Chapter 13

3.4K 57 0
                                    

Heilarie P.O.V

Lumipas nang ilang buwan nagkasundo kami ni Kyle at naging masaya ang mga bata doon.
Gusto daw niya kasing bumawi sa mga pagkukulang niya bilang ama, kaya pumayag na ako doon dahil may karapatan din naman siya bilang ama at hindi big deal sa akin 'yon.

Sa ilang araw ko siyang nakasama, nakilala ko ang totoong Kyle na mabait, gentleman, mapagmahal at responsibleng tao pagdating sa kanyang mga anak. Nabigla nga ako sa araw na 'yon nang sunduin ko na dapat ang mga bata sa paaralan noong nakaraang buwan, hindi ko kasi akalain na mapapahiya ako nang ganoon nalang.

--- Flashback ---

Malapad ang mga ngiting nakaukit sa aking labi habang nagmamaneho papuntang DLU, para sunduin ang apat kong anak.
Pagdating na pagdating ko sa mismong parking lot ng DLU, agad kong pinark ang minamanehong sasakyan at excited akong bumaba.
Hindi mawala-wala ang matamis kong ngiti habang naglalakad sa hallway dahil sabik na akong yakapin ang apat, pero nang dumating ako sa kanilang room biglang nawala ang ngiting iyon at napalitan ng kaba na hindi ko maipaliwanag. Para akong tinakasan ng kaluluwa dahil wala akong makitang estudyante kahit isa, pati na rin ang kanilang guro wala din kaya kinabahan na ako ng husto.
Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang takot habang dinudukot ang cellphone ko sa bag. Hindi ko maiwasang mag-isip ng mga negatibong pangyayari lalo na't hindi ko alam kung nasaan sila.

"H-hello R-ryle, s-saan a-ang m-mga a-anak k-ko?" Gusto nang kumawala ng mga luha ko sa sobra kaba, baka kasi dinukot sila sa mga armadong tao na nangunguha ng bata.

"Blaire, kumalma ka lang dahil nasa canteen lang sila kumakain. Puntahan mo nalang sila at wag kang mag-alala walang masamang nangyari sa apat." Hindi na ako nag-abalang sagutin siya o magpaalam man lang para ibaba ang tawag. Pinatayan ko siya ng tawag para kumaripas ng takbo papuntang canteen kahit ang taas ng suot kong sapatos.
Habang papalapit ako sa mismong building ng canteen, biglang lumakas ang tibok ng puso ko na may halong kaba na hindi ko maipaliwanag.

Agad akong pumasok sa loob para hanapin ng mga mata ko ang apat. Biglang nabunutan ng tinik ang dibdib ko nang makita silang tumatawa kasama ang lalaking pamilyar sa akin, pero mas nakatuon ang mata ko sa mga anak kong masasayang nakikipag-kuwentohan.
Kaya agad akong naglakad papunta sa kanilang kinaroroonan.

"Boys, nandito lang pala kayo, pinakaba niyo naman ako ng husto." Sabay silang tumingin sa akin na may matatamis na ngiti.

"Mommy/Mama." Tumayo silang apat at sabay-sabay nila akong niyakap.
Hindi ko na binalingan pa nang pansin ang taong kasama nila, pero bigla akong nanigas sa sinabi ni Blade.

"Kasi Mommy, pumunta si Daddy kanina sa room para yayain kaming kumain, pumayag naman sila Kuya kaya sumama nalang kami sa kanya." Nakangiti niya pang sabi.
Kaya agad akong napalingon sa taong kasama nila at hindi maiwasang hindi maglalakihan ang mga mata ko habang kaharap siya. Pero mas lalong namilog ang mga mata ko nang ngumiti na siya.

Shit!! Ang guwapo niya at ang yummy pa. Nakakalaglag panty ang mga ngiti niya.

Sigaw ng isip ko, pero nang ma-realized ko ang mga pumapasok sa isipan ko, bigla akong pinamulahan ng pisngi kaya agad akong umiwas ng tingin.

"Mommy, may sakit po ba kayo? Namumula na po kasi kayo, e." Tanong sa'akin ni Blade. Mas lalo akong napahiya sa tanong ng anak ko, dahil humagikgik sina Kyle kasama ang tatlo.
Shit! Iyan nalang ang nasabi ng isip ko.

Isang Gabing PagkakamaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon