Kabanata 8

69.5K 2.5K 590
                                    


Kabanata 8


Sobrang bigat ng pakiramdam ko sa dalawang araw na dumaan at walang Cali, hindi ko siya maintindihan sa huling sinabi niya sa akin noong gabing ihatid niya ako.

Sabi niya ay okay? Okay na ano? Okay na hindi na niya ako ihahatid sundo o okay na hindi na siya lalapit sa akin dahil hindi kami bagay?

Hindi ko alam ang dapat maramdaman ko, may parte sa akin na ayos ang ginawa niya dahil totoo naman ang mga sinabi ko na kahit kailan ay hindi kami magiging pwede at bagay sa isa't isa, pero ang bigat ng damdamin ko dahil doon.

Bakit ang unfair ng buhay? Bakit ako mahirap at siya ay mayaman? Bakit hindi pwede ang mahirap sa mayaman? Kung ganoon, paano kami magiging bagay? Dahil gagawin ko iyon kung paano.

My heart is aching. Huminga ako ng malalim at tumulala sa mga estudyanteng naglalaro ng volleyball, kakatapos lang ng aming klase at niyaya ako ni Myla manuod ng kanyang laro ngayon.

She's playing with her teammates, hindi ko maintindihan ang kanilang laro kung sino ba ang lamang sa score o matatalo.

Cali's been in my head, natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi na talaga siya magpakita sa akin. Na baka talagang iniwasan na niya ako sa ganoong nasabi ko.

"Hi, Shell!" binati ako ni Ran.

Kasama niya ang mga kaibigan at kapwa pawisan dahil sa paglalaro ng soccer sa matirik na araw. Lumapit si Ran sa akin at nakiupo sa tabi ko, napailing ang mga kasama niya at kumaway na lamang para magpaalam.

"Kumusta, Shell?" he chuckled while looking at the girls playing volleyball, lumipat rin ang kanyang tingin sa aking mukha ngayon.

Ran is a known playboy here in our school since highschool, maraming nagkakagusto sa kanya dahil na rin sa gwapong mukha at may kaya rin ang pamilya. Pero kahit naman siguro kapantay lang namin siya ay gugustuhin talaga siya ng mga kababaihan dito.

He's a soccer star player of Los Santa, bukod sa magaling siyang maglaro ay approachable pa sa mga nagkakagusto sa kanya. Hindi niya iniiwasan ang mga iyon at kinakaibigan pa.

I don't know if that's flirting or what. I mean, you can't be friends with someone you like pero ang mga nagkakagusto sa kanya ay kinakaibigan niya kaya umaasa ang mga iyon.

Kababata rin namin siya nila Myla. Gustong-gusto siya ni Myla noon pa man hanggang ngayon pero hindi siya nito napapansin.

"Ayos lang naman, Ran. Ikaw?" I chuckled.

Ngumuso siya at piniling ang kanyang ulo, mukhang may iniisip na ayaw sabihin sa akin habang nakatitig.

"Himala at hindi ka na nilalapitan ni Bentong, ah?" biglang puna niya.

Ngumisi ako ng pilit. Naalala ko ang mga sinabi ni Bentong, simula nang hindi na ako sinusundo ni Cali ay tumahimik nga ang bulungan rito. Pakiramdam ko naman ay pinagsawaan ako, iyon ang tingin nila kaya wala na silang Cali na nakikita.

"Baka nagsawa na." pagak na tawa ko.

Kumunot ang noo niya, pinahinga niya ang kanyang braso sa kahoy na mesang nasa harapan namin at tinuko ang kanyang sentido sa kamao habang nangunguso.

"Ikaw, pagsasawaang ligawan? I don't think so, Shell." mariin niyang sinabi, naroon ang paglalaro.

I laughed. "Hindi naman ako nililigawan ni Bentong."

"Huh? Ano ba ang panliligaw sa'yo, Shell? Iyon bang may mga bulaklak at tsokolate? Hindi ba obvious ang panliligaw ni Benie sayo?" tumawa siya.

I pouted and sighed.

Isla Verde #4: Too Far AwayWhere stories live. Discover now