✿Chapter One: Part Two✿

82 13 0
                                    

The Amulet✧



⊰⊹Jennella's Point of View



"Kuya matagal pa po ba?", tanong ko kay kuyang driver. Hindi nako mapakali sa kinauupuan ko. Panay tingin ako sa relo ko. Quarter to seven na. Heto ako ngayon nasa kalagitnaan ng trapiko. Mukhang hindi ako makakapunta sa tamang oras. Alas otso pa naman ang usapan namin.



Napatingin sakin si kuyang driver. Nailang ako nang mapadako ang tingin niya sa suot ko."Mukhang may date ka, iha. Hayaan mo't susubukan kong bilisan pa lalo para hindi ka malate.", nakangiting sambit sa akin. Hindi ko mapigilang mamula dahil sa hiya. Masyado bang halata sa ayos ko na may pupuntahan akong date? Tumango nalang ako at ngumiti."Sigurado akong matutuwa ang boyfriend mo. Magugustuhan niya ang suot mo. Aba! Bagay na bagay sayo. Parehas kayo ng anak ko. Simple lang kung magayos. Hindi tulad ng ibang babae na halos kinapos sa tela ang damit at napagkakapal ng kolorete sa mukha."



Napangiti ako sa sinabi ni kuya."Salamat po."



"Walang anuman, iha... Nga pala, saan mo nabili yang magandang necklace mo?", napahawak naman ako at napangiti.



"Bigay po ito sa akin ni nanay. Hindi po niya nasabi kung saan niya ito nabili.", napansin kong kumunot ang noo ni kuya."Bakit po?"



"Writer ang anak ko sa Wattpad, t---- Teka! Alam mo ba yung Wattpad?", tumango ako bilang sagot."Gumagawa siya ng kwento, pantasya. Yung mga tauhan doon ay nagsusuot daw ng amulet. May mahika daw na nakapaloob doon kaya pala pamilyar kasi may kamukha iyan. Ang alam ko kasi bihira lang. Gusto ko ngang bilhan siya ng ganyan kaso wala ako mapagbilhan. Ingatan mo iyan, iha. Tiyak na espesyal iyan dahil nabilhan ka pa rin nila.", natahimik ako at naalala ang napagusapan namin ni nanay.



"Nay, saan niyo po ito nabili? Nagtataka po kasi ako kung bakit kakaiba ito kumpara sa mga kaklase ko.", tinignan niya lang ako at binaling ang tingin sa ginagawa niya.



"Ay nak, diba may proyekto ka pa? Tapusin mo na para mapasa mo na agad.", sinunod ko nalang siya at hindi na nagpumilit magtanong.



May hindi kaya sinasabi sakin si nanay? Ngayon muling bumalik ang kuryosidad ko tungkol sa alahas na ito.



"Naniniwala ka ba sa mahika?", nagulat ako sa tanong ni kuya at natawa naman siya sa tanong ko. "Sorry kung ang weird ng tanong ko."



"Ikaw po? Naniniwala ka po ba?", ngiti lamang ang naging sagot sa akin ni kuya.

Scalvereinia I: The EyeWhere stories live. Discover now