CHAPTER 24

4.9K 138 2
                                    


( Lhorrice's POV )

"Blade,bakit mo ginanun yong ama,mo. Kahit anu pang nagawa niya ama mo pa rin siya." ngumiti siya ng mapait at hinawakan ang kamay ko.

"Sana nga babe,sana nga ganun lang siya kadaling patawarin. Diba na kwento ko sayo ang nangyari kay Orin." bakas ang lungkot sa mga mata niya. Tumango lang ako bilang sagot.

"Nanduun siya babe! Nandoon siya nung araw na pinatay si Orin. Nandoon siya at pinanood niya lang kung paano nila pagkaisahan ang kambal ko.Nandoon siya nang sandaling namatay ang kapatid ko. Nandoon siya!!!! Pero wala siyang ginawa. Hindi siya tumutol habang pinapatay ang anak niya. Damn!!! Ni hindi man lang siya Umiyak." sunod sunod ang pagtulo ng luha niya. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Nagawa talaga ni tito yun?

'' Ssshhh!!! tama na. Im sorry hindi ko alam." niyakap ko siya ng mahigpit.

"Hindi ko kaya babe. Hindi ko siya kayang patawarin." humagolgol ng iyak si Blade. Nasasaktan ako na makitang umiiyak siya. Pero sa kabilang banda ay masaya ang puso ko,dahil nagagawa niyang sabihin sa akin ang tungkol sa nakaraan niya
Hindi siya nagdadalawang isip na umiyak sa harap ko. Ramdam ko na mahal niya talaga ako.

"Tahan na. Hayaan mong magpaliwanag si tito. Ramdam kong mahal ka niya. Hindi ko hinihingi na patawarin mo siya. Basta pakinggan mo lang ang dahilan niya." tumango lamang ito.

Nakahiga kami na ang ulo niya ay nasa dibdib ko at nakayakap sa akin habang natutulog. Parang bata si Blade na kailangan nang kalinga at pagmamahal.

"Dont worry Blade. Iwan ka man at sukuan ng mundo. Mananatili ako sa tabi mo,pangako." hinalikan ko ang noo,niya.

________________________________________

(Colt's POV- blade's father)

"Alam kung masaya na kayo ngayon. Mayroon nang tao na totoong nagmamahal kay Blade. Akala ko nga ay habambuhay ng magiging bato ang puso niya. Pero salamat na lang at nakilala niya si Lhorrice. Alam niyo sobrang bait niya,at mahal na mahal niya talaga si Blade. Kaya kahit mawala na ako,alam kung nasa ayos na si Blade. Mahal na mahal ko kayo." hinalikan ko ang larawan ng mag ina kung si Arian at Orin,habang tumutulo ang luha ko.

"Sana nga lang ay dumating ang oras na mapatawad niya ako,bago man lang ako mawala."

In Relationship With A KillerWhere stories live. Discover now