Chapter X

9.1K 508 47
                                    

Nagpapagas ang Hi-ace sa gasolinahan sa may provincial highway

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagpapagas ang Hi-ace sa gasolinahan sa may provincial highway. Makulimlim ang kalangitan sa makakapal na ulap at may masarap na simoy ng hangin. Pauwi na sila ng Manila galing Quezon Province.

"Boss, full tank," sabi ni Hannah sa gas attendant.

Tumango ang gas boy at kinargahan sila ng gas. May dalawa pang sasakyan ang naroon na nagpapagas, isang jeepney na may kargang mga saging at isang tricycle.

Humikab si Jules na nasa tabi ni Hannah, si Father Markus sa likuran ay nakasandal na at nakapikit.

"Jules, magkano pala kinita natin?" tanong ni Hannah.

"Let me see," sabi ni Jules at kinuha ang sobre na maraming laman na pera. "Well, well, well. Bukod sa malaki natipid natin dahil kay Mayor, sinagot pa niya 'yung kalabaw."

"Yes!" masayang sigaw ni Hannah.

"Baka gusto n'yong i-donate sa parokya ko," sabi ni Father Markus mula sa likuran without opening his eyes.

"'Wag ka nga, father," sabi ni Hannah. "Pinaghirapan kaya natin ito tapos iaabuloy lang?"

Natawa ang pari.

Matapos magpagas ay lumarga na muli sila.

Ilang sandali lang ay nagsipagtulugan na ang mga sakay ni Hannah. Wala namang angal si Hannah na tulugan siya nina Jules at Father Markus pagka't nage-enjoy siya sa pagmamaneho. Napangiti siya't dinampot ang kaha ng Marlboro Reds sa dashboard, nagsindi ng yosi at binuksan ang bintana. Humithit siya nang malalim at bumuga ng usok. Trip niya ang mga long drives papunta at pabalik ng malalayong probinsiya. Ang tanawin ng walang hangganang daan ay isang inspirasyon.

And speaking of inspirasyon, napansin niya na kulang sa sounds. Inabot niya ang glove compartment at binuksan, ingat na hindi magising si Jules na nakasandal sa upuan. Nadakma niya ang isang CD at tinignan ito nang may pagtataka pagka't hindi kanya ito. At hindi rin niya mabasa ang nasa cover dahil kupas na.

Pinasok ni Hannah ang CD sa car stereo.

At ang tugtog na bumulaga sa kanya ay walang iba kundi si Jamie Rivera.

Napanganga si Hannah.

"What the fuck?!"


Copyright © 2017 All rights reserved.


PAKINGGAN ANG RADIO DRAMATIZATION SA HILAKBOT TV SA YOU TUBE!!

https://youtu.be/WWD9fqz88nw?si=XLPdniKQ4neDxx4O

be/WWD9fqz88nw?si=XLPdniKQ4neDxx4O

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseWhere stories live. Discover now