Kabanata 12

65.6K 2.6K 895
                                    


Kabanata 12


"Sabi ni Bronson ay 'di ka nagseseryoso sa babae at meron kang babaeng pinagkakaabalahan rito. You're busy with your needs," I said shyly.

Hindi ko talaga matanggap ang nadinig kong iyon, pakiramdam ko ay magpupuyos ako sa galit dahil doon. Naiinis ako na baka nagpaikot ako kay Cali sa sandaling buwang nagkakasama kami.

Kung may iba man siya ay hindi niya dapat ako paikutin, doon nalang siya sa babaeng pinagkakaabalahan niya.

Hindi tama iyon, lalo na sa akin na madaling mapaikot. Inaamin ko iyon, Cali is nothing but a good and gentleman man to me. I find him sweet and easy to be with. Everytime I'm with him feels fair, kahit pa mayaman siya at malayo kami.

Suminghap siya, hinapit niya agad ang aking balakang para mailapit sa kanya. Kinulong niya ako sa gitna ng kanyang mga binti habang nakahawak sa magkabilang balakang ko at tinitigan ako.

Ngumuso lang ako miski kabado sa aming posisyon.

"Bronson is an asshole. Hindi niya alam na ikaw ang pinagkakaabalahan ko rito at 'di dapat siya nagsalita ng ganoon sa harapan mo." he whispered.

Namilog ang mga mata ko sa kanya.

"Ako?"

My heart is racing. Hindi ako makapaniwala at parang hindi kapani-paniwala iyon! Pero kapag naiisip ko na kami ang magkasama sa buong maghapon ay maaring totoo.

Damn, bakit kapag sa iba ko nadidinig iyon ay hindi ko maisip na kami ang magkasama ni Cali at bakit ko naiisipang may iba siyang babae, gayong ako ang hinahatid-sundo niya.

But then, who knows when I was in school, right? Paano kung may iba siya kapag hinahatid niya ako ay doon siya diretso?

His brow shot up. "Sino ba ang kasama ko sa araw-araw? Sino ang hinahatid-sundo ko at kasama buong maghapon?"

I knew it! He used it!

Napasinghap ako.

"Pero hindi naman kita nakikita oras-oras, hindi naman tayo magkasama sa araw-araw."

Which is true, paano kapag hindi kami magkasama? Paano kapag nasa Maynila o ibang lugar siya? Hindi naman siya nasa paningin ko bawat oras. He could do anything whenever I'm not around.

He groaned softly, natawa siya at napakamot ng bahagya sa kanyang makapal na kilay. Tinulak niya pa ako palapit sa kanya, pinagsiklop ang kanyang dalawang kamay sa aking likuran para maikulong ako.

"We can change phones," he chuckled.

Napangiwi agad ako at umiling.

Wala naman akong cellphone dahil hindi importante iyon para sa akin... noon. Ngayon ay parang kailangan ko nga, sakto kaya ang ipon ko roon? Magkano ba ang cellphone? Kailangan kong magtanong kay Myla.

"Wala akong cellphone, pero bibili ako dahil may naipon naman ako." ngumuso ako.

Ni hindi nga ako marunong gumamit noon, si Myla ay may cellphone pero hindi ko naman naitanong kung paano iyon gamitin dahil wala akong interes sa mga ganoong bagay.

Isla Verde #4: Too Far AwayWhere stories live. Discover now