Kabanata 15

69.2K 2.4K 2.3K
                                    


Kabanata 15


Kulay kahel ang kalangitan nang marating namin ang tuktok, naghahati ang kahel at kadiliman. Naisip ko tuloy na baka umulan ngayon, magiging maputik dito at wala kaming mapupwestuhang iba pa.

Kung sakaling umulan ay hindi din kami makakapaglatag ng hihigaan sa lupa. Shit. Paano na iyan? Sana naman huwag.

Todo ang pagkamangha namin nang makaakyat sa itaas,  sobrang dungis din ng aming mga paa dahil sa malupang dinaanan. Ang iba'y nangangati pa kagaya ni Myla na mukhang sensitibo ang balat, maraming insekto ang kalat dito. Hindi maiiwasan ang ganoong mangyari.

Pinasadahan ko ng tingin ang kalangitan, kitang-kita mula rito ang iilang tuktok ng bundok na kaharap. Aakalain mong malapit pero malayo ang mga iyon, the place is foggy, too. Sobrang ganda dito at nakakarelax ang tanawin na tila maaabot mo ang matataas na bagay o lumampas pa.

I wonder how to be this high in life. Iyong kaya mong abutin ang lahat ng matataas at kapantay mo ang ibang matataas. Sa buhay ba ay pwede ko itong maramdaman? O hanggang dito na lang ako mataas?

But then, I know I'm studying hard for my future. For my family's future, Nanay and Tatay. They are my priority when I graduate college and have work, pinag-iisipan ko pa kung saan ako pwedeng magtrabaho kung sakali.

I want abroad, but it's sad. Kaya sisikapin ko ring makahanap ng magandang pasahod sa kurso ko dito sa Pinas lang. Hangga't maaari ay ayaw ko ng lumayo sa pamilya ko. Nanay and Tatay are old, gusto kong maalagaan sila habang ako'y kumikita.

Gusto ko pang maibigay sa kanila ang pag-aalaga at pag-aaruga ko sa kanila. Iyong ipapamili ko sila ng mga gusto nila, papakainin ng masarap, mamamasyal sa ibang bansa kasama sila.

Konti nalang, Ashiel. Dalawang taon na lang, madali na iyon dahil nakatapos ka na ng dalawang taon, kakayanin mo na ang susunod pa.

Nang magdilim ng tuluyan ay nag bonfire sila Ian at Fred, tumulong sila Ran sa paghahanap ng mga kahoy para doon. Ang mga pagkain naming natira kanina ay iyon ang kakainin ngayong gabi, bukas ng umaga ay hindi ko pa alam ang kanilang plano.

Kung magtatagal ba o umaga ay aalis na rin para makababa ng bundok. Niyakap ko ang aking mga tuhod at tinuko ang aking baba doon habang pinapanuod ang apoy sa harapan.

Nagtatawanan sila Dixie dahil sa pinag-uusapang senior sa Los Santa, nagawi rin iyon sa mga estudyante ng La Riva. Hindi ko makilala ang mga pinag-uusapan nila dahil wala akong alam roon. Umikot ang buhay ko sa La Santa, e.

"Iyong star player nila dati si Asthreya. Modelo na ngayon sa Maynila at doon nagtapos ng Business dahil lang sa nakuha siyang volleyball player." si Dixie, nanamangha sa sinabi.

"Oo nadinig ko na 'yan, noon naman ay sikat na siya sa La Verde dahil sa galing mag volleyball. Inoffer-ran daw ng isang sikat na unibersidad sa Maynila." sabi ni Myla.

"Mas ahead ba sa atin? Mga ilang taon? 'Di ko pa nadinig ang pangalang 'yan." tanong ni Fred.

"Bago ka lang kasi!" halakhak ni Tina. "Mas ahead talaga 'yon, 24 na siya ngayon at balita ko'y may anak na."

Ngumuso lang ako, wala akong magawa kundi ang makinig. Iyong cellphone ni Cali ay walang signal dito kaya hindi din kami makakapag-usap at kahit text.

"May anak na?" Myla exclaimed. "Ay, tanga! Oo nga pala, ang asawa niya 'yong sikat na modelo dati!"

"Zoriel Follosco!" kinikilig at sabay na sambit ng iba.

Hindi ko talaga kilala ang mga nababanggit nila, bukod sa hindi ako palanuod ng telebisyon ay abala ako sa pag-aaral at pagtulong sa bahay.

Isla Verde #4: Too Far AwayWhere stories live. Discover now