Kabanata 33

75.7K 2.5K 443
                                    


Kabanata 33

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone sa bedside table, huminga ako ng malalim at napangiti. Maingat kong kinuha ang cellphone, Cali was sleeping soundly while embracing me. Ang kanyang mga braso at hita na mabigat ay nasa aking katawan nakapalupot.

Sinagot ko ang tawag ni Rekta.

"Good morning, where are you?" malamig niyang bungad.

Kumunot agad ang noo ko at nilingon si Cali, himbing pa rin siya at parang hindi magigising kahit maglikot pa ako.

"Andito ako sa apartment mo," he stated when I didn't respond.

Napasinghap ako, gustuhin ko man mapaupo ay hindi ko magawa dahil sa takot na magising si Cali. Alas tres ng madaling araw na kaming nagpasyang matulog, naglakad-lakad pa kami sa ibaba para magpahangin.

"What?" I hissed. "Hindi mo sinabi na ganito kaaga ang dating mo-"

He cut me off. "Hindi mo sinabi na hindi ka umuuwi ng apartment mo."

"Ano? Ngayon lang! Uuwi din ako, I'm sorry. Hindi kita nasundo."

What the heck? Hindi ko alam na ganitong oras ay narito na siya sa Maynila. Alas singko pa lang at dalawang oras pa lang ang tulog ko, and why did he get in my apartment first?

May condo naman siyang sarili at mas maganda kung doon siya makakapagpahinga, wala namang aircon sa bahay. Maiinitan pa siya roon. Oh my gosh, I miss Rekta but this is not the right time.

Tulog si Cali at ayaw ko siyang magising ng ganito kaaga, dalawang oras palang ang tulog niya.

"As if you have a car, tss. Nasaan ka nga?" iritado niyang tanong. "Iniiba mo ang usapan. Saan ka nakitulog ngayon? Kay Kellie? Pola?"

Suminghap ako at kinagat ang aking ibabang labi, Cali moved a bit. Naalarma agad ako, hindi naman siya nagising pero lalong sumiksik sa aking leeg. I gently caressed his hair, I pouted.

"Mamaya na tayo mag-usap, Rekta. Uuwi ako ng alas otso, I promise! Inaantok pa kasi ako. Magpahinga ka muna diyan, I'll get you something to eat later. Okay?"

He sighed heavily. Napahinga din ako ng malalim dahil sa guilt, hindi ko man lang siya mapuntahan ngayon. I should be making him milk or something for breakfast now.

"I miss you..." he said. "Makikitulog muna ako rito, ah? I'll wait you. Take care."

Napatango ako nang maibaba na niya ang tawag. Binalutan din ako ng kaba dahil baka makita siya ni Cali roon, hindi ko naman mapipilit ito na huwag akong ihatid.

I'll try... later. Sana pumayag. Kailangan ko rin munang pagkasunduin sila ni Rekta, hindi naman pwede na magkaalitan silang dalawa.

I need to talk to Rekta, ayaw ko na rin magsinungaling pa sa kanya tungkol kay Em. Hindi na kinakaya ng konsensya ko, pero ilang taon ko na nga bang naitago iyon at bakit ngayon lang ako nakonsensya?

Am I that selfish? Naging selfish ba ako ng ganoon katagal sa kagustuhang hindi mawala si Rekta sa tabi ko? Dahil alam ko na mawawala siya sa tabi ko oras na mahanap niya si Embry kaya natiis ko rin na huwag sabihin ang lahat.

What the hell... I cannot believe it.

My heart hurt. Naalala ko ang mga taon na magkasama kaming dalawa pero walang oras na naisip kong ipaalam sa kanya ang lahat-lahat ng iyon dahil naging selfish ako. Dahil gusto kong nasa tabi ko lang siya.

I'm sorry, Rekta.

Ang sama ko para magawa ang ganoon, pero si Embry naman ang humiling noon. I respected her decision, nagsabi siya sa akin ng sikreto kaya dapat kong itago, 'di ba?

Isla Verde #4: Too Far AwayΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα