Chapter 29

2.6K 38 6
                                    

Heilarie P.O.V

Lumipas ang mga araw, linggo at naging buwan, walang Kyle ang nagpapakita o 'di kaya nagpaparamdam sa akin o sa mga bata man lang. Maging si Ashten ay mailap na rin sa akin , na parang bang umiiwas ito tuwing nilalapitan ko siya. May pagkakataon namang lumapit ako dito, kaso marami nama siyang dahilan kesyo abala daw siya sa trabaho.

Ang mga barkada naman niya, e, ganoon di kailap sa akin. Bukod tanging si Bryce lang ang nakakausap ko sa kanila. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin, bakit biglang nawala o hindi na nagpapakita si Kyle mula 'nong araw ng aming ikaanim na buwan mula nang maging kami. Wala akong balita patungkol sa kanya kahit pigain ko pa si Bryce kakatanong, wala talaga akong nakuhang sagot mula dito.

Umiiyak nalang ako sa isang tabi baka sakaling maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Kung kailan minahal ko na siya ng lubos, doon niya din gagawin ang ginawa sa akin dati ni Heirson.
Lahat nalang yata na lalakeng mamahalin ko ay bukod sa sinasaktan nila ang damdamin ko, iniiwan at umaasang maging THE ONE hanggang sa pagtanda. Wala na ba talaga akong karapatang sumaya sa pag-ibig? Mga tanong na naglalaro sa isipan ko habang pinipigilang wag umaiyak, dahil pagod na pagod na ang mga mata ko kakaiyak.

Ilang linggo na rin ako wala sa sarili, ang mga anak ko ay hindi ko na naaasikaso, buti nandiyan si Myeibeile para punan ang mga pagkukulang ko sa mga araw na hindi ko nagagawa.

Naisipan kong mag-malling nang mabawasan naman ang sakit na nararamdaman ko, pakiramdam ko kasi para akong may pasan-pasan na limangpung kilong bigas. Pagkapasok ko sa banyo hindi parin mawaglit sa isipan ko ang mga nangyayari nitong nagdaang buwan. Nanatiling tumutulo ang mga luha ko na hindi maubos-ubos kahit ilang araw nang hindi pinapahinga ang mga mata ko.

Pagkatapos kong maligo agad akong nag-ayos sa sarili para hindi naman mag-alala ang mga anak ko, lalo na't may malalaking eyebag at nangingitim ang mga mata at naging manipis ang mga pisngi ko dahil ilang araw akong puyat at d na halos kumakain.
Saktong pagkababa ko ng hagdan ay agad kong nakita si Myeibeile sa sala habang na nanunuod ito ng palabas.

"Blaire"
Tawag nito sa akin na may halong pag-alala. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung paano siya nasasaktan sa kalagayan ko ngayon. Siya lang kasi ang bukod tanging gumabay sa akin mula noong sumuko na ako sa buhay. Siya lang 'yong dahilan kung paano ako bumangon mula sa pagkalugmok at nandiyan siya palagi para suportahan at intindihan ako.

"Myei, OK lang ako. Huwag ka nang mag-alala sa akin." Ngumiti ako sa kanya pero nandito pa rin ang pait at sakit na nararamdaman ko.

"Thanks God!!! Lumabas ka din. Pinag-alala mo ako, Bestfriend. Alam mo naman na nandito lang ako palagi para sa'yo." Naluluha nitong sabi. Siraulo man itong kaibigan ko lalo na't makakita ng guwapo, pero kung mag-alala parang nanay mong hindi mapakali sa isang lugar hangga't 'di niya malalaman kung okay ka lang.

"Maraming salamat, Myei, lalong lumaki ang utang na loob ko sayo." Nakangiti kong sabi dito. Hindi lang lumaki kundi sobrang laki na kamo. Simula noon mapahanggang ngayon, hindi niya ako iniwan kaya laking pasasalamat ko sa kanya dahil kung wala siya matagal na akong wala.
Umiiling-iling lang ito sa'kin at masigla na ang mukha.

"By the way,Blaire, mukhang may lakad ka, ah?" Nakangiti nitong tanong.

"Aalis muna ako para kahit papaano maibsan ang sakit na nararamdaman ko dito,at makalanghap naman ng ibang hangin dahil nagsasawa na ako sa kuwarto ko,e." Napatawa nalang kami pareho sa sinabi ko. Kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko nang makalabas ako sa silid tulogan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang Gabing PagkakamaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon