CHAPTER 23

4.7K 138 1
                                    

(Lhorrice's POV )

Ilang araw na rin ako dito,at napag alaman kung daddy ni Blade ang nagdala sa akin dito. Mabait naman si Tito Colt,pero nagtataka lang ako dahil ni minsan hindi nakwento ni Blade sa akin ang tungkol sa ama niya. Dinala niya ako dito para maging safe ako,baka kasi gamitin ako ng mga kalaban ni Blade laban sa kanya.
Nandito ako ngayon naglalakad pabalik sa room ko ng may marining akong kalabog at sigawan

"Do you think saving my fiance will change the fact that you can't save your own son!?" teka,boses yun ni.... Blade,!!???

Napangiti ako saka tumakbo patungo sa silid na pinanggagalingan ng ingay.
Napaluha ako ng makumperma kung si Blade nga yun.

" B-blade." tumingin naman siya at,tumakbo naman siya papunta sakin. Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Pero hindi ako nagreklamo,dahil ako man ay mahigpit na nakayakap sa kanya.

"My ghod,Lhorrice. Halos mabaliw ako sa kakahanap sayo." may naramdaman akong tumulo sa balikat ko. Kumalas naman ako sa kanya at pinunasan ang luha niya.

"Sorry kung pinag alala kita. I love you Blade." ngumiti ako ng ngumiti siya.

"I love you too,sorry kung hindi kita nakamusta ng matagal,huh. Sorry din at pinag alala kita." Hinalikan ko lang siya.

"Ang mahalaga nandito kana." sabi ko habang nakahawak sa pisngi niya.

"Lets go. Babalik na tayo ng pilipinas.!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Bakit nasaan ba tayo." ngumiti lang sakin si Blade.

"Nasa greece ka ngayon." napanganga naman ako.

"Di nga." hindi ako makapaniwala.

"Ahhemm... mabuti pa magpahinga na muna kayo dito. Masyado nang maraming nangyari nitong nakaraan." tawag pansin naman ni Tito Colt. Pero napanganga ako ng makita kung may black eye siya.

"Tito,anung nangyari sa mata niyo.?" ngumiti lang si tito. At umiling napansin ko namam ang masamang tingin ni Blade sa Daddy niya. Dont tell me siya ang may gawa nun.

"Hindi pa tayo tapos!" madiin na sabi ni Blade kay tito. Saka ako inalalayan papuntang kwarto niya.

"Blade,bakit ganun ka naman sa dad mo." napabuntong hininga nalang siya.

"Sasabihin ko na lang sayo mamaya." tumango na lang ako.

In Relationship With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon