CHAPTER 26

4.9K 131 2
                                    


( Lhorrice's POV )

Ilang araw na,na laging masama ang pakiramdam ko. Lagi akong nahihilo at parang masusuka. Gusto sana ni Blade na magpa check up kami pero sabi ko wag na. Tinatamad talaga akong kumilos,eh. Saka baka napagod lang ako sa ilang araw naming pamamasyal. Mahigit isang buwan na ako dito,pero nung isang linggo lang ako nakalabas ng bahay.Sobrang ganda talaga dito.

Nakita kung bihis na bihis si Blade. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa labi.

"Babe,alis muna ako. Babalik din ako agad,gusto ko lang bisitahin ang puntod ni Orin." tumango lang naman ako sa kanya.

"Ok,sorry hindi ako makakasama masama talaga ang pakiramdam ko." ngumiti lamang ito.

"Ok lang,marami pa tayong time para bumisita ng sabay. May gusto ka bang ipabili.!?" nag isip muna ako,then my bigla akong naalala.

"Bili mo ko ng manggang hilaw saka bagoong." sabay puppy eyes.

"Mangga na hilaw at bagoong!? Meron ba dito nun!?" bigla naman akong napanguso.

"Dont be sad! Maghahanap ako kung meron man."bigla akong nabuhayan sa sinabi niya. Kaya hinalikan ko siya. Nagpaalam naman siya at umalis. Naglalaway talaga na makakain ng mangga at bagoong.

________________________________________
(Blade's POV )

Nandito ako ngayon sa puntod ni Orin. Matagal tagal na rin nang huli kung punta dito. Naging abala ako sa paghihiganti hanggang sa nakalimutan ko na ang dahilan ng lahat ng iyon.

"Im so sorry,kambal. Ang tagal kung hindi nakabisita sayo. Alam kung nagtatampo kana sakin. Pero pangako simula ngayon,dadalasan kuna ang pagdalaw sayo. Masama pa rin ang loob ko sayo,kasi naman bakit hindi mo sinabing may sakit ka. Mas mahalaga ka sa akin kaysa sa mafia,alam mo yun. Sana,I had spend more time with you bago ka nawala. Pero I understand you at the same time,kung ako ang nasa posisyon mo gagawin ko rin yun. Wala akong pinagsisihan sa mga ginawa ko kambal,kahit ginusto mong ikaw ang mamatay hindi pa rin makatarungan ang ginawa nila sayo. Im so happy na nagkaroon ako ng mabuting kapatid na tulad mo.

Napagdesisyonan namin ni Lhorrice na dito na muna manirahan. Kasi kung sa pilipinas hindi rin kami tatahimik. Hanggang ngayon wanted pa rin ako,dun. Hihintayin naming humupa ang paghahanap sa akin saka kami babalik dun. Para na rin maalagaan ko si papa.His sick,and I have a short time para makabawi sa kanya. Alam kung maiksi na lang ang oras niyang natitira,but I make sure to make it unforgetable.Sayang,hindi mo nakilala si Lhorrice,sobrang bait niya kambal. Hindi ko inaasahan na makakatagpo ako ng babaeng tulad niya. She's so beautiful inside and out. Magpopropose ako ulit sa kanya kambal. I want to marry her as soon as possible. I want her to Mrs. Lezzana Lhorrice Lander. " nakangiti kung pinunasan ang mga luha ko habang nakatingin sa puntod ng kapatid ko.

"Alis na muna ako kambal. Maghahanap pa ako ng manggang hilaw at bagoong,pero ewan ko lang kung may makikita ako dito sa greece.Ewan ko nga rin kung bakit biglang naghanap nun,pero try ko pa ring maghanap just to see her beautiful smile. Wish me luck!! Bye Kambal." tumalikod na ako at naglakad papunta sa sasakyan.

Ang daming nangyaring hindi ko inaasahan sa buhay ko. But one things for sure,its worth all the sacrifices.

In Relationship With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon