Chapter 6

4.5K 64 0
                                    

Ashton P.O.V

Tahimik ako mula noong iniwan niya ako, iniwan niya na walang dahilan kung bakit. Kahit tanongin ko pa ng paulit-ulit ang sarili kung ano ba talaga ang kasalanan ko sa kanya. Wala kasi akong natandaang maling nagawa sa kanya, dahil ginawa ko naman noon ang lahat para pasayahin at mahalin siya nang lubusan, pero bakit ganoon nalang niya ako sinaktan? Lagi kong tanong sa sarili kung bakit nga ba. Sobra akong nasaktan sa kanyang ginawa na may halong galit at pagkamuhi, pero ngayon unti-unti ko ng natatanggap na wala na talaga kami at dapat ko siyang kalimutan para makawala sa sakit na pinaramdam niya sa akin.

Habang malayo akong nakatanaw sa labas ng sasakyan, biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Ryle sa akin kanina, na ikibigla ko at hindi ko lang pinapahalata sa kanya.
Pero ano daw? Kamukha ko? Ako may kamukhang apat na bata? Napaka-imposible naman yata 'yon. Wala naman akong ibang babae bukod kay Fiona, pero walang nangyari sa amin noon dahil malaki ang respeto ko sa kanya. Kung mangyari man ang ganoong bagay ang gusto ko dapat ikasal muna kami bago 'yon.
Pero.... bigla akong napatuwid sa kinauupuan dahil sumagi agad sa isip ko ang babaeng nakasama ko nang isang gabi sa kama. Habang papalapit ako noon sa bar counter, narinig ko na nagtatalo ang bartender at isang babaeng hindi ko kilala at hindi ko masyadong ma-aaninag ang mukha dahil nakainom na din ako noon mula sa condo ko. Basta, bigla ko nalang itong binuhat mula sa kanyang kinauupuan na hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit. Hanggang doon lang ang naalala ko, pero ang sumunod na pangyayari ay hindi ko na alam. Pagkagising ko nalang kinaumagahan noon, nasa sariling higaan na ako at may kasamang babaeng nakapada habang hubo't-hubad pati na din ang sarili ko.
Hindi ko alam kung paano kami napunta sa condo ko dahil wala akong maalala, siguro nasobrahan na naman ako sa alak kaya ganoon nalang at hindi ko din alam kung may nangyari ba sa amin o ano ba talaga ang nangyari sa gabing iyon.

Sa sobrang gulat ko noon iniwan ko nalang siya basta, dahil biglang pumasok sa isip ko na nagtataksil ako kay Fiona at naging blanko sa ibang bagay. Laging nakatuon ang isip ko kay Fiona noon, kung paano ko ipapaliwanag at kung sasabihin ko ba o hindi. Para akong tanga noon habang lumulutang ang isip palabas ng building. May posibilidad kayang nabuntis ko siya, pero isang gabi lang 'yon? Paano naman nabuo kung isang gabi lang naman? At wala din akong kasiguraduhan kung may nangyari ba talaga sa amin.
Hays! Bakit ko naman itatanong sa sarili kung paano nabuo, e, alam ko naman ang sagot doon. Tsk. Ang tanga mo talaga Kyle, malamang may nangyari nga noon sa inyo kaya narating mo ang langit na wala sa oras at hindi mo alam kung ano ang nandoon. Para akong tanga dahil nakikipagtalo sa sarili ko. Napasabunot nalang ako sa buhok sa sobrang inis. Kung hindi lang ako naglasing noon wala sana akong iisipin, dahil mapahanggang ngayon hindi ko pa nakakalimutan ang gabing hindi ko sinasadya.

Hindi ko alam kung paano ko siya makikita ulit, dahil hindi ko naman alam ang kanyang pangalan.
Kung magkikita man kami o magkasalubong man lang balang-araw, gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko sinasadya ang nangyari sa amin noon. Bago ako umalis sa condo noon, tinitigan ko muna ang kanyang maamong mukha kaya paulit-ulit itong nagpa-flash sa akin. Hindi ko makakalimutan ang mala-anghel niyang mukha habang tinitigan ko itong natutulog. Kahit naging blanko ako noon, hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha na 'yon.
Pero...paano kung totoo ang sinasabi ni Ryle? Ano ang sasabihin ko sa kanya? Paano? Tanong ko sa aking sarili habang lumilipad ang kaluluwa sa kawalan. Natauhan nalang ako nang kalabitin ako ni Ryle.

"Kuya, nandito na tayo. Atsaka kuya, kanina ko pa napapansin na wala ka sa sarili mo. May problema ka ba?"
Agad akong tumingin sa labas kung totoo ba ang kanyang sinabi, kaya nakomperma ko na nandito na nga talaga kami sa harap ng mansion. Hindi ko man lang namalayan.
Hindi ko na sinagot ang kanyang tanong, agad akong bumaba sa sasakyan na walang imik. Gusto kong matulog maghapon dahil nahihilo ako sa byahe.

"Ryle, pakisabi nalang kay Butler Greg, na iakyat ang mga gamit ko sa taas. Aakyat na ako dahil gusto kong magpapahinga." Sabi ko sa kapatid ko habang busy siya kakapindot sa cellphone niya. Tsk! Sino na naman katext nitong babae na'to? Hindi man lang ako pinansin.

"Ryle?" Pasigaw ko habang may diin kong binanggit ang kanyang pangalan.

"A-ahh! S-sige Kuya, bumaba ka mamaya para sabay na tayong maghahaponan." Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

Agad akong umakyat sa taas dahil namimiss ko ang amoy nang kama ko.
Anim na taon din akong namamalagi sa Paris para makalimot sa sakit na dinulot niya sa akin.
Pagkapasok ko nang kwarto, bumungad agad sa akin ang mga larawan namin noon. Noong masaya pa kami ni Fiona na puno ng pagmamahalan at walang problema.
Pero nang makita ko 'to ngayon, kinasusuklaman ko larawang magkasama kami. Sa anim na taon kong pamamalagi sa Paris, nagawa ko din ang dapat kalimutan.
Ang dating palangiti ay binago niya sa isang iglap.
Mahirap na magtiwala ngayon, baka maulit pa ang nangyari noon. Pero biglang pumasok sa isip ko ang tanong na hindi ko dapat pagtuonan ng pansin. Handa ba akong umibig muli? Iyan agad ang unang tanong na pumasok sa isip ko.

Ring.... Ring.... Ring....

Biglang tumunog ang cellphone ko, nang tingnan ko ito ay si Bryce lang pala. Mangungulit na naman 'to sa akin.

"Yeah" Walang gana kong sagot sa kanya.

"Captain, welcome back. Namimiss ka na namin." Tsk! Hindi pa rin nagbabago, napakaisip bata pa rin.

"Tsk" Sagot ko dito. Kakarating ko nga lang tatawag agad ang asungot na 'to.

"HAHAHAHA! Captain as ever." Tawa niya kabilang linya. Narinig ko din na tumatawa ang dalawa niyang kasama bukod sa pinsan kong tahimik.

"You disturb me." Malamig kong tugon dito. Kahit kailan talaga 'tong si Bryce, parang reporter updated sa lahat.

"Saturday Captain, Hexagon tayo. Aasahan ka namin." Excited niyang sabi.

"Oo na. Bye." Binaba ko na agad ang tawag para hindi na hahaba ang istorya.
Tsk! Bilis naman nilang nalamang nakauwi na ako, paniguradong kay Ryle na naman nila nalaman ang balita. Daldal talaga ng isang 'yon.
Inihagis ko nalang ang katawan sa malambot kong kama. Napaisip naman ako kung sakaling totoo man ang sinabi ni Ryle kanina, handa ko bang panindigan ang pangyayaring hindi namin ginusto pareho? Hays! Sumasakit lalo ang ulo ko sa mga pumapasok na tanong sa isip ko.

Isang Gabing Pagkakamali
- T A M S

Isang Gabing PagkakamaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon