Chapter 20

3.3K 49 1
                                    

Ashten P.O.V

Pasimple akong tumitingin sa buong paligid baka may taong nagmamasid din sa mga kilos ko, kaya minabuti ko muna na walang kahina-hinalang tao bago lumabas ng Campus para pumunta sa isang Coffee Shop malapit dito. Gustong makipagkita sa akin ang taong napaka-importante para sa akin dahil siya lang ang dahilan kung bakit ko nalalaman ang mga ginagawang kalokohan sa kompanya namin at sa kompanya nang mga Lao.

Pagkapasok ko nang Coffee Shop agad ko siyang nakita sa pinakasulok na puwesto nito, balot na balot na para bang takot madapuan ng sakit, atsaka nag-iingat din kaming dalawa dahil nasa paligid lang ang kalaban lalo na't tuso ang mga ito. Agad naman siyang tumingin sa kinaroroon ko kaya hindi ko mapigilan mapangiti dahil nakita ko kung paano kumurba ang mga kilay nito habang papalapit ako sa kanyang puwesto.

"Tama nga ang Kuya mo na napakakupad mong tao. Tsk." Nagsalubong ang mga kilay nito sa sobrang inis. Aba'y!! Sangkot na naman si Kuya pagdating sa panlalait sa akin.

"Biglaan naman kasi, e, pero maiba nga tayo, bakit mo ako pinapunta dito?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Huwag mo akong tarayan kasi hindi pa rin magbabago ang pagiging isip bata mo inshort hindi bagay sayo. Ahaha." Bumagsak ang dalawang balikat ko dahil hindi talaga siya natatamaan sa pagtataray ko, bagkus nilalait pa ako nito at ginawang katatawanan.

"Oo na, oo na, hindi ko naman tinatanggi 'yon. Tsk. Pinapapunta mo lang ba ako dito para laitin at gawing katatawanan? Okay, panalo ka na." Agad akong tumayo sa sobrang inis ko dito. Ikaw ba naman gawing payaso niya at lait-laitin lang. Tsk. Nakakainis talaga siya. Akmang aalis na sana ako bigla itong huminto sa pagtawa at nagsalita.

"Hindi ka pa ba nasanay sa akin, Baby? Ahaha. Namimiss lang naman kita lalo na't maiinis ka. Ahaha." Umikot ang dalawa kong mata sa kanyang sinabi. Baby? Baby mukha niya.

"Buwesit ka talaga. Baby? Ano ako dumedede sayo para tawagin mong BABY? Pisti ka talaga sa buhay ko." Tumatawa lang ito habang ako naman ay sobrang na sa kanya. Sarap naman nito batohin ng sapatos. Bulong ng isip ko.

"Ahaha! Palabiro ka din pala, Baby. By the way, Baby, I love you." Halos magbuga na ako nang apoy sa sobrang inis sa kanya, hindi ako titigilan nito kung hindi ko 'to lalayasan.

"Oops, oops, seryoso na 'to kaya umupo ka na." Aalis na sana ako pero nararamdaman ko na may sasabihin siyang napaka-importante kaya umupo ulit ako para makinig sa kanyang sasabihin.

"Ahihih! Ashten, may nakuha akong impormasyon mula sa taong pinagkakatiwalaan ko, uuwi na daw siya nang Pilipinas next month kaya kailangan mong bantayan ang mga bata baka makita niya at baka malaman niyang si Kyle ang ama ng mga ito. Ito pa, susunod daw ang ama nito para sa darating engagement party at dapat hindi magtagpo ang landas nila ni Soufiya dahil kamukhang-kamukha pa naman niya ang kanyang ina." So, uuwi pala ang mga kasosyong plastik ni Daddy nakakatuwa naman pala.

"Ginagawa mo ba akong YAYA huh?" Kahit anong gawin naman siguro kung ipagtagpo talaga sila ni tadhanan hindi mo ito mapipigilan.

"Hindi?? Makinig ka nalang sa mga sinasabi ko dahil nakasalalay ang buhay ng mga pamangkin mo dito hindi lang isa kundi apat sila. Gumagawa na din kami nang paraan para mabantayan sila nang maigi, atsaka busy ako ngayon dahil may tao akong iniimbestigihan na kasama lang namin araw-araw o 'di kaya may hangout ang barkada." Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Barkada? So, may traydor isa sa kanila? Sino naman kaya?

"Oo na. Alam mo ba kung sino itong taong sumisira sa kompanya namin at sa mga Lao?" Nakilala ko lang siya bilang stockholder ni Daddy pero hindi pa talaga 'yong totoo niyang pagkatao, dahil iba ang pakiramdam ko tuwing kaharap ko siya para bang may pinaplanong hindi maganda.

"Matagal ko nang alam 'yan dahil ang taong iyan ay ama nang traydor, binibilog niya ang ulo nang Daddy mo para magiging fiance ni Kyle si Anne, ayon na din sa utos sa kanya." Namilog ang mga mata ko sa nalaman ko ngayon.

"Huwag mong sabihin na ang babaeng ipinagkasundo ni Daddy kay Kuya ay ang malanding iyon? Kailan mo pa ito nalaman?" Nakagimbal naman ang mga nalaman ko ngayon patungkol sa taong hindi kati-katiwala at sa babaeng haliparot daig pa ang pokpok sa daming napikot.

"Yup, siya nga ang mapapangasawa nang kapatid mo at kailan ko lang nalaman na siya pala ang babaeng desperadang maangkin ang kapatid mo." Ahaha! Nagpapatawa ba ang babaeng 'yon? Isang himala na siguro kung magugustuhan siya ni Kuya. Maaangkin niya si Kuya kung sasamahan niya ito nang pananakot pero isang himala na kung pati ang puso nito ay makuha niya. Ahahaha! e, sa nakikita ko ngayon kay Kuya masaya siyang kasama si Blaire at ang mga anak nila, kahit hindi sabihin ni Kuya na mahal niya si Blaire nakikita naman ito sa kanyang mga mata at base na din sa kanyang kinikilos at pag-uugali.

"'Di, good luck nalang sa haliparot na 'yon." Napaikot nalang ako nang mata dahil nakakagigil talaga ang ganoong babae. Hindi pa rin talaga siya nagbabago hanggang ngayon.

"Baby, iyon nalang muna sa ngayon kasi may lalakarin pa akong importante, sa susunod nalang tayo mag-uusap ulit." Tsk! Importante daw, e, babae lang naman ang sinasabi niyang importante.

"Sana magka-AIDS ka sa ginagawa mo." Nakakainis talaga siya hindi lang sasabihin ang totoo na babae lang pala lalakarin niya.

"Oyyyy, nagseselos ang Baby ko. Huwag ka nang magseselos, Baby, dahil ikaw lang naman ang nag-iisang babaeng minamahal ko at nakatatak ka na sa puso ko." Umaandar na naman ang pagiging baliw nito, pero infairness kinikilig ako sa mga banat niya kahit napaka-korny. Hindi ko nalang pinapahalatang kinikilig ako sa bawat salita niyang matatamis baka aasarin na naman ako.

"Feeling mo naman. Ikaw nalang pagselosan ko? Never." Ang lakas talaga niyang mang-asar.

"Sige, Baby, mauna na ako sayo at mag-ingat ka palage. Bye, Baby, I love you." Paalam niya na may halong pang-aasar.

"I love you mo mukha mo." Nang mawala na ito sa paningin ko, napangiti nalang ako dahil hindi ko maipaliwanag ang naramdaman tuwing binibiro niya ako. Pakiramdam ko ay totoo lahat ng sinasabi niya pero baka mag-assume lang ako dahil ang totoo pinagtitripan niya lang pala ako.

"Sana matapos na 'to." Bulong ko sa hangin. Hays! Bakit si Anne pa ang magiging fiance nang kapatid ko? Gumagawa talaga nang paraan ang taong hayok sa kapangyarihan para makuha lang ang gustong kayamanan.
Ang akala niya siguro ay magugustuhan ng kapatid ko ang kanyang anak, pero nagkakamali siya dahil ayaw na ayaw ni Kuya sa babaeng kulang nalang maghubad. Tuwing magsusuot ng damit ang babaeng 'yon laging kinukulangan ang mga suot nito, siguro ang factory ng mga damit niya ay naubosan palagi nang tela at ang dibdib naman nito ay utong nalang ang natatakpan kaya hindi ko maiwasang mag-isip na isa siya sa mga potang babae nang mga mayayaman. Lahat nalang kasi nang lalaking magugustohan niya ay dapat niya itong makuha, kahit may nasasagasaan pa siyang tao wala siyang pakialam doon at sa mga nararamdam ng mga ito dahil masaya pa nga siya tuwing may nasasaktan ng dahil sa kanya.
Kagaya nalang sa ginawa niya kay Heirson noon, dahil lang inggit niya kay Blaire at hindi niya ito malamang-lamangan kaya tinakot niya ang tao para makuha ang kanyang gusto.
Nagmana talaga sa ama na pinipilit ang hindi dapat ipipilit inshort ayaw magpalamang kahit hindi kayang lumamang .

Isang Gabing Pagkakamali
- T A M S

Isang Gabing PagkakamaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon