Chapter 10

3.8K 51 0
                                    

Ashton P.O.V.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, nang makita ko ng harap-harapan ang mga batang sinasabi ng kapatid ko. Nagtatalo ang puso't isip ko kung ano ba talaga ang reaksyon na dapat kong ipakita sa mga bata. Nahihirapan man akong i-proseso ang lahat dahil sa sobrang pagkabigla, pinilit ko pa rin ang sarili na hindi lang isang panaginip ang lahat ngayon kundi isang pangyayaring dapat ko talagang tanggapin dahil dugo't laman ko ang nangangalatay sa kanilang apat. Hindi ko lang talaga lubos akalain na sa isang gabi lang mabubuo ang apat na bata at hinding-hindi ko maitatangi sa sarili na hindi sa akin, dahil hugis palang ng mukha at tindig nila ay kuhang-kuha ko na.

May mga tanong akong naririnig mula sa kanila pero hindi ito pumapasok sa isip ko at hindi ko naiitindihan kung ano ba ang sinasabi nila, naging blanko ako bigla sa ibang bagay na para bang pilit itong hinaharangan ng isang matibay na pader para manatili ang isip ko sa batang kaharap ko.
Tumayo nalang ako basta sa kinauupuan at hindi na nag-abalang magpaalam pa sa mga barkada, dahil kusang humakbang ang mga paa ko papunta kung saan nakaparada ang sasakyan ko para umuwi na.
Hindi ko alintana ang pagda-drive, basta ang pakiramdam ko ay lumilipad ang utak ko hanggang pagdating sa bahay, ang tanging napansin ko lang ay sinalubong ako ni Ryle at tinanong.

"Kuya, anong nangyayari sayo? Sa mental ka ba pumunta o sa mall?" Tinuro-turo niya pa ako pero ni-isang sagot walang siyang nakuha mula sa akin. Wala sa sariling humakbang ang mga paa ko paakyat ng taas papuntang silid. Wala akong naririnig kahit boses ni Ryle, ang tanging narinig ko lang ay pintig ng puso ko.
Nabigla pa rin kasi ako sa mga nangyayari ngayong araw. Akala ko nagbibiro lang ang kapatid ko 'nong nasa airport kami para malusutan niya ang pagiging makupad, pero nagkamali pala ako nang inakala dahil totoo pala ang mga sinasabi niya sa araw na 'yon.
Nang makaharap ko ang mga bata kanina, nakikita ko ang sarili ko noong bata pa ako. Para talaga akong humarap sa isang salamin na may mahikang nakapagbabago ng anyo kung haharap ka nito.
Pero..... hindi ko pa kayang harapin ang katotohanan sa likod ng pangyayaring pareho naming hindi ginusto. Hindi ko siya mahal at hindi niya ako mahal. Lasing kami pareho noon, kaya hindi namin alam ang ginagawa naming kababoyan. Kababoyan ang tawag doon para sa akin, dahil binaboy ko ang pagkatao ni Heilarie ng gabing iyon. Nagpadala ako sa init ng katawan dahil nasa ilalim ako ng mapanlinlang alak, samantalang si Heilarie ay tahimik ang kanyang buhay at buo pa ang pagkatao 'nong gabing iyon, pero bigla nalang itong naglaho dahil lang sa katarantaduhan ko kaya pati siya nadamay.

Isang gabing pareho kaming lasing at wala sa katinuan.
Isang gabing pareho kaming naglalakbay para marating ang kinaroroonan ni San Pedro.
Isang gabing pinagsasaluhan namin ang mga nag-aalab na katawang hindi namin parehong ginusto.
Isang pangyayaring hindi namin inaasahang mangyari.
Isang gabing puno ng kaligayahan, pero ang kapalit nito ay isang masalimuot na pangyayari kinabukasan.
Isang gabing puno ng kasiyahan pero naglaho nalang ito bigla, dahil isa palang bangungot ang lahat.
Isang aksidenteng hindi namin inaasahang mabuo sa isang iglap.
Isang gabing pagkakamali na dapat naming panindigan habang-buhay.

Sa isang gabing pangyayari na hindi ko inaasahan, bakit pa sa taong mahal na mahal ng bestfriend ko?
Ex ng bestfriend ko na minahal niya ng lubosan, pero biglang pumasok sa isip ko na isa akong taksil na kaibigan.
Hindi ko inaakala na siya pala ang kasintahan ni Mike. Huli na ang lahat, nangyari na ang hindi dapat mangyari. Hindi ko pa kasi nakilala o nakita man lang ang kasintahan ni Mike noon. Tuwing sumasama ako sa kanila tanging si Grace lang ang naabutan ko dahil busy daw ang girlfriend niya, kaya malaya silang maglandian sa harap namin noon kahit nakakasuya tingnan.

Nakikita ko din sa kanyang mga mata na mahal niya pa hanggang ngayon si Mike, pero nangingibabaw doon ang sakit na pilit niyang tinatago. Kahit hindi ko siya tinitingnan ng diretso, kitang-kita ko naman na hanggang ngayon ay nagdudusa pa rin siya.
Ano ba ang dapat kong gawin? Oo, kaya kong panindigan ang mga bata pero hindi ang ina nila, dahil pareho naming hindi mahal ang isa't-isa.
Dapat pa ba akong magdalawang isip kung alam ko naman sa sarili na ako talaga ang ama ng mga bata? Nand'yan na 'yan, e, hindi naman siguro mangyayari ang nangyari sa amin noon kung hindi ako nagpakalasing ng sobra dahil lang sa isang babaeng iniwan na ako sa ere. Wala akong kakayahang ibalik ang nakaraan na hindi ko pa nasira ang buhay ni Heilarie. Sa mundong ginagalawan namin walang mahika na puwedeng magpapabalik sa nakaraan. Ang nakaraang pilit naming kinakalimutan, dahil sa araw na 'yon ay pareho kaming nasasaktan.

Kaya ba ganoon nalang ang kanyang reaksyon nang makita niya ako? Akala ko 'nong una naalala niya ako pero mali pala ang iniisip ko, kaya pala siya nabigla dahil kaharap niya ang taong kamukha ng kanyang mga anak.
Hindi maipagkailang ako na talaga ang ama ng kanyang mga anak kahit hindi niya ako diretsuhin. Siguro, kung may makakita na ibang tao sa amin, iisipin nila na magkakapatid lang kami hindi mag-aama.

Masaya ako na may mga anak, pero hindi ko mahal ang kanilang ina. Alam ko din na nasaktan si Heilarie sa naging reaksyon ko kanina, sadyang nabigla lang talaga ako. Nahihirapan akong ibuka ang bibig ko para tanungin siya, pero umurong ang dila ko at walang boses na lumabas. Mahirap ang kalagayan namin ni Heilarie kung magkataon, dahil nararamdaman ko na mahal na mahal niya pa si Heirson.
Iyon ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Kahit pinapakita niya sa amin kanina na masaya siya, pero kabaliktaran 'yon sa sinasabi ng kanyang mga mata.
Hindi madali para sa akin ngayon, dahil ramdam ko na naiilang siya sa akin.
Gawin ko nalang ang makakabuti sa mga anak ko. Dapat kong harapin ang katotohanan at si Heilarie.

Isang Gabing Pagkakamali
- T A M S

Isang Gabing PagkakamaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon