Chapter 34: Sa Dagat ng Impiyerno

9.3K 496 48
                                    

Parang bumagal ang oras kay Father Markus

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Parang bumagal ang oras kay Father Markus.

Sa bawat kataga na kanyang binibitawan ay tila nanunuyo ang dila niya.

God of heaven and earth, God of the angels and archangels...

Sa bawat linya ng banal na salita ay para bang nalulunod ang boses niya.

God of the prophets and apostles, God of the martyrs and virgins...

Sa bawat talsik ng holy water na kanyang binabato ay tila bumibigat ang mga kamay niya.

Creator of heaven and earth, who are truly King, whose kingdom is without end...

Nararamdaman ni Father Markus ang panghihina. Ang pagod. Ang hirap na dinudulot ng exorcism na ito sa kanyang katawan. Ngayon lang niya naranasan ito. Napahinto siya sa ritwal. Hinihingal. May patak ng malamig na pawis sa kanyang noo. Napatukod siya sa kama kung saan nakagapos si Berta.

"Father, okay ka lang?" paglapit ni Brother Paul.

"Oo nga, father, okay ka lang?" kutya naman ng dimonyo.

Sa paligid, naroon sina Jules, Hannah, Karen, Kanor at Wendell na nakatingin na may pag-aalala. Kita nila ang pagod sa mukha ng pari, sa napapapikit niyang mga mata, sa ilang beses na muntik siyang matutumba. Pinipilit ng pari kahit wala na siyang lakas, anila sa sarili. Nangangamba sila para kay Father Markus.

Tumango ang pari kay Brother Paul. Senyas na kaya pa niya.

"Suko na, father?" ngiti ng dimonyo.

Tinignan ni Father Markus nang matalim ang dimonyo at kumuha ng lakas para ipagpatuloy ang ritwal.

I entreat your glorious majesty to deliver this servant of yours from this unclean spirit! Through Christ our Lord.

Amen. Sagot ng lahat.

Tinutok ni Father Markus ang krus niya sa bata at buong lakas na sinigaw:

Berith! Berith!

Nang madinig ng bata ang pangalan ay napahiyaw ito.

"Anong pangalan mo?!" sigaw ng pari. "Sabihin mo'ng pangalan mo!"

Nilapat niya ang krus sa noo ng bata.

"Sa ngalan ng Panginoong Ama, Anak at Espiritu Santo, sabihin mong pangalan mo!"

Naghihiyaw ang dimonyo. Nagpipigil.

"Sa ngalan ng Panginoong Ama, Anak at Espiritu Santo, sabihin mong pangalan mo!"

Lumaban ang dimonyo at nagpakita ng kanyang kapangyarihan. Ang pader ng Dead Room sa likuran ng hospital bed ay bumukas at ipinakita ng dimonyo ang loob ng impiyerno. Nanlaki ang mga mata nilang lahat sa natunghayan. Isang vision ng hell. Kumukulong dagat ng apoy, usok at bato kung saan nasusunog ang mga kaluluwa. Narinig nilang sigaw ng mga makasalanan habang ang hubad nilang mga katawan ay naaagnas nang walang tigil. Eternal suffering.

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseWhere stories live. Discover now