Chapter 28: Sa Mental Hospital

9.7K 557 119
                                    

Ang bayan ng Oram ang pangunahing bagsakan ng Dinagatan ng kanilang mga isda, kaya rito maraming kainan na nagse-serve ng seafood

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang bayan ng Oram ang pangunahing bagsakan ng Dinagatan ng kanilang mga isda, kaya rito maraming kainan na nagse-serve ng seafood. Nakahanap sila ng magandang restaurant makalampas lamang ng boundary at doon nananghalian ng inihaw na tuna belly, sinigang na hipon at fried hito. Basa pa ang kalsada sa ulan at may malamig na simoy ng hangin. Matapos kumain ay nagtungo na sila sa Oram Mental Rehabilitation Center.

"Shit!" malakas na sabi ni Jules pagbaba nila ng sasakyan.

"Bakit?" tanong ni Hannah.

"Naiwan ko yung hard case sa van," sabi ni Jules. Hard case na laman ang mga gadgets niya.

"Fuck," sabi ni Hannah. "Sa lahat naman ng maiiwan mo 'yun pa."

Matapos na ayaw umi-start ng Hi-ace at lumipat sila sa Pajero, nawala sa isip ni Jules na kunin ang hard case kung nasaan ang mga devices na gagamitin niya para i-record si Ester. Blame the devil na lang, sabi ni Jules. Lumakad sila tungo sa ospital habang naiwan sa parking sina SP04 Rosales at Manong Driver.

Sa opisina ng Direktora ng ospital, nagpakilala sila at ipinaliwanag ang kanilang sadya. May agam-agam ang may katabaan at 50-something na babaeng direktora bagama't may liham si Kanor na pinapayagan silang bisitahin si Ester. Ayon kay Direktora'y out of procedure ito. Pero, nang ipakita ni Father Markus ang sulat naman mula sa simbahan ay wala na siyang nagawa kundi umoo. Nagkataon na ang Oram Mental Rehabilitation Center ay funded ng simbahang Katoliko.

Sinundan nila si Direktora tungo sa kuwarto ng mga pasyente. Sa hallway, may biglang matandang payat na pasyente ang lumapit kay Jules at humawak sa magkabilang braso niya, at sinabi:

"Malapit nang dumating ang Panginoon! Nakasakay siya sa bulalakaw!" ang bibig ng lalaki'y may malapot na laway.

Nakita ito ni Direktora at sinabihan ang matandang pasyente.

"Zeke! Lubayan mo siya!"

Marahan at nandidiri siyang tinaboy palayo ni Jules. "Narinig mo si ma'm...."

Bumitaw si Zeke pero hindi inaalis ang titig nito sa kanya.

Tumawa si Hannah.

"Friend mo?"

"Shut up, Hannah."

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Nadaanan nila ang isang Day Room kung saan naroon ang mga mental patients at may mga activities na ginagawa tulad ng panonood ng TV, pagbabasa at paglalaro ng baraha.

"Kumusta naman si Ester?" tanong ni Father Markus habang sila'y naglalakad.

"Marami ng klase ng psychotherapy ang ginawa namin, so far may improvement naman since the time na na-admit siya eight months ago," wika ni Direktora. "But, she is far from being cured. May bouts pa siya with depression and suffers from memory loss."

Huminto sila sa isang kuwarto na may bintana sa pintuan at nang sumilip sila'y naroon si Ester, nakasuot ng kulay puti na damit ospital at nagbabasa ng bibliya.

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon