a fake yawn. Aakmang tatalikod na sana ako at lalakad papuntang upuan ko pero hinablot ni Leanne yung kamay ko at sinampal yung mukha ko.

Napatulala ako sa ginawa niya. Sa pagsamapal niya pagkatapos ng samapal na iyon aakmang susugod na ako para magrambolan kami pero may litrato na nahulog sa tapat ko kaya agad ko naman itong kinuha.

Nalaglag yung panga ko, nanlaki yung mga mata ko at napako ako sa kinatatayuan ko. May nakita akong picture nanaman na naghahalikan si Rayne at Rayver sa litrato. Parang si Rayne ang nag-initiate ng kiss. Hindi pa nag sink yung imahe sa utak ko kaya on the process pa. Wait lang.

.

.

.

Nung nag sink-in na lahat, para talaga akong binagsakan ng langit at lupa. Kumurot yung puso ko at hindi ko namalayan na isang butil ng luha ang tumakas sa mata ko. "Yan lang naman ang dapat sa iyo para magising ka sa katotohanan! Dream on, Bakit? Anong akala mo? Happy Ending kayo ni Rayver? Ganooon? HAHAHA yan lang bagay sayo. And by the way nagpapasalamat ako kasi natauhan lang naman si Rayne nga hindi talaga kayo bagay sa isa't-isa." Totoo ba? Totoo ba yung mga sinabi ni  Leanne? Parang magnagdedebate sa loob ng utak ko kung paniniwalaan ko ba si Leanne o hindi.

Pero if you look at the picture para nga namang si Rayne talaga ang nag initiate nung kiss. So totoo nga? Na hindi niya sineryoso yung pag-iibigan naman. Tumakbo ako palabas ng room upang ibuhos ang galit, ang sakit, ang puot, ang aking damdamin. (A/N: Palagi ka nalang tumatakbo. Sumali ka nalang kaya ng FUN RUN? Baka mananalo ka pa. xP) Gusto kong isigaw ang lahat nang iyon upang maibsan o mabawasan man lang yung sakit na kumukurot dito sa dibdib ko.

Totally Captivated (BoyxBoy)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu