Kabanata 16

60K 2.3K 289
                                    


Kabanata 16


Five words... and it's breaking me.

Stay away from my son, mother of Cali's voice echoed my ear.

Layuan mo ang anak ko, again... it's breaking me. Sa tagalog o sa ingles, limang salita na sobrang sakit ng epekto sa akin.

Bakit kaya ganoon ang mayayaman? Bakit hindi pwede maging masaya ang mahirap sa kanila na wala naman ibang intensyon? Totoong gusto ko si Cali, hindi ko iyon ipagkakaila.

Wala akong pakealam kung mayaman pa siya o hindi. I simply like him, his attitude, the air when he's around, everything about him. His smile and laugh, his dark and mysterious eyes while looking at the blue.

Kapag kasama ko siya hindi ko maramdaman na magkaiba kami, na mataas siya at mababa lang ako dahil hindi siya ganoong klase ng tao. Bakit kung kailang masaya ka ay 'tsaka ka lulungkot? Pwede pala iyon?

Binato ko ang papel na nakalukot, makalat na ang kwarto ko dahil sa mga papel na lukot roon. Hindi ako makapagconcentrate sa aking design na ginagawa para sa project.

Paulit-ulit na lumilipad sa aking isip ang lahat ng sinabi ng ina ni Cali, ang mga insultong sinabi ni Allison at ang pagpapalayo nila sa akin kay Cali.

Bakit ako? Hindi ko matanggap na lalayuan ko si Cali. Mas matatanggap ko pa kung si Cali ang pagsabihan nila na layuan ako, tatanggapin ko iyon ng buo dahil siya ang lumayo.

Masakit man, pero pag siya na ang lumayo ay wala na akong magagawa.

Tumulo ang mga luha sa pisngi ko, muli kong nilukot ang papel na walang kwenta kong disenyo. Bumukas ang pintuan, umayos agad ako at pinalis ng pasimple ang luha.

Jella entered my room. Kahit kailan ay hindi pumasok si Jella sa kwarto ko dahil ayaw niya at marumi daw, kaya sorpresa ito para sa akin.

Wearing her serious face, she looked at me and the scratch papers in my bed. Huminga ako ng napakalalim at tumingin lang sa kanya.

May sasabihin ba siya?

She sighed.

"Sabi ni Mama ay huwag na paratingin ang nangyari kila Nanay at Tatay, alam mo naman ang sakit ni Nanay lalo na kapag tungkol sa'yo." seryoso niyang sinabi.

Sinara niya ang pintuan sa likuran at tumuloy pa sa harapan ng kama ko. Kinabahan agad ako.

Alam ko naman iyon, gusto ko ring hilingin kay Tita iyon kahapon pero dahil hindi siya nagsalita at si Jella tungkol sa nangyari kahapon nang makauwi sila Nanay ay hindi na ako nagsalita at napanatag na ang loob ko dahil doon.

Hangga't maaari ay ayaw kong mag-alala sila sa akin, hindi naman sila iyong tipo ng tao na papalayuin ako kay Cali pero hindi maiiwasan na mag-alala sila sa akin dahil doon.

Tumango ako. "Opo, Ate."

Kumunot ang noo niya at tinitigan ang aking mukha. Kinuha niya ang isang papel na nasa paanan niya at binuklat iyon, huminga siya ng malalim nang makita.

"Huwag mong isipin ang mga 'yon, Ashiel. Mag-aral ka at magfocus sa ginagawa mo, hindi sila ang bumubuhay sa'yo kaya hindi mo dapat pinapapansin. Kung pwede din ay sabihin mo kay Cali para magkalinawan kayong dalawa."

Tumango lang ako.

"Salamat."

Hindi ko sasabihin kay Cali iyon, hindi pwede. Ayaw kong makagulo pa sa kanilang pamilya, pero hindi ko rin siya iiwasan sa ngayon. Kahit huling beses lang...

Kahit isang beses na lang ulit, sana mapagbigyan akong makasama siya. Natatakot ako, oo, lalo na sa banta ng kanyang Mama pero isang beses lang naman ang hiling ko. Huling beses lang, isang araw, buong oras.

Isla Verde #4: Too Far AwayWhere stories live. Discover now