Chapter 29: Kilala Ka Na Namin

10.2K 519 49
                                    

Bumubuhos na naman ang ulan pagbalik nila ng provincial highway

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bumubuhos na naman ang ulan pagbalik nila ng provincial highway. At mas dumilim pa't may halong pagkulog at pagkidlat. Nakabukas na ang mga headlights ng police car at Pajero kahit pasado alas-dos pa lang ng hapon.

In-analyze nila ang mga pangyayari. According kay Hannah, nalaman niya ang pangalan ng dimonyo pagka't sinabi sa kanya ni Ester sa pamamagitan ng Telepathy. Thought Transference. Hindi maipaliwanag ni Hannah kung paano, ang alam lang niya'y minsa'y may mga occurences siya ng telephatic abilities na hindi niya kontrolado. Sabi naman ni Father Markus na maaaring ang matinding pananalig ni Ester ay nakatulong din. Sa ngayon, may kapit pa ang dimonyo sa kanya kaya't hindi siya gumagaling. Ang pag-asa na bumalik si Ester sa tuwid na pag-iisip ay mukhang nakasalalay sa success ng exorcism, na ngayon ay malaki na ang tiyansa na magtagumpay.

Ngayong alam na nila ang pangalan ng demon.

"Berith..." pag-alala ni Hepe. "Eh 'di ba nabanggit n'yo na 'yan dati? Noong una tayong nag-usap sa carinderia?"

"Yun na nga eh," umiiling na sabi ni Jules. "Nasa harap na natin ang kasagutan pero hindi natin nakita!"

"Talagang mapaglinlang ang dimonyo," usal ni Father Markus.

Nasa isang restaurant sila kung saan sila nag-stop over para magmeryenda at magpatila ng ulan. Pancit Lucban na nakahain pa sa dahon ng saging topped with onions, softdrinks at panghimagas na yema at leche puto. Kasama rin nila sina SP04 Rosales at Manong Driver, na sarap na sarap sa pagkain. Maraming tao sa loob ng pancitan, mga pamilya ng mga bakasyunista na huminto rin dahil sa ulan at gutom. Abala ang mga serbidora sa pagkuha ng mga order. Maingay sa loob sa mga nagkukuwentuhan at mga batang naglalaro sa mga upuan. Basa ang sahig at nagkalat ang payong sa paligid.

"Berith or Baal-Berith, God of the Covenant, ay isang first hierarchy demon," inform ni Jules. "According kay Michaelis, siya ay diyos ng murder and blasphemy. Gawain niya ang manghikayat sa mga tao na mag-commit ng suicide."

"Well, that makes sense, right?" sabi ni Mayor.

"Yes," confirm ni Father Markus. "Religious recantation ay isang form ng spiritual suicide."

"According din kay Michaelis," pagtuloy ni Jules habang sumubo ng pancit. "Si Berith ang prince ng mga cherubims. 'Di ko lang sure kung ano ang connection nito."

"O, Cherubims! 'Yung maliliit na may pakpak," pagtaas ng ulo ni Hepe. "Parang si Cupido. Eh, cute ang mga 'yun ah."

"In this case, maliliit na mga dimonyo. Dark Cherubs," sabi ni Jules. "Isa si Berith sa mga active sa demonic possession."

"Bilib din ako sa 'yo, Jules," sabi ni Hepe sa parapsychologist habang sumubo ng pancit. "Alam mong lahat 'yan, at wala ka pang binabasa!"

Nagkatinginan sina Hannah at Father Markus at napangiti. Napansin iyon ni Mayor.

"What?" aniya sa kanila. "May hindi ba kayo sinasabi tungkol kay Jules? May sikreto ba siya? I'm intrigued."

"Sikreto?" Natawa si Hannah. May gustong ihirit pero pinigilan niyang sarili.

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseWhere stories live. Discover now