Chapter 32: God on My Side

8.6K 481 24
                                    

Malakas ang agos ng gripo ng CR habang naghihilamos ng mukha si Father Markus sa lababo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Malakas ang agos ng gripo ng CR habang naghihilamos ng mukha si Father Markus sa lababo. May sabon sa kanyang tabi. Nahubad na niyang kanyang kulay puting sutana at purple na stole na siya namang nilalabahan ni Brother Paul sa kabilang lababo gamit ang detergent. Maya-maya'y may kumatok, bumukas ang pintuan at sumilip si Wendell.

"Father, heto daw po ang towel," sabi ng binata at inabot ang dala sa pari.

"Salamat, Wendell."

Nagpunas ng mukha si Father Markus.

"O-okay na kayo, Father?" tanong ni Wendell. Napatingin si Brother Paul, inaantay ang magiging kasagutan ng pari.

Hindi agad nakasagot si Father Markus. Maging siya ay gusto ring itanong iyon sa sarili. Kung okay nga ba siya. Kung okay pa ba siya. Kung kaya pa ba niya. Tumingin siya kay Wendell mula sa salamin at tumango lamang. Tumango rin ang binata pagkatapos ay lumabas. Nagpatuloy si Brother Paul sa paghuhugas ng stole, na nag-iisa lang na dala ni Father Markus kaya't paspas niya itong nililinis.

Naramdaman ni Father Markus ang tingin na binigay ng dalawa sa kanya. Naisip niya, sila ba'y nagdududa kung magtatagumpay pa ang exorcism? Ang pagdududang ito'y magpapahina lang sa kanila. Hindi dapat manaig ang pagdududa kung nais nilang magtagumpay sa dimonyo. Nguni't hindi lang si Wendell o si Brother Paul, sa labas, dinig naman ang pagtatalo ng iba.

Sa sala ng Bahay na Bato ay may nagaganap na diskusyon. Pasado-alas nuebe sa orasan, nag-distribute si Manong Guard ng mga kape sa styro, at naghain si Karen ng mga minicrowave na sandwiches.

"Bad idea siya from the start pa lang," bitaw na pananalita ni Hannah. "First hierarchy na demon at nilagay natin siya sa kanyang puder. Jules, what were you thinking?!"

"Pero, may advantage tayo. Alam natin ang pangalan niya!" utal na depensa ni Jules habang in-adjust ang salamin niya sa mata.

"Obviously, hindi enough na alam natin ang pangalan ng demon," pagback-up ni Karen kay Hannah.

Si Mayor naman ay nasa side ni Jules.

"Look, people, kailangan lang nating lakasan pa ang loob natin. We don't give up easily!" sabi niya at bumaling kay Hepe. "'Di ba, Hepe?"

"Well...ah..."

Neutral si Hepe dahil ugali niyang hindi pumanig nang basta-basta. Kaya wala siyang tiyak na stand. Sina SP04 Rosales at P02 Paterno sa kanyang tabi ay tahimik lang din, tinatagong kanilang mga opinyon at humigop na lang ng mainit na kape.

"Delikado ito, Jules," serious na sabi ni Hannah.

"'Malakas ang demon dahil nand'yan ang portal, baka pati tayo madamay," pangamba ni Karen.

Uminit ulo ni Mayor, lalo na't hindi pa sila tugma ng opinsyon ni Karen. "Gusto mong mag-give up na lang tayo?" aniya sa kanya. Mukhang nanganganib ang Bali.

Nang marinig iyon ay lumapit sina Kanor at Wendell.

"Ititigil nyo ang exorcism?" tanong ni Kanor.

"Paano si Berta?" dugtong ni Wendell.

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseWhere stories live. Discover now