Chapter 17 - I'm just a little too not over you.

5.5K 165 8
                                    

A/N: So here's a GIF of our lovely Jessie who is holding his tears and not to cry infront of Rayne. </3

Poor Jessie! </3 :(

SO Enjoy! Chapter 17 - I'm just a little too not over you.

(Rayne's POV)

~

Matindi talaga ang galit ko sa kanya kanina pero hindi ko parin siya matiis eh. Mahal na mahal ko eh. As expected di siya pumasok sa first three subjects namin. Wala naman talaga akong magawa eh pakanan ko naman kung bakit siya nag cucutting at umiyak. Napaka walang hiya ko talaga. Pinaiyak ko ang taong pinakamamahal ko ang sakit sa mga mata kapag nakita ko siyang umiyak. I just wanna comfort and say sorry to him again. 

I didn't let him explain mas nanaig yung pride at selos ko mas worse nasigawan ko pa siya na hindi ako madadaan sa pagdadrama niya. It hurts like hell seeing the person you love crying and with someone else. Tama lang naman ako na mag selos pero nasobrahan yata eh. Andito ako sa parking lot or sa front gate hinihintay ko si Jessie na dadating. Hoping na sana dadating siya.

Pumasok ang isang Lamborghini Reventon sa campus namin. Nandito lang naman ako sa isang bench naka-upo with the trees. Nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko. Si Jessie yung nasa loob ng sasakyan at may kayakap ito.

Ayan nanaman ung galit ko at selos. Naguumapaw nanaman. Porket nag-away lang kami sasama na siya sa ibang lalake? (A/N: Hoy Break na kayo! Wag mong kalimutan yan! Ikaw nga nakipag break sa kanya! Gago! -_-) 

Hindi ko na gustong tingnan yung dalawa kaya nagmamadali akong umalis sa kinaupuan ko kanina at pumunta sa canteen at tinawagan ko si Rayver. Well let's play a game called JEALOUSY GAME. Tingnan lang natin kung sino ang mananalo sa larong ito Jessie kung hinahamon mo ako pwes tatanggapin ko yang alok mo.

Agad agad namang sumagot si Rayver. "Hello?" sabi nito. "Shin, Si Max to. Kita tayo sa canteen. Ililibre kita." sabi ko sa kanya. "Really?" I can sense happiness in his voice. "Yeah." maikli kong sinagot si Rayver at binaba yung phone.

Nung lumiko ako sa isang corner sakto namang nakita ko si Shin kaya lumapit ako at pinulupot yung kamay niya sa mga kamay ko. Naka HHWW patungong canteen. Gulat yung lahat sa mga nakita nila nanaka-holding hands ang dalawang gwapong guys sa campus. Napatahimik naman ang buong canteen kaya wala akong pake. 

Nag order nalang kami ng makakain namin ni Rayve at abot tenga naman ang ngiti ng mokong na ito. Binayaran ko na lahayt a pumunta kami sa isang corner na table sa left side. Tiningnan ko naman yung table nila Jessie kung saan nakaupo yung dalawang kaibigan niyang si Angelique at Maybell. Naks. Ansama lang ng mga tingin nila sa akin. Pero wapakels ako naman nag dadala ng tray namin ni Shin habang siya nalabunto at nakapalupot parin yung kamay niya.

Nag subuan kami, nag tatawanan, nag kwentuhan, nag kikilitian. Mayamaya dumating na rin si Jessie at umupo siya sa pwesto nila. Nag-uusap yung mag kaibigan habang nakaturo yung nguso ni Angelique sa amin. Kaya papatikimin ko talaga siya ng selos. Yun naman gusto niya eh! (A/N: Hoy hindi Masochista si Jessie! Babalatan talaga kita Rayne kapag ako magalit sayo!) Tss . . Epal alis nga jan! (A/N: Kung ikaw yang papaalisin ko jan!) Tss .  .

Lumingon naman si Jessie at hinanap kung saan yung pwesto namin. Nagkatinginan kami sa mata kaya paseselosin ko siya. Pero ang ikinabigla ko ay halikan ako sa pisngi ni Shin. Tiningnan ko naman si Jessie. Umiiyak ito at bigla nalang tumayo at tumakbo palabas ng canteen.

WHAT THE HELL? Pinaiyak ko na naman si Jessie. Kaya I shoved the face of Rayver away from me at tumayo at tumakbo kung saan papunta si Jessie. Pumunta ako sa Classroom pero wala, pumunta ako sa dance club pero wala, pumunta ako sa singing room pero wala, pumunta ako sa rooftop pero wala. (A/N: Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo miyembro sa Dance Club and Singing Club si Rayne.)

(A/N: Play the Song A little too not over you by David Archuleta) it's on the side ==>

Lumipas ang 1 hour and 30 minutes. Umupo ako sa isang bench sa labas ng campus at napasabunot sa buhok ko. Ang tanga tanga ko! Pinaiyak ko nanaman siya! Bakit ba my mga taong hadlang sa isang relasyon? na hindi ko namalayan pumatak na pala yung mga luha ko. Hindi ko alam kung paano pero nagmamadali silang naglabasan para ngang na karera yung mga luha ko eh.

Binabawi ko na sinabi ko! Gusto ko na kami na ulit! I'm just a little too not over him. Binabawi ko na ulit yun. I wanna make up with him. Pero wala eh. Hindi ko siya nahanap. Gusto ko nang marining yung mga paliwanag niya. Gusto ko nang makita yung mga matatamis niyang ngiti at gusto ko na siyang siilin ng halik. Am I too late now? May magagawa pa ba ako.

(Jessie's POV)

~

Pagkatapos kong mag-lock sa isang cubicle ng C.R for almost 2 hours? Lumabas nalang ako ng campus at umuwi sa bahay para makapag pahinga. Hindi ko talaga kinayanan yung nakita ako kanina. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. I felt my heart shatter a million times. Yun nalang ba? Yun nalang ba yung mangyayari sa amin?

Bakit napaka-unfair naman ng life Lord? Hindi pa nga kami nag monthsaray eh break na agad. Inihagis ko yung bag ko sa sahig at napatumba naman ako sa higaan. Minsan ko na nga lang pinangarap maging masaya ganito pa ang mangyayari. Baki sa dinami daming relasyon na sirain yung amin pa ni Rayne? Paano na ang JessRayne? Paano na kami? Yun nalang ba? Doon na ba magtatapos ang pagmamahalan namin ni Rayne? Nagsilabasan nanaman yung mga luha ko. Ang dami dami ko talagang iniisip at sa hindi ko nalang namalayan nakatulog ako habang hindi pinapahid yung mga luha sa pisngi ko.

SO THAT'S IT! Chapter 17! :D

Authors Note: Huwaaaaaaaaaaaaaaaah! Rayne! ENE KE BE! Bakit mo pinaiyak si Jessie? Napaka-sama mo! Tae mag sama kayo ni Rayver! De joke lang. Mahal ko tong si Jessie noh? Hindi ko hahayaan na magiging miserable buhay nitong Dyosa na ito.

Salamata mga Silent Readers, Voters, Commenters. God Bless sa lahat ng mga inspirasyon ko :*

Love Lots, XoXo

-ReyD

Totally Captivated (BoyxBoy)Where stories live. Discover now