CHAPTER 20

4.9K 126 0
                                    

(Blade's POV)

"Master Blade,kalma lang po kayo,mahahanap din po namin si Lady Lhorrice." pag aalo ni Val si akin. Paano ako kakalma hanggang ngayon hindi pa rin nila nahahanap si Lhorrice o kahit si Koslow.

Hinila ko si Val sa kwelyo.

"Fuck you Val!! Hindi ko kailangan ng pag aalala niyo. I want Lhorrice back!!!" tinulak ko naman siya na ikinatumba niya . Siya na lang ang meron ako,tapos nawawala pa. For pete's sake,hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Master Blade, nahuli na po si Koslow!!" bigla naman akong nabuhayan sa sinabi niya.

"Nasaan siya.?" atat kung tanong.

"Nasa dungeon na po siya,kasama ng anak niya." napangisi naman ako.

Dali dali akong bumaba sa dungeon,naabotan ko ang nanggagalaiting si Koslow.

"Hindi niyo naman sinabing may family reunion pala dito." nakangisi kong bungad sa kanila.

"Hayop ka Blade anung ginawa mo sa anak,ko." nagpupumiglas si Koslow habang sumisigaw.

"Makahayop ka naman sa akin,Koslow. Para ba namang tao ka." mapanuya kong sabi sa kanya na lalong ikinasama ng tingin niya.

"Wag kang umasta na parang nag aalala ka sa anak mo Koslow. Hindi bagay sayo." napatawa ako ng malakas ng lalong itong nagpumiglas.

"Alam mo Koslow,mas mabuti pang ibalik mo na sa akin ang fiance ko o tutuluyan ko na yang anak mo sa mismong harapan mo." banta ko sa kanya. Napatigil naman siya.

"Bakit mo sakin siya hahanapin." sinuntok ko siya ng buong lakas nagsisimula nang uminit lalo ang ulo.

"Wala nang iba pa ang may rason para dukutin ang fiance ko. Ikaw lang Koslow.... Ikaw lang.... Now tell me.... Where is....she????" gustong gusto ko nang gilitan nang leeg si Koslow pero pinipigil ko lang ang sarili ko.

"Hindi ko....aaahhh!!!" hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at hinampas na siya ng bakal.

"Wrong answer!!" malademonyong ngiti ang sumisilay sa labi ko.

"Hindi ko alam kung nasaan siya..... wala na siya sa bahay niya ng puntahan namin siya." napatingin naman ako sa kanya.

"Anung ibig mong sabihin.?" masamang tingin ang pinukol ko sa kanya.

"Wala na siya sa bahay niya!!!! Ilang araw na rin siyang hindi pumapasok sa University. Parang awa mo na pakawalan mo na ako." Napatawa lang ako ng pagak. Kumuha ako ng kutsilyo.

"Watch and learn,Koslow.!" lumapit ako sa naghihingalong si Savanna.

"A-anung gagawin mo sa kanya.?" ngimisi lang ako.

Nanlaki ang mata niya ng saksakin ko si Savanna sa dibdib at hugutin ang puso nito. Nakita ko kung paano tumulu ang luha sa mga mata ni Koslow. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko,hindi dahil sa awa sa kanila. Kundi dahil sa hindi man lang tumulo ang luha ng ama ko ng namatay sa harapan niya si Orin.

"Mas maswerte ka kaysa ky Orin,Savanna. Dahil iniyakan ka ng iyong ama." bulong ko sa bangkay niya.

( Lhorrice's POV )

"Hello,Lhorrice. Buti naman at gising kana." bungad sakin ng taong kumidnap sakin. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Ang huli ko lang naaalala ay kausap ko siya.

"Sino ka ba? Anung kailangan mo sakin? Bakit mo ako dinala dito." sunod sunod na tanong ko. Nasa loob ako ng isang malaking silid at nakaupo sa isang malaking kama. Masyadong magara ang silid. Sino namang kidnapper ang maglalagay ng hostage niya sa ganitong kwarto.

"Makikilala mo rin ako. Pero hindi muna ngayon. Papadalhan kita ng pagkain. Please eatwell!! Hindi gugustuhin ni Blade na magkasakit ka." malumanay nitong sabi.

"Paano mo na nakilala si Blade.? Sino ka bang talaga.?" ngumiti lamang ito.

"See you later,Lhorrice." Naguguluhan ako. Anung kailangan niya sa akin. Paano niya nalaman ang tungkol sa amin ni Blade.

.Tumayo ako sa kama at inikot ang paningin ko sa paligid. Black and blue ang kulay ng silid,halatang pag aari ito ng lalaki. May chandilier pa sa kisame at isang flatscreen TV.

Tumakbo ako papunta sa bintana,pero halos lumuwa ang mata ko sa taas ng kinalalagyan ko. Siguro ay nasa ikaapat akong palapag. Kapag tumalon ako dito,siguradong patay ako. Napabuntong hininga naman. Sinubukan kong buksan ang pinto pero tulad ng inaasahan ay nakalock ito. Bumalik na lamang ako sa kama at umupo. Napansin ko naman ang isang nakataob na picture frame. Pinulot ko ito at pinagmasdan ang larawan. May dalawang bata na magkaakbay at nakatawa,halatang masaya sila. At kapansin pansin ang pagkakahawig nila,ang isa ay may salamin na suot,pero umagaw ng pansin ko ang isang nasa bandang kanan. Masyadong pamilyar ang mukha niya. Nanlaki ang mata ko.

"Blade?!!"

In Relationship With A KillerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant