Prologue

11.2K 144 23
                                    

---

This is a work of fiction. Names, places, characters, events, incidents, living or dead, business establishment and any resemblance to actual persons are either the product of the author's imagination.
If there are any similarities to the names of the characters in my story and the story of another author, I did not mean that. My chosen names just suit the people who play their role here.
I'm not a professional writer so expect the grammatical errors of my story.

Kung hindi niyo magugustuhan ang kuwentong ito, malaya po kayong maghanap ng ibang kuwento.
Hindi ko kayo pinipilit na basahin ang aking ubra, dahil mas gustohin kong kayo mismo ang makakapansin para basahin ang kuwentong pinaghihirapan ko.
Thank you.

Plagiarism Is A Crime.

---

Isang gabi. Isang gabing pagkakamali ang nagawa niya buong buhay.
Ang pagkakamaling iyon ay hindi na maibabalik pa, dahil ang matagal na niyang ini-ingatan ay naangkin na sa taong hindi niya kilala at hindi karapat-dapat sa kanyang pagkatao. Para lang sana 'yon sa taong makakasama niya habam-buhay pero huli na ang lahat.
Ang pangyayari sa gabing iyon ay nag-iwan nang bunga. Bunga na nabuo lang sa isang gabing pagkakamali na hindi niya inaasahan, ni mukha ng lalake o pangalan nito ay hindi niya alam.

Lumipas man ang anim na taon sariwa pa rin sa kanya ang mga pangyayari. Hanggang bumalik siya nang Pilipinas kasama ang mga anak nito, para magbabakasaling makita din niya ang lalaking nakasama niya noon sa iisang kama. Pero isang araw ang hindi niya inaasahan, ang makita ang isang tao na kahawig ng kanyang mga anak. Hindi lang ito basta kahawig, kundi kopyang-kopya pati tindig. Noong una, pinaniwala niya lang ang kanyang sarili na baka kamukha lang ito, dahil dito sa mundong ginagalawan natin ay may pitong tao tayong kamukha na hindi natin inaakalang iisa lang ang mukha na meron tayo.

Hanggang isang araw, nagkapalagayan sila nang loob. Naging magkasundo dahil umamin ito sa kanya kung ano ang tunay na nararamdaman para sa kanya. Binalewala niya lang iyon.
Lumipas man ang ilang buwan, unti-unting nahuhulog din ang kanyang loob na akala niya hindi na ito titibok pang muli.

Kung kailan naman tumibok muli ang kanyang puso, atsaka naman dumating ang araw na hindi niya inaasahang bumalik ang taong sumira sa kanyang buhay noon. Inaakala niyang magiging masaya siyang kasama ang taong mahal niya at ang mga anak nila hindi pa pala. Hanggang AKALA lang pala ang lahat dahil naulit na naman ang mga nangyari noon, pero mas masakit para sa kanya ang mga nangyari ngayon. Nabigla kasi siya sa kanyang nalaman. Engaged na pala ang taong mahal niya sa dati niyang matalik na kaibigan.

Malalampasan kaya niya o nila ang mga pagsubok na darating?
Makakaya kaya niya ang buong katotohanan sa likod ng kasinungalingan sa kanyang pagkatao?
Matanggap pa kaya niya ang taong nanakit kung malaman niya ang buong katotohanan sa likod ng kasinungalingan?

Isang Gabing Pagkakamali
- T A M S

Isang Gabing PagkakamaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon