Chapter 24

2.8K 38 0
                                    


Someone's P.O.V


Nagulat ako 'nong una ko siyang makita, dahil tama nga sila hindi maipagkailang magkamukhang-magkamukha sila nang kanyang ina. Halos hindi ko nga maigalaw ang buong katawan sa oras na 'yon na para bang isang posteng hindi matinag-tinag ng isang malakas na bagyong sumalanta sa isang syudad. Gustohin ko mang magsalita pero hindi ko maibuka ang bibig at bigla nalang akong napaos nang makaharap siya sa mga oras na 'yon.  Hindi maitatangging isa siyang Heiress ng mga Lao, ang kaisa-isang tagapagmana nang lahat. Hindi lang BAKA SIYA kundi SIYA na talaga ang matagal na naming hinahanap. Sa dami ba namang inuutusang tao para lang mahanap siya, ako pa itong napakasuwerteng tao, dahil ako unang ang nakakita sa kanya na inakala ko ay hawak na siya ng mga kalaban. At ang batang inaakala nang lahat ay patay na, pero mas nanaig ang bugso nang dugo sa mga taong determinado at naniniwalang buhay pa ito.

"Hello, Boss, nakita ko na siya at hindi maipagkailang magkamukhang-magkamukha nga sila." Alam kong sabik na sabik na silang makita ito, kaya ginawa ko ang lahat para makatulong dahil ito lang ang naisip kong paraan para mababayaran ko ang utang na loob sa kanila kahit hindi nila ito hinihingi. Kung hindi dahil kasi sa kanila hindi ko malalaman ang buong katotohanan sa likod nang pagkamatay ng mga magulang ko, dahil nabulag ako sa katotohanang aksidente daw ang lahat ayon sa pag-iimbestiga ng mga pulis na siyang tauhan nila sa gobyerno. Gustong-gusto kong pagbayarin ang taong may pakana sa lahat ng ito, hindi lang siya kundi marami sila para makamit na namin ang hustisya hindi lang para sa amin kundi para na din sa mga taong inapi at pinatayan nila na walang kalaban-laban at para matapos na din ang lahat ng kasakimin niya sa mundo.

"Ipapaliwanag ko nalang po ang lahat ng mga nalalaman ko pagdating niyo dito sa Pilipinas." Ang hirap niya talaga kausap bukod sa pagiging masungit napakalamig pa nito lalo na't pagdating sa mga taong ayaw niya kaharap at sa akin din, kaya isang salita niya palang para nang tumatakbo ang kaluluwa ko sa takot pero mahal ko 'yon kahit ganoon siya sa akin.

"OK! Sige po, Bo...toot...toot..." Ang bastos niya talaga kahit kailan. Tsk!
Biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyari 'nong isang gabi,  nitong mga nakaraang araw kasi tuwing pumupunta ako sa bahay nila para magmamasid sa buong paligid, may isang tao akong nakikita na nakamasid din sa kanila pero hindi ko ito mahuli-huli kung sino iyon. Ang bilis niyang kumilos tuwing hinuhuli ko siya na para bang nababasa niya ang bawat galaw ko, kaya heto ako ngayon gumagawa nang paraan para alamin kung sino ang taong iyon. May kutob ako na ipinadala niya ang kanyang tauhan dito sa Pilipinas para ipapatay niya ito, pero ipinagdasal ko nalang na hindi totoo ang kutob kong ito at sana hindi niya pa alam na buhay talaga ang batang ipinapapatay niya noon pa man. Kung magkataong alam na niya na buhay ang batang iyon, baka hindi na siya magdadalawang isip na tapusin agad ang buhay nito.

Humanap din ako nang paraan para malaman ang kanyang pagkatao at sa naging buhay niya mula pagkabata hanggang ngayon, pero gumuho ang mundo ko sa mga nadiskubre ko nitong mga nakaraan mula ng umuwi akong ng Pilipinas, dahil hindi makatao ang mga pinagdaanan niya noon. Sa mga nakalap kong impormasyon, namatay daw ang kanyang mga magulang sa isang aksidente  'yon lang ang tanging nalalaman niya, pero ang totoo pala nito ay hindi isang aksidente ang lahat kundi pinagplanohan ang pagkaka-aksidente nang mag-asawang iyon para patayin ang mga ito ayon na din sa utos ng nasa itaas. Ang tanging may alam ng lahat ay ang mga taong kumukupkop sa kanya at hawak nito ang lahat nang impormasyon ayon sa pag-iimbestiga ko. Kaya pala unti-unting lumalantad ang baho nang taong iyon dahil nakokonsensya ang mag-asawa. Nang malaman niya ito, agad siyang gumawa nang paraan para harangin ang mag-asawa dahil ayaw niyang makarating ang totoo kay Don Manuel Lao.

Ginawa ko din ang lahat para mapalapit sa kanya at maprotektahan ko siya sa mga paparating na panganib sa buhay niya dahil iyon ang utos ni Boss sa akin. Ayaw kong isipin nila na hanggang pangako lang ako, dahil ipinangako ko sa kanila at sa sarili ko na poprotektahan ko siya habang wala sila dito sa Pilipinas. Kaya kong itaya ang buhay ko para lang maprotekhan siya sa lahat ng panganib na paparating sa buhay niya o nila.

Simula nang dumating ako dito sa Pilipinas wala akong sinayang na oras para lang mahanap siya. Hinanap ko ang kapatid ng kumupkop sa kanya, dahil alam kong may alam din sila sa puno't dulo ng kaguluhang ito. Alam kong natatakot lumantad ang kapatid nito para na din sa kanyang kaligtasan at hindi na din madamay pa sa mga kaguluhang pinasok ng kanyang kapatid at sa asawa nito. Sa isip-isip ko kaya ba hindi siya kinupkop ng mga ito at mas piniling pabayaan nalang na maging miserable ang buhay nito para hindi madamay sa lahat kaguluhan at maging tahimik nalang ang kanilang buhay dahil sa mga nangyari sa kapatid niya? Tanong na naglalaro sa isipan ko.
Nahihirapan man akong hanapin ang taong hindi magpapahanap, pero kinakailangan kong maunahan sila para may hawak kaming alas nang lumantad na ang buong katotohanan sa likod ng pangyayari sa nakaraan. Nakaraang hindi malutas-lutas mapahanggang sa kasalukuyan. Kung hindi man malalaman kung saan nagsimula ang kaguluhan na ito na kung sa puno man o sa ugat? At anong ugat sa puno nang paghihiganting ginagawa niya? Bakit nga ba kailangan niyang pumatay ng maraming tao para lang makuha ang gusto niyang makuha?
Saan nga ba nagsimula ang pagiging sakim niya sa kapangyarihan at kung bakit ang lalim ng galit niya sa mga taong malalapit sa kanya noon?
Sino nga ba talaga siya? Ano nga ba talaga ang gusto niya, kung nakuha na naman niya ang lahat-lahat? Kulang pa ba ang kayamanang nalikom niya mula sa mga taong pinapapatay niya noon mapahanggang ngayon? O baka hindi lang kayamanan ang pakay niya kundi isang buhay ng tao ang kapalit ng isang libong kasiyahan para matapos na ang kanyang pagpaparusa sa mga taong wala namang kinalaman o walang kaalam-alam kung bakit sila pinapatay sa ' di malamang dahilan. Para bang pinaparusahan sila sa kasalanan hindi naman nila ginawa.  Isang malaking tanong para sa akin kung bakit humantong sa ganito ang gulo bawat pamilya. Mga salitang naglalaro sa isip ko. Gusto kong alamin ang lahat kung saan nga ba nagsimula ang gulong ito. Malalaman ko din kung anong nangyari noon sa takdang panahon.

Isang Gabing Pagkakamali
- T A M S

Isang Gabing PagkakamaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon