CHAPTER 11

5.8K 137 4
                                    


CHAPTER 11

( Blade's POV )

Napangiti ako ng madatnan kung mahimbing na natutulog c Lhorrice. I kiss her forehead saka umupo sa tabi niya.

"Im sorry babe! Hindi ko pa masabi sayo ang totoo. Pero pangako pagdating ng tamang panahon at handa na akong bitawan ang pait ng nakaraan ko,ikekwento ko sayo lahat. Im not that bad! Pero kailangan kung gawin to para kay Orin. Ito lang ang paraan para makamit ko ang hustisyang nararapat para sa kanya. Kahit sabihin pa nating mali ang pamamaraan ko. Dahil wala namang magagawa ang batas laban sa kanila. Kung kaya nilang mamanipula ang isang buong bayan ,,ang mga tao pa kaya na kayang bilhin ng pera. Sana lang matapos ko ito ng hindi naisasakripisyo ang buhay ko,dahil gusto pa kitang makasama.......... habang buhay. At sana patawarin mo ako sa magagawa ko ngayong gabi."

Inayos ko ang kumot niya saka hinalikan ulit siya sa noo.

"Goodnight babe. I love you." saka ako tumalikod at umalis.

Hinahanda ko na ang lahat ng gamit na kakailanganin ko.
I put my gun on its holster,and my knife in my hoodie's pocket.

I look at the list.

29. SAVANNA DELSAR
30. KOSLOW DELSAR
31. ZARAYA DELSAR

Tatlo na lang pala silang natitira.
Tatlo na lang pala ang hindi pa nakakapagbayad sa pagkamatay ng kapatid ko.

I smile bitterly. Im so sorry Lhorrice.
Uunahan ko na sila bago pa nila malaman ang tungkol sayo. Ayokong sapitin mo ang sinapit ni Orin. Hindi ko kakayanin kung ikaw pa ang mawala sa akin.

I start my way out to my next target.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"So talagang pinaghandaan mo ang pagdating ko." nadatnan ko si Savanna na nakaupo sa sofa wearing her mafia uniform. Fully armed.

"Syempre. Ayoko ko pang mamatay,pero mas ayokong mawala pa ang chance ko para patayin ka....."
Bigla niya akong sinugod gamit ang isang katana.For me her movements are so slow,kaya madali ko itong naiiwasan. Nang naiinis na ako sa kakaiwas ay sinipa ko ang kamay niya dahilan para tumalsik ang katana niya na lalong ikinasama ng tingin niya sakin. She start attacking me again. Sipa, suntok ang ginawa niya. All I did was to block her attacks. Nangmapansin kung humihina ang mga ataki niya,sinipa ko siya sa tiyan dahilan para tumalsik ito sa side table na ikinawasak nito. Tinititigan ko lang siya habang tumatayo. Hinablot niya ang lamp shade at ibinato sa akin. Iniwasan ko ito,pero nagulat ako ng bumunot siyang baril at nagsimulang paputukan ako. Nagtago ako sa likod ng sofa habang gumaganti ng putok.

Nang maubos ang bala niya at tumakbo ito sa taas kaya agad ko siyang sinundan. Sinara niya ang pinto ng makapasok siya sa isang kwarto,I kick the door dahilan para mawasak ito. She was trying to open the window kaya kinuha ko ang knife sa bulsa ko binato sa kanya. Napaluhod naman siya ng bumaon ito sa tiyan niya. I run to attack her pero bigla niyang binunot at kutsilyo sa tiyan niya at ibinato sa akin. Umilag ako kaya hindi ko napansin ang paparating niyang ataki. She kick me so hard kaya napatilapon ako sa pinto. Nang nakatayo ako ay wala na siya tanging mga bakas na lang ng dugo ang naiwan sa sahig.

"Fuck!!!!"

________________________________________

( Lhorrice's POV )

Nagtataka ako ngayon kasi hindi ko pa nakikita si Vanna. Hindi naman uma absent ang babaeng yun kaya nakakapanibago. Natapos na ang 3rd period ay walang Vanna na sumipot.
Naisip ko na puntahan na lang siya after class.

"Class dismiss!" Agad akong naglakad papunta sa bahay nila Vanna.

Only child si Vanna kaya medyo spoiled. Mabait siyang kaibigan pero malditang kaaway..hehehe. Malambing at makulit si Vanna,kaya nga kami magkasundo.

Pagdating ko ay nagdoorbill ako. Nakailang pindot na ako ay wala pa ring sumasagot. Nagtaka ako kasi hindi naman nakalock ang gate nila. Naisipan ko na lang na pumasok tutal madalas ko din naman tong ginagawa. Wala kasi ang parents niya dito dahil nasa abroad, kaya siya lang mag isa ang nakatira dito.

Bigla akong kinabahan ng makita kung nakaawang ang pinto ng bahay niya. Kaya dali dali akong pumasok. Mas lalong akong kinabahan sa nakita ko. Parang dinaanan ng buhawi ang sala nila. Wasak ang mesa at upuan,basag na mga gamit ang nakakalat kahit saan. Dali dali akong umakyat sa kwarto niya. Halos maiyak ako ng makitang wasak ang pinto ng kwarto niya at may bahid ng mga dugo ang loob ng kwarto niya. Agad kung hinanap siya kahit saan sa loob ng bahay nila,pero hindi ko makita si Vanna.

Agad kung kinuha ang cellphone ko at tumawag sa pulis.

"hello,tulong! Yung kaibigan ko nawawala,tapos yung bahay niya ...huhuhuhuhu." naiiyak at natataranta na ako.

'Kalma lang po kayo Ma'am. Anung pangalan niyo.'

''Hmmm... Lezzana Lhorrice Henzo.''

'Ok Miss Henzo,nasaan po kayo?'

"Miracle Ville ,lot 4 block 3."

"Sino po yong nawawala!?"

"Savanna..... Savanna Delsar,please. bilisan niyo baka anu na ang nangyari sa kaibigan ko."

" Ok Miss Henzo,hintayin niyo ang mga kasama ko diyan sa lugar,wag kayung aalis."

"Ok,ok"

Pinatay ko yung cellphone at umupo sa sahig habang umiiyak.

Nasaan kana Vanna.?

May napansin akong makinang na bagay sa ilalim ng wasak na pinto kaya nilapitan ko ito.

Halos mawasak ang puso ko ng makita ito. Kinuha ko ito para masigurado.

Nag unahan na ang mga luha ko ng makompirma ko ang pangalang nakaukit dito.........

'B+L'

"Blade anung ginawa mo sa kaibigan ko."

In Relationship With A KillerWhere stories live. Discover now