Kabanata 31

72.9K 2.8K 515
                                    


Kabanata 31

Isinantabi ko ang nararamdamang kirot sa dibdib, tinuon ko ang tingin sa labas ng bintana. Katahimikan ang namumuno sa aming dalawa buong byahe, kung minsan ay nagtatanong siya tungkol sa trabaho pero nawawala rin iyon dahil sa pagiging tipid kong sumagot.

Ayaw ko mang ipahalata ang nararamdaman ko ay kusa namang lumalabas ito, masyadong masakit ang mga sinabi ni Allison. Lalo pa iyong engaged silang dalawa, what does he think of me?

Engaged na pala siya, bakit narito siya sa harapan ko at nagpapakitang masaya kapag kasama ako? Ginagawa niya akong malandi sa mata ni Allison, ganoon ba?

Naguguluhan ako at nasasaktan. Saan ba ako pupulutin pagtapos nito? May plano ba sila ni Allison mamaya sa akin? Katulad ko ba'y naghihiganti lang siya sa pang-iiwan ko noon sa kanya?

Bumuntong hininga ako ng pasimple. I felt him held my hand kaya naman napatingin ako sa kanya, diretso ang tingin sa kalsada pero abala ang isang kamay sa paghawak sa akin.

"What's wrong?" he asked, pagilid siyang sumulyap sa akin.

Umawang ang labi ko pero agad ding sinara at ngumiti sa kanya, I shook my head and filled the spaces of his fingers with mine. It is comforting me.

Sana ay huwag ko munang maisip ang mga sinabi ni Allison kanina. Malayo ako sa pagiging pokpok na babae, hindi ako ganoon pero kung totoo man na sila pa ni Allison ay hindi iyon imposible. I can call myself pokpok.

"Wala, Cali."

"You nervous?" he mumbled.

Umiling lang ako.

Hindi ko mapigilan ang mag-isip ng malayo, nagtataka ako sa mga kinikilos ni Cali pagdating sa akin. Naguguluhan ako kung bakit hindi man lang siya nagtataka na magkakilala kami ng ina niya, ganoon din ni Anthon.

Hindi siya nagtanong miski kailan kung ano ang meron sa pagitan namin, hindi ko alam kung bakit ganoon? Ayaw ko siyang magtanong dahil hindi ko rin naman masasagot pero kapag naiisip ko ang mga bagay na iyon ay lalo lang akong naguguluhan.

Kahit sino ay magtatanong sa ganoong lagay, pero siya ay hindi. I don't know if I would believe what he said, na hindi niya kailangan ng lahat kundi ako lang. Kundi ang mabalik lang sa amin ang nakaraan.

Kundi ang bumalik ako sa kanya...

Damn it.

Cali, you are driving me crazy. Hindi ko maisip ang lahat, hindi ako makapag-isip ng tama. Hindi ako makapaniwala kung ano talaga.

Hindi kaya siya ang may plano sa akin? Hindi kaya siya ang mananakit sa akin simula sa araw na ito?

Think straight, Ashiel. Hindi pwede ito. Kung paglalaruan ka niya ay makipaglaro ka, no need to be hurt. Narito na tayo, hindi na pwedeng bumack out pa.

Sumikip ang dibdib ko sa mga naisip. I know I still love him, despite of what happened between his mother and I. Ganoon pa rin ang pagmamahal ko, hindi ko alam kung nabawasan nga ba.

Kinamuhian ko ang pamilyang meron siya pero hindi siya. Nag-iisa lang siya, maaring namuhi ako dala lang iyon ng pamilyang kinabibilangan niya. Tama ba iyon?

Mahal ko siya kahit na siya ang dahilan ng lahat? Una sa lahat, hindi gagawin ng ina niya iyon kundi dahil sa paglapit niya sa akin. Pangalawa, si Allison. Hindi rin niya iyon gagawin kundi dahil sa pagiging malapit namin ni Cali.

Isla Verde #4: Too Far AwayWhere stories live. Discover now