Chapter 5

4.2K 55 0
                                    

Ashten P.O.V

Ako si Ashten Ryle Daniel, twenty six years of age. May kakambal naman ako na kasing lamig pa sa yelo. Yeah! YELO, bukod kasi sa lagi itong nakasimangot, ang lamig pa nang pakikitungo niya sa mga taong nakapaligid sa kanya, p'wera nalang sa amin at sa mga barkada niya. Siya lang naman si Ashton Kyle Daniel. Gwapo, heartthrob, basketball player mula High School hanggang College, bugnutin at higit sa lahat suplado, akala mo'y pasan niya lahat ng problema sa mundo. Hindi siya 'yong tipong nakikipaghalubilo sa mga estudyante noon, mas gusto niyang mag-isa kaysa maingay ang kanyang paligid.

Nagbago si Kuya dahil lang sa kanyang Ex na witch. Iniwan kasi siya nito sa ere, ni hindi niya man lang alam kung anong dahilan sa pag-alis nito noon. Bigla nalang itong nawala na parang bula, hindi nagpaalam o nag-iwan man lang ng mensahe kay Kuya. Kaya mula nang iniwan siya ni Witch, nagbago din ang lahat lalo na ang dating Ashton Kyle na palangiti, masayahin at palakaibigan ay nawala nalang bigla. Ipinagdasal ko nalang na sana hindi na babalik 'yong bruha na si Fiona, nang dahil kasi sa kanya nagbago si Kuya.

Tumatakbo ako habang papasok ng airport para sunduin si Kuya galing Paris. Ayaw kong makakarinig sa bunganga niyang walang preno, akala mo'y isang babae.
Sa Paris siya namalagi ng anim na taon pagkatapos niyang magtapos ng koliheyo. Hindi namin alam kung ano ang dahilan kung bakit gusto niyang manatili noon sa Paris, siguro gusto niyang makalimot sa sakit na dinulot ni Witch sa kanya. Wala siyang iniwang dahilan bago umalis noon.

Sa pagmamadali ko hindi na ako nakatingin sa dinadaanan hanggang may nakabungguan akong babae, kaya nabitawan niya ang kanyang bitbit na bag. Lakad-takbo kasi ang ginawa ko para hindi mahuli sa oras na binigay ni Kuya. Kung hindi ako aabot sa tamang oras, baka masisinghalan na naman ako dahil sa pinaghihintay ko siya ng matagal. Ayaw na ayaw niya kasing pinaghihintay siya.

"M-miss, pasensya ka na nagmamadali lang kasi talaga ako." Paghingi ko ng pasensya habang pinulot ang bag na nabitawan niya. Hays! Kahit kailan talaga Ryle napaka mo. Kaya nagagalit ang Kuya mo sayo, e. Sermo ko sa sarili.
Hindi nagsasalita ang babae kaya agad akong humarap sa kappnya para ibigay ang bag at humingi ulit ng paumanhin sa nagawa ko.

"Pasensya ka na talaga, Miss huh, nasaktan ba kita?" Medyo natataranta ako habang tinatanong siya, pero hindi niya ako pinansin dahil bigla nalang itong napatulala sa harapan ko. Gusto ko ng umalis para puntahan ang kapatid ko, pero mukhang maiipit ako nito dahil naging tuod na ang babaeng kaharap ko ngayon. Imbes magsasalita na sana ulit ako para tanungin siya kung okay lang ba siya, nang may biglang sumingit sa amin.

"Mom, are you okay?" Napadako naman ang tingin ko sa batang nagsasalita, pero bigla akong pinanlamigan sa nakita ko. Nabato ako sa kinatatayuan ko dahil sa apat na batang kamukha namin ni Kuya, para akong humarap sa isang salamin na nababalutan ng mahika na puwede kang bumalik sa pagkabata. Hindi ko mapigilang mapatulala at napanganga sa isang pampublikong lugar kahit nakakahiya man tingnan.
Mga anak ba ni Kuya ang mga 'to? Isang tanong na naglalaro sa isipan ko. Wala naman siyang sinasabing may asawa at mga anak na siya. Naging lutang ang isip ko sa nakikita ko ngayon. Bakit nilihim niya sa amin ang totoo? Bakit hindi niya pinaalam sa amin na may asawa na pala siya doon sa Paris? Tanong ko ulit sa sarili. Kahit nararamdaman ko na may kumakalabit sa akin, pero para akong bingi dahil tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Grabe naman 'to si Kuya, ginawang baboy ang kanyang asawa. Kahit natatawa ako sa kaloob-looban, ang katawan ko naman ay nanatiling tuod sa sobrang pagkagulat.

"Miss, okay ka lang ba? Miss!" Medyo nagulat pa ako sa taong tumapik sa akin, kaya natauhan naman ako kahit papaano. Hindi pa rin nawawala ang pagkagulat dahil may kaharap akong mga batang kamukha namin ni Kuya.

"O-oh! S-sorry, Miss, n-nagmamadali l-lang k-kasi ako." Pautal-utal kong sagot sa kanya. Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang may mga anak na si Kuya.
Nanlalamig pa rin ang buong katawan ko habang kaharap ang apat na bata.

"Okay lang Miss, may mali din naman ako. Pero teka, okay ka lang ba? Namumutla ka kasi kanina pa." Kahit tinatanong niya ako, hindi pa rin mawawala ang tingin ko sa mga batang kaharap ko. Gusto kong magtanong na asawa ba siya ng kapatid ko, pero umuurong ang dila at walang boses na lumalabas sa bibig ko.

"Pasensya ka na ulit, Miss." Tumango lang ito bilang sagot. Tumingin ulit ako sa apat na bata habang ang dalawa sa kanila ay nakangiti sa akin. Naalala ko tuloy ang kabataan namin ni Kuya. Kuya???

"Shit" Agad akong kumaripas ng takbo nang maalala ko si Kuya. Hindi na ako nakapagpaalam dahil paniguradong galit na galit na 'yon sa akin. Kahit hindi pa ako nahimasmasan sa nangyari kanina, pinilit ko itong isantabi muna, dahil mas iniisip ko ang sermon na matatanggap ko mula kay Kuya.
Tumatakbo ako kahit mataas ang suot kong sapatos, mahirap na kung si Kuya ang paghihintayin ko.
Habang palapit ako nang palapit sa kinaroroonan niya, kitang-kita ko kung paano nagsasalubong ang kanyang mga kilay.

"Kuya............, sorry, I'm late." Humihingal at pawis na pawis akong humarap sa kapatid kong may dalaw.

"Hanggang ngayon ba naman Ryle, hindi pa rin nagbabago 'yang napakakupad mong kilos? Lagi ka nalang late, kanina pa ako inuugat dito. Boset." Litanya niya sa akin. Hays! Ito na naman tayo, nakikinig sa maala-babae niyang bibig.

"Pasensya ka na Kuya, may nakabungguan lang kasi ako." Paghingi ko ng pasensya sa kanya. Naghahabol pa rin ako ng hininga sa sobrang pagod. Hindi ko din mapigilang mapaaray sa mga paa ko, ang sakit kasi.

"Tsk! Clumsy." Ang sama ng Kuya ko. Sabagay, totoo naman. Hihihi. Bigla nalang pumasok sa isip ko ang nakita ko kanina.

"Kuya, matanong ko lang, may mga anak ka na ba? Bakit hindi mo sinabi sa amin na nag-asawa ka na sa Paris." Nakita ko kung paano kumunot ang kanya noo. Bakit ganito nalang ang reaksyon niya?

"Tsk! Anak? Asawa? Paano naman ako magkaka-anak Ryle, kung wala naman akong asawa. Wala nga akong girlfriend, anak pa kaya? Saan mo ba nilagay 'yang utak mo Ryle? Nasa talampakan mo na ba?" Abay! Dina-down talaga ako ng sarili kong kapatid. Kawalang-hiya talaga ng kapatid ko, nagtatanong nga lang ako lalaitin pa.

"Ang harsh mo naman sa akin, Kuya, nagsasabi lang naman ako ng totoo." Nakasimangot kong sagot sa kanya. Parang hindi niya ako kapatid. Nakakainis.

"Ewan sayo, Ryle." Padabog niyang sabi.

"Kasi Kuya, kaya ako natagalan dahil ang babaeng nakabungguan ko ay may apat na anak. Hindi lang ako sigurado kung quadrupletes talaga sila. Ang nakakamangha lang kasi doon Kuya, kamukha nating dalawa. Hindi nga ako makapaniwalang naka-apat ka na agad. Hihihihihi! Ikaw Kuya, huh! Apat na lalaki agad. Shooter ka talaga kambal. 'Yan ba ang sinasabi mong wala ka pang asawa? E, may apat ka na ngang lalaki, tapos sasagotin mo ako ng wala. Tsk." Paliwanag ko sa kanya. Mas lalong nangunot ang kanyang noo at nagsalubong ang mga kilay dahil sa sinabi ko.

"Wala nga. Ang kulit mo talaga. Tara na nga." Sabay alis sa harapan ko.

"Pero Ku........ Oo na." Sinamaan ba naman ako ng tingin, kukulitin ko pa sana. Sumunod na ako sa kanya, habang siya naman ay daldal ng daldal hindi ko naman pinapakinggan.

Isang Gabing Pagkakamali
- T A M S

Isang Gabing PagkakamaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon