Chapter 16: Overnight

10.8K 551 114
                                    

Dalawang klase ng reaksyon ang kadalasang makikita sa mga bisita matapos nilang ma-experience ang Torture Chamber

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dalawang klase ng reaksyon ang kadalasang makikita sa mga bisita matapos nilang ma-experience ang Torture Chamber. Either sila ay natulala o sila ay nasusuka. Madaling basahin ang nasusuka sapagka't ang effect sa kanila ay immediate. Gusto nilang lumuwal. Period. Ang natulala naman ay parang delayed reaction. Na in-denial pa sila sa kanilang nakita. Parang lasing lang. Ang nasuka na at ang kumakapit pa sa bote.

Ang dalawang babaeng college students ay napasuka sa kanilang barf bags. Ang isang lalaki ay nahiga sa loob ng Starex, pero sandali lang ay nasuka na rin. Ang dalawang natira ay tulala at napayosi nang sunod-sunod. Malakas naman ang resistensya ng mag-asawa at hindi sila nasuka, pero nauwi sila sa matinding away. Nagkataon na dalawang buwan na palang buntis si misis at sinisisi si mister na kung bakit pa sila nagpunta sa Bahay na Bato. Tuloy, baka raw mapaglihian niya ang nakita.

Sina Jules, Hannah at Hepe nama'y mga naka-survive na intact ang mga kinain nila.

Matapos umuwi ng mga bisita'y maagang nagsara ang Bahay na Bato para maaga ring makapagset-up sina Jules at Hannah ng kanilang mga equipment. Nagpaalam na umuwi si Mayor para raw kunin ang kanyang mga gamit at babalik din daw agad. Sumama sa kanya si Karen para tulungan siya. Tinulungan naman nina Hepe at P02 Paterno na i-set up ang mga equipment ni Jules. Sa living room sa first floor nila sinet-up ang laptop kung saan imo-monitor ang bahay sa pamamagitan ng wireless cameras na inilagay nila sa mga kuwarto at hallway ng bahay. Lalo na sa Dead Room, kung saan ayon kay Hannah, ay ipinanganak si Berta. Doon pinakamalakas ang vibrations niya. Naglagay din sila sa basement, sa Torture Room dahil malakas naman doon ang signal mula sa EMF o Electro Magnetic Field detector na pangunahing gadget ni Jules. Malapit nang dumilim kaya't binilisan nila ang pagse-set-up. Alas-otso na sila natapos at sa maliit na mesa sa kusina sila'y naupo para kumain ng hapunan na lechon manok, liempo, rice at softdrinks na pinabili ni Hepe kay P02 Paterno sa bayan. Ang ipinambayad ay of course, mula sa funds na ibinigay ni Bishop Israel. Bukod sa dalawang pulis at sina Jules at Hannah, ang naroon pa'y ang security guard sa gate na kanilang niyayang kumain pero kumain na raw ito habang sila'y abala sa loob. Malamang na siya'y nahihiya lang.

"O Paterno, kanin pa," alok ni Hepe.

Walang tangging kinuha ni Paterno ang balot ng rice. Nagutom lang.

"Salamat, sir!"

Average height lang si P02 Paterno, bata pa sa kanyang mid-20s. Pamilyado. Mabait ang kanyang mukha hindi tulad ni SP04 Rosales, at medyo bilugin ang katawan, malalaki ang kanyang mga bisig, may tiyan dahil isang manginginom. Matakaw. Most of all, may kadaldalan.

"Ma'm, kelan n'yo nalaman na me kakaibang powers pala kayo?" tanong ni Paterno kay Hannah habang hawak ang piraso ng manok na kanyang isusubo. Bumili rin sila ng paper plates, plastic spoon and forks, at plastic cups. Meron naman sa kusina ng Bahay na Bato pero mas okay daw na wala na silang huhugasan.

"Wow. Powers talaga?" tawa ni Hannah habang tinitinidor ang kanyang liempo.

"Superpowers," hirit ni Jules.

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon